SDTR-Weird Feelings

149 5 1
                                    



Dianne Villareal
Sabi raw nila bawat isa sa atin ay may nakalaang tao. Dumarating daw sila sa tamang panahon, sa panahon na alam mong handa ka na, sa panahong hindi mo inaakala. Pero parang ayaw ko namang maniwala sa paniniwala nila dahil hanggang ngayon hindi pa rin sya dumarating. Eh, matagal na 'kong handa.


Halos lahat ng bagay ay natatamasa ko na subalit bakit hindi parin ako masaya? Siguro dahil may kulang?

Ako nga pala si Dianne, isa akong proud Elementary teacher. I had been teaching for almost 6 years now. At present, I am on my 4th year studying my Masters Degree. Meron akong apat na kapatid, Si Kuya Rex, ang aming panganay na Engineer, Si Ate Mathilda, ang ate kong Nurse, Si Kuya Miko ang pangatlo, ang aming Seaman at ako ang bunso sa aming magkakapatid. Both our parents are retired teachers. Hindi ko masasabing mayaman kami hindi rin naman mahirap, middle class ika nga. Si kuya Rex ay meron ng sariling pamilya, Si Ate Mathi naman katatapos lang ng kasal nya sa isang British Doctor. At si Kuya Miko malapit na ring magpakasal. Eh ako? N.B.S.B...
Ewan ko nga ba. Marami namang nagparamdam pero hindi ko lang talaga ramdam yung kilig o yung spark. Kaya ayun hindi pa nag-uumpisa basted na agad. Siguro ito na talaga ang kapalaran ko. Sabi nila karamihan sa mga teacher ay tumatandang dalaga. Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit.

Hello, I'm Che, short for Michelle Cruz.
A businesswoman, an interior designer and a certified Philippine teakwondo coach. I am living alone in the Philippines because my family decided to migrate in Denmark dahil nandoon ang mga relatives namin. Pinili kong manatili dito kasi alam kong nandito ang buhay ko. I have everything -family, friends, leisure, etc. Pero bakit hindi pa rin ako masaya? Feeling ko may kulang pa. Eventhough halos nalibot ko na ang buong mundo may lungkot parin sa bahagi ng puso ko. Dahil ba wala parin akong lovelife hanggang ngayon? Oo, NBSB din ako. Lagi na lng akong ginigisa ng barkada dahil don. Sayang raw ang genes ko pagnagkataon. Sabi ko naman, siguro'y hindi pa talaga dumarating yung taong mamahalin ako at mamahalin ko. May darating pa ba?

Kasalukuyan akong nakasakay sa eroplano patungong Iloilo. Bibisitahin ko yung branch ng family business namin sa isang mall and at thesame time naimbitahan ako ng taekwondo team na umatend sa event nila.

Pagdating ko sa Airport, sinundo ako ng kaibigan kong si Shy na may ari ng Condo unit na binili ko.

Shy: hi, how are you? ( sabay beso)
che: great! Ikaw?(sabay hawak sa kamay nya.
Shy: I'm good. ( habang malapad na nakangiti.)
Ilang days ka dito? (kihuha nya ang ibang bagahe ko at nagsimulang maglakad)
Che:2 days lang bes.
She: ang bilis naman. Magextend ka kaya para naman makapagrelax ka.
Marami ka namang ipon na ah. Eh kung makakayod ka daig mo pa ang may asawa na. Matanong ko lang bes, kailan na nga ba ?
che: ikaw talaga.( sabay ng mahinang tapik sa balikat ) mauna ka na muna bago ako. Tara na nga, gutom na ako.
Habang nasa sasakyan ay tuloy pa rin abg kwentuhan. Namis ko talaga ang babaeng 'to, halos mag-iisang taon na di kami nagkita simula noong nagdecide syang umuwi ng Iloilo para pangasiwaan ang family business nila. Shy is my very bestfriend. She knows me very well. We met during our Senior high. Maganda sya, matangkad, at maputi. Tulo laway lahat ng mga kalalakihan sa campus namin pagrumampa na sya. She has boyfriend-a seaferer. Hindi ko pa nga namemet iyon eh, pero sabi nya childhood friend daw nya iyon.
But anayways, I am so happy for her kasi malapit na syang mag settle down.


