I was twelve when daddy and mommy decided to go states. Wala man akong alam sa nangyayari ay pumayag ako. It's family who always matters to me that time.
Ayoko man umalis sa Pilipinas ay pinili ko pa rin sumama sa kanila.
Iniwan ko ang buhay ko sa Pilipinas para mabuo kung ano man yung nasisira na.Mom and dad constantly fighting for something that we don't know. Kristele was so young back then. Hindi niya pa naiintindihan ang nangyayari o hindi lang talaga pinakita ni mommy at daddy sa kanya.
"You're cheating!!" malakas na sigaw ni mommy ang nagpayanig na naman sa akin. Kakahatid ko lang kay Kristele sa school. Eversince na dumating kami sa US, mas lalo lang yata tumindi ang away ng dalawa.
I have class today but I can't leave mom alone. I was just so scared that she might do something crazy.
Hinubad ko ang winter coat na suot ko. Tumunganga ako sa living room coz' mom and dad was in the dining while shouting and fighting.
"Motherfucker, Arlene!" isang malakas na tunog ang narinig ko. Marahil ay nagbato ng plato o baso si daddy. " Talagang seyo pa nanggaling ang cheating?"
"Shut up! It was ages ago! So ano? Ginagantihan mo ako?" sigaw ni mommy. I was still standing. Nabuo ng madaming tanong ang utak ko. Hindi ko talaga sila maintindihan. Ang alam ko lang nang mga panahon na iyon ay galit na galit ako kay daddy.
"Ginagantihan? Diba nandito ako? Diba iniwan ko sila para sa inyo? Iniwan ko ang anak ko para sa inyo!" sigaw ni daddy.
Nagulat ako. That was the time na nalaman ko na may kapatid kami kay daddy sa iba. We never talk about it though. Lalo lang ako nagalit sa kanya.
Nagagalit ako kasi mas gusto niya ang anak niya sa labas kaysa sa amin ni Kristele. Napabayaan niya kami. At dahil sa gulo na dinala niya sa pamilya ay pinabayaan din kami ni mommy.
Ako ang naging ina at ama ni Kristele when mom was at her darkest moment.
"Where are you going now?!" sigaw ni mommy.
" You now what? We need to seperate. It's toxic for us to be together."seryoso si daddy.
Nanginig ang kalamnan ko. Hindi dahil sa winter season kundi dahil aalis na naman si daddy.
Lumakad ako papalapit sa kanila. I saw mom kneeled infront of dad. Awang awa sa kanya. I know that she want us to be complete and happy. Bakit hindi iyon kayang ibigay ni daddy?
Bakit bumabalik pa din siya sa dati? Sa babae niya!
"Arlene, I'm going to find my son. I need this."
Kumuyom ang kamao ko at di na napigilan magsalita.
"So you're leaving again? Kung aalis ka, please, never come back." I said coldly.
Malamig ang mga mata ni daddy habang nakatingin sa akin. Tumayo si mommy at galit akong hinarap.
"Don't you dare talk to your father like that, Atasha!" sigaw ni mommy.
Nakatingin lang si daddy sa akin ng malamig hanggang nagsimula siyang maglakad at lagpasan ako.
"Ingatan mo sila." Salita niya.
Two years of hell happened to me. I was in grade ten at halos hindi na ako makagraduate. Binantayan ko si mommy. I think she already lost her sanity.
Para siyang baliw na hintay ng hintay kay daddy. Sa dumaan taon wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak. I was always there to comfort her.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..