Secret Admirer- Conditions to be a Fake Couple

1.5K 57 0
                                    

Chapter 54
***************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Kumunot yung noo ko sa text message ni ate. Ano naman kayang problema?

'Umuwi ka na Andrea. Malaking problema ito. I really need to talk to you. :('

Kinakabahan naman ako. Di ko alam kung ako ba yun, yung mga kapatid ko o yung magulang ko yung problema. Kinakabahan ako na para maramdaman ko na yung puso ko ay tatalon na palabas sa akin dahil sa sobrang kaba.

Dumiretso na lang ako sa mansyon. Sa labas, nagkalat lahat ng mga katulong, gwardiya namin dati at yung sa tingin kong mga bago at ilang mga pulis.

Teka! Pulis?! Ano ba namang buhay ito? May namatay kaya. May nabiktima ba sa pamilya ko? May nahuli?

Lumapit ako sa tapat ng pintuan. Hayy! Baka makasalita na naman ako ng iba. Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan-dahang binuksan yung mahiwagang pintong iyon na tungo sa kadiliman.

"Sus! Anak ng tokwa naman!" Mukhang dinaanan kasi ng bagyong Yolanda ang mansiyon. Sinong demonyo ang nakapasok dito?

Nakita ko si mommy na umiiyak. "Nakakadiri! Nakakadiri! Nakakadiri!" Paulit-ulit niyang binabanggit habang nakatakip ang mukha niya sa dalawang kamay niya at umiiyak.

Lalapit na sana ako para itahan si mommy kaya lang nung makita ko si Ate Mia na nakatingin sa akin, sa kanya na lang ako lumapit. "What the eff is happening around here?" Tanong ko. Parang may lamay dito kahit na walang kabaong.

At bago pa niya ako masagot, may tumilapon ng flower vase sa gilid ko. "Ay sus! Ginuo!" Ilan pang sunod-sunod na tunog ng pagbasag ang narinig ko. Wow ha! Ano 'to killing spree? Tumingin naman ako sa nagtapon. Ano?! Si Kuya Cyfer. Ano ba talagang nangyayari?

"Kalma ka lang Cyfer." Lumapit naman ang isang babae na hindi ko pa nakikilala. Siya ata yung lihim na girlfriend ni kuya.

"Ate. Bakit ang daming beer dito? Bakit umiiyak si Mommy? Bakit malungkot si Kuya Cyfer at si Dad? Higit sa lahat, bakit may mga pulis sa labas? Ano ba talaga ang nangyayari?" Napahawak sa ulo si ate (dahil siguro sa stress) at tumingin sa akin.

"Si Kuya Cyfer. May nagnakaw ng USB niya. Kaya wala siyang naiprisinta sa mga kliente. At yung mga klienteng iyon pa naman ay yung pinakaimportanteng nahawakan niya."

"Baka naman nawala niya lang iyon." Saad ko.

"Hindi. Nakita na namin yung isang taong nakabalot lahat ng itim ang pumasok sa opisina niya sa CCTV. At isa pa, may nagkalat ng maling impormasyon sa kompanya kaya bumagsak yung sales. At dahil hinahawakan ito ni kuya, siya ang sinisi ng lahat. Gusto nilang tanggalin si kuya. Si Dad naman, kaya siya ganyan ay dahil sa balitang iyon, sa pagiging biktima niya sa isang holdapan at dahil sa..... muntik na panggagahasa kay mommy." Ano?!

Lumapit naman si Kuya Lance. Akala ko mangaasar siya pero seryoso dahil seryoso yung mukha nito, alam kong malungkot rin siya. "Buti na lang at dumating ako doon. Naligtas ko tuloy si mommy mula sa demonyong yun. Hindi na natuloy. Buti nga at nakakulong na yun ngayon. Tss! Sana mabulok na siya doon hanggang sa huli niyang hininga! Di ko maintindihan kung bakit sunod-sunod ang lahat ng ito." Tumango naman si ate bilang pagsang-ayon.

"Eh ikaw? Umiinom ka. May problema rin ba?"

"Wala. Magdidiwang lang sana ako dahil sinagot na ako ni Jasmine. Pero ito yung naabutan ko. Ang dami ko pa namang dinala. Yung iba naman, binasag ni Kuya Cy." Grabe! Sobrang apektado talaga si kuya doon.

Hinawakan naman ni Ate Mia yung mga kamay ko. "Mabuti pa. Dumaan ka muna kay Shin. I will set a christmas party for all of us. Aayusin ko ito. Ayaw na naming mamroblema ka pa. Kapag naayos na namin, magkakaroon ka na ng PSG. Magsaya ka! Di ka dapat madamay dito. At isa pa, nakausap ko na yung magulang ni Shin. Doon ka muna sa kanila. Di pa okay si kuya at kailangan pang linisin yung bahay. Mabububog ka lang dito."

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon