Ako'y isang babaeng minsang pinaasa ng matatamis na pangako. Naniwala sa pangakong magbibigay sa akin ng pag-ibig na puro ngunit iyon pala'y isang malaking kasinungalingan. Isinara ang puso at nangako sa sarili na kailanma'y di na papasok sa seryosong relasyon. Ngunit sadyang napakabait ng Diyos dahil ang hinanakit ng nakaraan ay kanyang binura sa aking puso. Ipinakilala ang isang taong tunay na magmamahal sa akin at magbibigay-kahulugan sa aking kinabukasan. Maliban sa suporta ng aking pamilya, nariyan siya lagi para sabihing mahal na mahal ako, na ako ang pinakamgandang babaeng nakilala niya. Naniniwala ako sa kanya dahil ibinigay niya sa akin ang nararapat niyang gawin bilang isang nagmamahal sa isang babae.
Kaya, kung ikaw ay nawawalan ng pag-asa, lagi mong tatandaan na ang Diyos ay laging nandiyan sa atin. Kung hindi pa tamang panahon para sa iyo, huwag mong madaliin dahil kusa itong babagsak sa iyo.
BINABASA MO ANG
SANAYSAY
PoetrySa mundo ng pag-ibig,hindi ka makapagkukubli sa kabiguan,lamang,kailangan ang kahandaan.