"Boyfriend mo pala si-si Alex?..kailan lang naging kayo if you don't mind?" nagulat ako sa tanong ni Ma'am Jessica sa akin. Bigla na lang kasi niya akong tinawag sa office niya. Hindi ko inaasahang ganito ang itatanong niya sa akin. Kinakabahan ako. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi totoo yun? I just smiled to her.
"Naiintindihan kita..it's your personal life. I'm sorry kung nagtanong pa ako." wika nito. Napahinga ako ng maluwag. Hay salamat naman at hindi na nagtanong pa ang boss ko. Yun lang at tinatanong na lang niya sa akin ang tungkol sa pictorials at pagkatapos ay pinaalis na niya ako. Kahit na sa pagkakaalam ko ay walang gusto o walang pagmamahal na nararamdaman ang boss ko kay Alex ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Paano kung paalisin ako sa trabaho dahil marealize ni Ma'am na mahal din pala niya si Alex?Siguradong malaking gulo yun lalong-lalo na sa pamilya ni Ma'am at masasangkot pa ako. Kaya nga sa abot ng aking makakaya ay iniiwasan ko si Alexander Singson dahil ayokong madamay. Tahimik ang buhay ko kaya ayokong magulo iyon nang dahil lang sa mayabang na preskong lalaking yun. Pero ang kulit-kulit lang talaga. Palaging pumupunta sa bahay at nagdadala ng kung anu-ano at sinabi pa talaga sa kapatid ko at kay Yaya Lucring na boyfriend ko siya at paniwalang-paniwala naman ang dalawa. Bumalik na ako sa pwesto at napasimangot ako nang makita ko na naman si Alex. Ngumisi ito nang makita ako. Hindi ko alam kung ano ang plano nito sa akin basta pakiramdam ko ay may hindi magandang plano ito.
"Mr. Singson, pwede ba tigilan mo na ako?!..humanap ka na lang ng ibang babae para magamit mo sa kung ano ang balak mo dahil wala akong panahon para makipagbiruan sayo..kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoong dahilan mo kung bakit ka nagkakaganyan sa akin ay alam na alam ko naman eh..wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo kay Ma'am Jessica because she's not inlove with you anymore..kahit na may nakaraan pa kayo ay hindi naman ibig sabihin nun ay siya na ang forever mo kaya kung ako sayo humanap ka na lang ng ibang babae at tigilan mo na ako.." wika ko. Sumeryoso ito.
"Paano kung sabihin ko sayo na nakahanap na ako ng ibang babae?sasagutin mo na ba ako?..Kaya nga nililigawan kita dahil gusto ko siyang kalimutan..I want you dahil gusto kong mapatunayan na hindi na niya ako mahal.." wika nito. Nakapamaywang ako at saka napanganga.
"Pareho lang din yun Alex..the point is gagamitin mo ako para sa sarili mong kapakanan!..Are you that disperate para lang mapatunayan mo na mahal ka pa ng taong alam mong imposible kang mahalin?!..hindi mo lang ba naiisip ang mararamdaman ko Alex?baka nakalimutan mong tao ako at hindi isang bagay.." galit na wika ko at saka tinalikuran siya. I wanted to cry dahil ang liit-liit ng tingin niya sa akin. Sa tanang buhay ko ay siya lang ang gumaganito sa akin. How dare him. Uuwi na lang ako tutal malapit ng dumilim ang paligid. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa ice cream shop at bumili ng isang gallon ng ice cream para dalhin pauwi. Naglakad-lakad muna ako patungo sa sakayan ng jeep. Habang nagmumuni-muni ay may dalawang lalaking humarang sa akin kaya kinabahan ako. Napayakap ako sa sarili ko.
"Tol!chicks oh!." wika ng isa at ngumisi. Ngumisi rin ang kasama nito. Sa tingin ko ay sabog sa droga ang dalawang to. Mas lalo akong kinabahan dahil wala masaydong tao sa street na yun. Sinubukan kong wag silang pansinin kaya diri-diritso akong lumakad at dumaan sa kanila ngunit nabigla ako nang biglang hablutin ng isang lalaki ang braso ko kaya napasigaw ako.
"At sa tingin mo ay makakatakas ka Miss ganda?hmmm?" ngumisi ang isa pang lalaki. Natakot ako pero nagtapang-tapangan ako dahil hindi ito ang panahon na manghina ako.
"Bitiwan niyo nga ako kundi ipapapulis ko kayong dalawa!!" sigaw ko sa kanila. Humahalakhak ang dalawa.
"Aba!Aba! nanakot pa..ipapapulis mo kami?yun ay kung bubuhayin ka namin pagkatapos ka naming matikman.." wika ng isa. Natakot ako--sobrang takot at gusto ko ng maiyak. Napahigpit ang paghawak ko sa isang gallon ng ice cream.
"Pero bago niyo yun magawa tikman niyo muna tong ice cream na dala ko..ito oh!" at saka itinaas ang ice cream at bigla kong inihampas sa mga mukha nila kaya nabitiwan nila ako kaya tumakbo ako ng mabilis.
"Hoy! bumalik ka rito!" narinig kong sigaw ng isang lalaki pero hindi na ako lumingon. Ang importante sa akin ay ang makalayo pero--
"Bulaga!!" biglang hinablot ng isa pang lalaki ang braso ko kaya napasigaw ako.
"Akala mo matatakasan mo kami ha?" nakangising wika nito. Hinabol pala ako ng isa kanina at naabutan ako. Dumating na rin ang isang kasama nito at hinawakan ang isa ko pang braso. Gusto ko ng maiyak.
"Tulong!!" sigaw ko pero tinakpan ng nila ang bibig ko at nagsesenyasahan ang dalawa. Maya-maya pa ay pinunit nila ang damit ko at wala akong magawa kundi ang lumuha. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at naramdaman ko na lang ang panghihipo ng dalawa sa katawan ko nang biglang may dumating at sinuntok isa-isa ang dalawang lalaki. Napayakap ako sa aking sarili at humagolhol. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid basta takot na takot ako at nanginginig ang buong katawan ko.
"Honey, are you okay?"
"W-wag!m-maawa ka!" napasigaw ako dahil hindi ko na makita ang lalaki dahil sa nanlalabong paningin ko dahil sa luha sa mga mata ko.
"No no Honey..It's me Alex..you're safe now.." wika ng lalaki. Napapahid ako sa aking luha at saka siniguradong tama ba ang narinig ko.
"A-Alex.." napayakap ako dito at saka napahikbi.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...