Teddy Bear

654 33 5
                                    

Plug ko po yung isa kong book: BACK IN EACH OTHER'S ARMS

 enjoy reading :)

****************************************************************************

-----Christine's POV---------

Ako si Christine, campus sweetheart at very active sa aming university. Lahat na ata ng roles at positions sa school ay nagampanan ko na- President ng student council, member ng scholar’s guild, cheerleader, band vocalist at theater actress. Pero sa lahat ng roles na nagampanan ko, ang maging bestfriend ni Alvin ang pinakamahirap.

Si Alvin ay aking kababata since grade 3. Pareho kaming grumadweyt sa San Beda Highschool and we both decided na sa UST magcollege, although sa UP ko talaga pangarap makapasok. Civil Engineering ang kinuha ko at Political Science naman ang kay Alvin. Ayaw kong malayo sa aking bestfriend. Gusto ko sa lahat ng pagkakataon ay magkasama kaming dalawa. Wala naman talaga sa UP ang pangarap ko, ang pangarap ko ay ang mismong tao na naging dahilan ng pagpasok ko sa UST.

Oo, tama kayo. I’m in love with my bestfriend.

Matagal na rin akong nakikipag-hide and seek sa kanya. Taguan ng feelings. Nagtitiis akong itago ang feelings na ito dahil natatakot akong baka layuan nya ko pag nagtapat ako sa kanya. Ganun ako katalino at kamartyr. Pinili ko ang isang relasyon na kung saan alam kong mas magtatagal kami.

Maraming nanliligaw sakin sa school pero hindi ko sila pinapansin, dahil ang inaantay ko ay ang ligawan ako ni Alvin, kahit pa I’m just waiting in vain.

“Oh Tin, bakit ayaw mong pansinin ang mga manliligaw mo?”

“Di ko sila type yats eh. Saka may iba akong hinihintay. Eh ikaw yats, bakit wala ka pa ring gf?”

“Pareho tayo Tin eh. May hinihintay din akong iba.”

Sino kaya ang hinihintay nya? Sana ako na lang. pag nagkataon pareho pala kaming naghihintayan. Ayaw kong umasa pero hindi naman siguro masama ang mangarap.

Two months na lang at malapit na kaming grumadweyt. Ilang araw kong hindi nakita si Alvin sa school. Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase nya at nalaman kong ilang araw na pala syang hindi pumapasok. Bute na lang, isang araw ay nakita ko sya sa may school cafeteria kaya agad ko syang kinausap.

“Ui yats long time no see. Nabalitaan kong ilang araw ka na raw absent. Bakit yats? Anong problema? Baka hindi ka makagradweyt nyan sayang naman.”

“Ang dami mong dada! Puro ka sumbat! Buhay ko to! Ano ba kita!?”

Nagulat ako sa mga salitang binitawan nya. Masakit pero tama sya. Sino nga ba naman ako sa buhay nya? I’m just his girl friend and how I wish there’s no space. I walked away without leaving any words. Labis kong dinamdam ang mga sinabi nya sakin. Truth really hurts.

Lumipas ang mga araw na hindi sya nagpaparamdam sakin. No calls. No texts. No chat. Hanggang sa dumating ang birthday ko. I waited for him. Umasa akong darating sya.

“Anak blow your candles na. Wag mo ng hintayin si Alvin di na yun darating.” –mom

“Ten more minutes mom. I know he’s coming.”

Naghintay ako sa wala. Ni anino nya hindi ko nakita. Hindi ko magawang mag-enjoy sa birthday ko dahil wala sya. Ngayon lang sya hindi nakadalo sa bday ko ever since we became friends. I think he’s totally forgotten me that easily. I don’t know WHY.

When I was about to go to sleep, the phone rang.

Me: Hello, who’s this?

Alvin’s mom: Christine, this is your Tita Lucy.

Me: Yes tita, bakit po kayo napatawag?

Alvin’s mom: Christine si Alvin…………

In shock, I dropped the phone. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I started to cry.

Alvin was rushed to the hospital. Dead on arrival. Puno ng pasa at sugat sa katawan. He was a victom of hazing. His friend told me na gusto palang makasali ni Alvin sa isang fraternity para madali syang makapasok sa Law School. Hindi ko mapigilang umiyak lalo pa’t malapit na ang aming graduation. Marami pang pangarap si yats. Masyado pa syang bata para mamatay. Hindi man lang namin naayos ang aming naging hindi pagkakaintindihan. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa aking bestfriend.

Kinabukasan, may inabot sakin ang nanay ni Alvin na isang sulat. This letter was recovered from the place kung saan naganap ang pambubugbog kay Alvin. Habang binabasa ko ang sulat, I broke into tears.

"Mga tol wag nyong sasaktan si Christine. Nagawa ko na ang gusto nyo. Nagawa ko ng saktan ang babaeng pinakamamahal ko, makasali lang sa fraternity nyo."

Kaya pala hindi nya ko pinapansin at kinakausap. Kaya pala hindi sya nakapunta sa birthday ko. Sana may nagawa ako para tulungan sya.

Ilang araw matapos mailibing si Alvin, bumisita ko sa bahay nila para kamustahin sina Tito at Tita. I asked Tita if I can go to her son’s room at pinayagan naman nya ko.

Pagpasok ko sa kwarto ni Alvin, nakita ko ang mga pictures naming dalawa sa dingding. Nakita ko ring naka-display ang gitara na niregalo ko sa kanya nung 17th bday nya. Nakita ko rin sa kama nya ang unan na binigay ko nung highschool graduation namin. Sa kanyang study table, napansin kong may nakapatong na isang malaking regalo. Mukhang bday gift at nung binasa ko ang card nalaman kong sakin pala ito nakapangalan. I opened the gift to see what’ s inside. A big stuffed toy. Mickey mouse. My favorite cartoon character. Lalo kong namiss si yats dahil sa regalong ito, kaya niyakap ko ito ng mahigpit, as if it’s my bestfriend.

The moment I hugged the stuffed toy, it spoke…

Tin sorry. Wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko. Kaya ang stuffed toy na ito ang ginamit ko para sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Mahal kita. Ikaw ang babaeng hinihintay ko, at sana ako rin ang lalaking hinihintay mo. I love you and I’ll wait for you even if it takes forever.

It’s too late.

I should have told him how much I love him.

I miss you yats. A liitle too much. A little more often. A little more every day. :(

Yats, I love you too. Till we see each other again.

**********************************************

Ok po ba? dont forget to post ur comments and cast your votes. pa-follow na din po. thank you :)

Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon