Chao’s POV
It was two years ago nung magkakilala kami. Nagbakasyon ako sa Pangasinan since may kamag-anak kami dun. Almost a month din akong nag-stay dun. Halos ayoko na ngang umuwi dahil sobrang ganda ng place at tahimik.
It was one lucky sunny day when I’ve come to known this man. Well hindi ko talaga siya literal na nakilala.
“Charlin dito ka lang muna ha? Pupuntahan ko lang yung anak ko. Ang likot likot kasi. Kung san-san nakakaabot.” paalam sa’kin nung pinsan kong 10 years ang tanda sa’kin.
“Ok, Ate Sherlie. Punta na rin muna ako dun sa may dalampasigan. Namimiss ko na ang dagat eh.” tugon ko naman sa kanya.
“Sige. Mag-iingat ka. Kung di mo na’ko mahanap mamaya ibig sabihin nun ay nauna na kami ni Angelo. Alam mo naman yung anak kong yun?”
“Ok po. Ttext ko na lang kayo if pauwi na’ko.”
Summer is actually my favorite time of the year. Gustung-gusto ko kasi ang dagat. Ang swerte nga natin kasi ang dami nun dito sa Pilipinas. Hindi mo na kailangan pumunta sa ibang bansa.
Andito nga pala kami ngayon sa may tabing dagat. Malapit lang kasi ang bahay nila Ate Sherlie dito kaya halos araw-araw pumupunta ako dito. Ansarap kasing maglakad-lakad dito lalo na tuwing hapon tulad ngayon.
“Aish! Hindi ko pala nadala yung camera ko. Sayang! Maybe next time.” nanghihinayang na sabi ko sa sarili.
Dahil nga malapit na rin naman ako sa dalampasigan, tinanggal ko na ang aking tsinelas na suot para mas ma-feel ko pa yung pinong buhangin sa mga paa ko. Hindi ko na rin naiwasan na magtampisaw sa tubig-dagat. Para akong bata na naglalaro.
Agad namang napukaw ang atensyon ko nang may narinig akong kumakanta habang naggigitara malapit sa may kinatatayuan ko na ngayon. Ang ganda ng boses niya. Nakatalikod siya sa’kin kaya hindi niya ako nakikitang manghang-mangha sa kanya.
Ang tunog ng alon ay halos nakikisabay sa bawat kalabit niya ng kanyang gitara. Pinatapos ko muna siya sa kanyang pagkanta bago ko napagdesisyunang lapitan na nga siya.
“Uhm … H-hi! Narinig kitang kumakanta. Hindi ko maiwasang di makinig.” ako na ang unang nagsalita.
Nakatalikod pa din siya sa’kin. Medyo bastos kausap noh? People these days. Psh.
“The song has ended. Bakit andito ka pa?” masungit na tanong niya.
“Y-yah. I think I need to go.” tss na-corner ako dun sa tanong niya.
I was already making my steps away from him, when he suddenly grabbed me by arm. Then put me in a warm embrace. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.
“Adik ka ba? Let go of me. Eto na nga paalis na’ko diba?” nagpupumiglas na sabi ko sa kanya.
“Please, stay! I need you.” pagmamakaawa niya.
I was stunned. Halos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa stranger na’to. Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako hanggang bumitaw na nga siya nang tuluyan.
“I’m sorry Miss. Hindi ko sinasadya.” sabi niya sa’kin sabay talikod.
“Sorry? Eh sira ka pala eh. Yayakapin mo’ko nang bigla-bigla tapos magsosorry ka after? Ano kaya yun? Tsaka humarap ka nga.” sagot ko naman sa kanya.
“I said I was sorry. Kung ayaw mo tanggapin ok lang. Hindi ko na yun problema!” halos pasigaw niyang sabi sabay alis.
“Hoy kinakausap pa kita! Bastos ka ha?” sinisigawan ko na rin siya.
BINABASA MO ANG
Occupation: Fangirl
UmorMeet Charlin Hanna G. Zamora aka Chao, our ultimate super mega to the universe and back fangirl! How far can she go to chase her one great love? Or should I say obsession?