Chapter 14

241 15 0
                                    

Chapter 14

Chanyeol's POV

Yehey! Turn ko na, Hi everyone! Nandito kami sa bahay ngayon naghahanda ng Dinner namin. Actually kami lang tatlo nila Chen at D.O ang nandito sa kusina. Di mo na kasi maasahan yung iba eh. Baka pumangit pa ang lasa ng pagkain. Haha!

"D.O nakapag saing ka na ba?" Tanong ko.

"Ito palang magsasaing palang." Sabi niya habang nilalabas niya yung bigas.

"Okay." Sabi ko at nagpatuloy kami ni Chen sa paghihiwa ng manok at pork para sa samgyeopsal namin at fried chicken ^__^ Yummy! Hahaha!

"OY." Napatingin kami sa nagsalita.

Si Suho pala.

"Yes?" Tanong ko.

"Dito daw matutulog si Sooyoung for 3nights, 3 days. Wala kasi si Tito sa bahay nila at gusto niyang pabantayan si Sooyoung." Sabi ni Suho samin habang may binabasa siyang message ata sa phone niya.

"Okay ^____^" Sabi ko sakanya. Yes! Dito matutulog si Sooyoung :"> Magiging masaya to!

"Hala, huy! Ngiti mo abot hanggang sa tenga mong malaki!" Sabi ni Chen sakin.

"Gwapo padin ako." Sabi ko sakanya na pang asar.

"Sus." Sabi ni Chen at nagpatuloy na siya sa paghiwa ng pork.

"Crush mo talaga si Sooyoung eh no?" Sabi ni D.O at biglang nagulat si Suho.

"Ano?" Sabi ni Suho.

"Si Chanyeol, kras na kras si Sooyoung, kaya nung nalaman niyang dito mag stay si Sooyoung, yung ngiti abot sa tenga niyang malaki." Sabi ni D.O. Mga gg tong mga to eh no. May kasama pa talagang lait eh.

"Ewan ko sainyo." Sabi ko at tumalikod na ko sakanila.

"Chanyeol baka nakakalimutan mo yung rule?" Tanong sakin ni Suho. Napatigil ako sa ginagawa ko at naalala ko yung rule namin..

'Bawal na magkagusto ang EXO sa iisang babae lang...'

Eh, hindi naman nila ako mapipigilan eh! Gusto ko yung tao eh, alangan iwasan ko? Hindi ako ganun.

"Hindi hyung, hindi pa naman sila ni Luhan eh." Sabi ko sakanila at nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko.

"Kahit na, alam naman natin na gusto ni Sooyoung si Luhan eh." Sabi ni Chen.

"Kahit na, edi kung si Luhan talaga. Atleast close kami at nakakasama ko padin siya. Wala naman tayong rule na, 'bawal iexpress ang pagmamahal mo sa taong gusto mo eh'." Sabi ko sakanila at biglang tumawa si D.O at si Chen, partida! Nag-apir pa sila.

"Ang lalim mo pare ah. First time mo nagiging ganyan ah? Parang ang lakas ata ng tama sayo ni Sooyoung?" Sabi ni D.O.

"Ewan ko ba." Sabi ko sakanila.

"Kung ano mang nararamdaman mo, tama na ha. Wag ka ng manggulo, gusto mo bang maghiwalay ulit ang M at K?" Tanong ni Suho sakin.

"Ayaw." Sabi ko. Pero kahit na, di padin nila ako mapipigilan, edi kung sila na ni Luhan, makikipag close padin ako.

"Oh yun naman pala eh. Oh, mag chicken curry ka. Paborito ni Sooyoung yun." Sabi ni Suho at umalis na siya sa kusina.

"Oh, magluto ka na." Sabi ni Chen at biglang tumawa.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon