"Ma, anu ka ba? Kaya ko to okey? Kaya natin to. Tiis lang po. Babalik din naman ako e." Alo ko kay mama dahil walang tigil ang iyak nya.
Aalis na ako sa Monday. It's Sunday at kagagaling lang namin sa simbahan. Umuwi ako ng Mindoro para makapagpaalam ng maayos sa kanila. I'll be going to Canada. Luck is in my side this past few months. Dati kasi puro na lang kamalasan ang dumadating sa buhay ko.
Last May I resigned sa dati kong work to forget. Alam ko kasi na mas lalo lang ako hindi makakamove on kung mananatili ako dun. I was hurt super hurt when I learned that my 4-year boyfriend got someone pregnant. Tang'na. E na assign lang naman ako ng dalawin buwan sa ibang bayan e lumlandi na. At ang letseng babae pa ay yung walang hiyang serbedora sa cafeteria na noon ko pa napapansin na malagkit ang tingin sa kanya. Putspa lang. Ang siste di pa nakuntento sakin at kesyo daw di daw nya matiis dahil tigang na siya.. Kaya ayun, lumuwas ako ng Manila para maghanap ng trabaho. Naswertehan naman na natanggap ako at sa loob lang ng dalawang buwan ay nabigyan ako ng offer to be trained sa branch nila sa Canada. Aba naman. Alangan namang tanggihan ko.
Kya eto isang npakatinding paalaman naman ang kinakaharap ko.
"Anak naman. Diba nga nagkasundo na tayo na okey lang na naghihirap tayo basta ba magkakasama tayo.? Diba?"
"Oo nga ate." Dagdag pa ng bunso kong kapatid.
"Ma, naman. Anung gusto nyu nganga tayo? Saka ma, hindi ako makakalimot kung andito lang ako. Alam mo naman yung pinagdadaanan ko db?"
"Hay sige na nga. Alam ko naman na di ka na mapipigilan. Halina kayo at kakain na tayo."
Napangiti na lang ako. Di ko rin naman ginagawa to for my own. Para Ito sa tatlo ko lang maliit na mga kapatid at kay mama. Yung sumunod naman kasi sakin matagal ng di umuuwi at di nagpaparamdam sa amin. Yung ama naman namin iniwan kami para sa bago nya. Hay. Kapalaran na nga siguro namin ang iwanan.
Nagtungo na lang ako sa kusina. Gutom na ako.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
RomanceWhen reading the title, maybe some of you may think that it is already a used line. Some may ask why I have to use it as title? so please read my story. It may have something to do with what I really hope for in life..