A/N:
Ang Chapter na Ito ay inaalay ko sa aking ikalawang follower na si nidzkie! Ahoho Katulad ng nauna hindi din siya nainform sa aking ginagawa! xD
-EL (With an E! :D)
___________________________________________________________________*****
Say whuuut?! Teka baka mali lang ang basa ko.
Binasa ko ulit ang message ni Mira! At hindi nga ako nagkakamali ng basa! Dito nga nag-aaral si Star! Waaaaaah! I mean sa BGU siya nag-aaral! Waaaaaaah! Breath in Breath out! Breath like a pregnant lady Demi! Breeaaaaaaath! Waaaah I can’t Breaaath! Kenjii Help!
Natigil ako sa pagd-day dream ko sa kung ano ang magiging unang pagikita namin ni Star. Kung yayakapin ko ba siya agad o magpapakipot ba muna ako. Baka kasi ayaw niya sa mga aggressive. Raawr! Hahaha
Mira: Oy friend buhay kapa? Wag kang magbibigti gagawin pa kitang Maid of Honor sa kasal namin ni Star!
Me: Gusto mo sapak friend? Anong maid of Honor! Excuse me! Hindi ako dadaan. Ako ang Bride!
Mira: Hahahaha. Joke lang! Kami nalang pala ni JV! Aagawin ko siya kay Sophie! WAHAHAHA!
Si Sophie. Ang leading lady ni JV sa I Do na isa sa mga patok na story ni Blackkitty sa Wattpad.
Me: Gaga! Wag teh! Gusto ko nga sila magkatuluyan eh! Kay Jonghoon ka nalang! Papahiram ko muna siya sayo! xD
Mira: Pahiram?! Akin siya! Akin lang ang Asawa ko! Akin lang!
Teka nga kung saan saan na napupunta tong usapan namin. Baliw talaga to si Mira! Hindi ko tuloy natanong kung legit ba yung information na nakuha niya.
Me: teka nga! Bumalik tayo kay Star my labs! Sigurado kaba na sa BGU talaga siya nag-aaral?
Mira: Oo nga! Sure na sure! Naghahagilap panga ako ng ibang information dito eh! Kung ano ang pangalan niya or kahit physical appearance manlang! Pero Balita ko Friend fafable daw siya! Kyaaaah! <3
Nang matapos ang paguusap namin ay nag out na ako. At natulog ng may isang napakalaking ngiti sa labi!
*****
“WAAAAAAAH! HUHU!” Naiiyak na talaga ako!
Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni Katy sa Noo.
“Ayan kasi! Hindi ka nag-aral! Baliw ka talaga!”-Katy
“Oo nga! Ano ba kasing ginawa mo kagabi at nakalimutan mo na may graded recitation tayo ngayon sa History ha! Gaga ka 30 % daw ng grade natin dun kukunin ni Miss Hernandez!”-Heart
“Menopausal pa naman yun si Miss. Matandang dalaga kaya bitter sa life! HAHAHA” - Katy
“Waaaaah! Wag niyo na akong pagalitan! Naiiyak nanga ako dito tapos sinisermunan niyo pa ako!huhu” Sabi ko at pilit pinapasok sa utak ko ang mga dates kung kelan pinanganak si ganito, kung kelan namatay si ganyan, kung saan unang nag-aral si ganito, kung ano ang unang salita na binigkas niya! Waaaah! Ano bang pakealam ko sa buhay nila?!! Makakatulong bayan sa akin? Yayaman ba ako diyan?! Makakuha ba ako ng magandang trabaho pag nakabisado ko ang bawat dates nayan?! Gaaah! Nakakainis talaga! (ToT)
Habang nakakunot ang kilay ko na tinitigan at pilit na mimemorize ang nakasulat sa isang makapal na handout ay biglang tumayo si Ate Ben.
“Akin na yang cellphone mo” sabi niya. Napatingin naman ako sakanya. Mukha siyang seryoso at nakakatakot. Gaaah! >///>
“Pero-“
“Wala ng pero pero! Hindi kana nag-aaral ng maayos dahil sa kakawattpad mo! Ibigay mo na sakin yang cellphone mo at ibabalik ko yan sayo pagkatapos ng mid-term exam.” Seryoso niyang sabi. Nakakatakot siya!
Parang isang tuta na inabanduna ko siyang tiningnan pero wala paring effect. Ginawa ko na ang lahat. Nagpuppy eyes na ako at nag pout ng bongga pero binatukan lang ako ni Katy. Nakakasuka daw parang gumagawa ako ng music video ng Adore You ni Miley Cyrus! Tsk.
Binigay ko nalang ang cellphone ko okay Ate Ben. Huhu. Goodbye Fesbuk. Twittah. Instah.Watty. Star bubye! T.T
Natapos na ang klase namin. Buti nalang talaga at mababaet ang mga kaklase ko at nagtuturo sila ng sagot. Kaya ang ending nakasagot ako! Hallelujah! \(^o^)/
Kinuha ko na ang iba ko pang mga libro sa locker para makapag advance study na ako. Oo. Seryoso na to! Ayoko ng asahan si batman. Madami nang umaasa dun ayoko ng dumagdag pa. At ang isa pa na kay Ate Ben ang phone ko! Hindi daw niya ibabalik pag hindi ako nakapasa sa exam! Meanie! Huhu.
Nagsimula na akong maglakad bitbit ang sandamakmak na libro. Grabe ang hirap pala maging isang book worm. Paano kaya yun natatagalan ng mga nerds na halos buong buhay nila eh libro ang palagi nilang kasama!
Nauna na sila Ate Ben sa entrance ng school. Dun nalang daw nila ako hihintayin. May kakatagpuin daw kasi si Ate Ben. High school friend niya ata. Sila Heart at Katy naman ayun nag bboy hunting! Nakakainis palagi nalang nila ako iniiwan! Ang kupad ko daw kasi kumilos! Tss.
Nang pababa na ako ng hagdan ay naramdaman ko ang unti unting pag ooutbalance ng librong hawak ko. Waah! Malalaglag malalaglag! (@3@)
Sinubukan kong ayusin ang libro sa pinakataas at sa awa ng Diyos na ayus ko yun. Phew! Kamuntik nayun hah! Buti nala-
AAAAAAAAAAAHHH!
Sigaw ko ng kamuntik na akong malaglag ng hagdan. Dahil kasi sa hindi ko Makita ang nasa harapan ko dahil sa kabuntok na librong hawak ko at pangramdam nalang ang ginagamit ko.
Akala ko kasi nasa pinakababa na ako! Kaya isang malaking step ang ginawa ko. Hindi ko alam meron pa palang isa. Alam niyo yun? Yung parang nagkaron ka ng mini heart attack! Waaaah!
“AH! ARAY!” nagulat ako ng biglang may sumigaw sa harapan ko. Unti unti akong dumilat. At agad nanlake ang mata ko ng Makita na nahulog pala yung mga dalang libro ko. At sa kasamaang palad ay nahulog iyon sa taong nasa harapan ko. Halaaa Sorry! Di ko sinasadya! (T3T)
“Hala Kuya! Sor- Waaaaah! Dugo may dugo! Kuya wag kang mamatay please! Ayokong makulong! Waaaah! Wag kang sumama sa liwanag!” Nagpapanic na ako at lumapit sa lalaki na nahulugan ko ng libro! Ahh! Tatlong makapal na libro pa naman yun at matigas! Tapos isama pa yung iilan ko pang libro at notebook! Panigurado masakit yun! Waaaah!
BINABASA MO ANG
FINDING OP (ON-HOLD)
RomanceOPERATOR. Bukod sa pag ooperate ng facebook at twitter account ng mga fictional characters. Saan mo paba sila mahahagilap. Kung ang tanging alam mo lang sa kanya ay ang code name niya. Paano mo nga ba siya mahahanap? Tara't ating samahan si Demi sa...