At Villareal's Residence

Abala ako sa kakatype ng research proposal ko na ipapasa ko bukas nang tumunog ang phone ko. Si kuya Rex pala amg tumatawag. Nakapagbukod na sila ng asawa nya pagkatapos nilang ikinasal 10 taon ang nakalipas. May dalawa na silang anak. Tuwing Linggo lang sila nakakdalaw dito sa bahay.

Dianne: Kuya kumusta, napatawag ka ?
Rex: hello bunso, pwede bang magrequest?
Dianne: sure kuys, basta kaya ko at available ako. :)
Rex: Kailan ka pa hindi naging available? Eh diba nga matagal ka ng available?( habang nakatawa sa kabilang linya)
Dianne: kuya naman eh. Nang-aasar pa. Sige ka pag ako napikon, di ko gagawin yang hinihingi mong favor. :D( biro ko rin sa kanya)
Rex: Pasensya naman. Eh, ikaw naman kasi bunso, nag-aalala lang naman ang kuya mo sa'yo eh.
Dianne: oh sya, sige na, ano nga po pala yung sasabihin mo?
Rex: Bukas kasi kukuha si Ram ng promotion for the Red Belt. Sa Mall gaganapin yun sa Ground floor. Eh baka malate kami ng Ate Tes mo. Kailangan pa kasi namin pumunta ng site for our new project.
( Hindi ko pa pala nakukwento, Si kuya at ang sister-in-law ko are working in the same firm. My brother is an engineer and ate Tes is an Architect.) Panganay nilang anak si Ram.

Dianne: okay, so, what do you want me to do kuya?
Rex: Okay lang ba sa iyo na ikaw muna ang sumama sa kanya until makarating kami ng ate mo? Hindi ko naman pwedeng ibilin lang sya kay Yaya May.
Dianne: Sige kuya , anong oras ba yung event?
Rex: 9:30 a.m
Dianne: Sure kuya, no problem.
Rex. We will drop him sa Mall @9:00 just wait for us na lang.
Dianne: Sure, I will Kuya.
Rex: Salamat bunso. The best ka talaga.
Sige bunso, bye.
Dianne: bye kuya. (pinatay ko na ang phone.
Tinapos ko na rin ang dapat kong taposin.

Kinabukasan...
Sa Mall

( madami ng mga tao sa paligid)
Tinutulungan ko sa Ram na magsuot ng dobok nya.
Ram: Tita Dianne, pupunta ba sina mama at papa.
Dianne: Ofcourse baby, hahabol sila :)

Someone clapped his hand then all of them formed their lines.

Charyeot (attention)

Sabumnim ke (to the instructor)

Kyeong-re (bow)
(the signal them to sit down for a while)

Good morning athletes, parents, ladies and gentlemen, co-instructors, to our special guest, before we proceed to the the promotion I would like to say my appreciation in behalf of the team to our special guest who one way or another come here from Manila just to response in our invitation. We are glad that she's here today to give his inspiring message to all of you who are dreaming to become a world champion oneday. Please welcome a Taekwondo World Champion, a certified Philippine Taekwondo coach--Michelle Cruz

(tumayo silang lahat)
Charyeot, Kyeong-rye)

Napatingin ako sa babaeng ipinakilala ng instructor. She looks gorgeous with her dobok, mapupungay ang kanyang mga mata, matitingkad ang kanyang mga ngiti. Hindi ko alam kung bakit tila wala akong naririnig sa paligid, tila baga tumigil ang pag ikot ng mundo at naka slowmo ang bawat galaw nya. Huli na nang napagtanto kong nakatingin na pala sya sa akin habang nagsasalita. Parang may mga paruparo tuloy na lumilipad sa tyan ko. I can feel the heat on my face. Feeling ko napahiya ako sa kanya. Bakit kasi hindi ko naiwasang titigan sya ng mabuti. Para makaiwas sa hiya, I gave her a smile. Hindi rin naman ako nabigo because she responded with a sweet smile. Sakto namang dumating si ate Tes. So, I decided to go na rin kasi may ipapasa akong research proposal sa University. While walking along the way hinalungkat ko ang dala kong bag para hanapin ang phone ko nang may biglang humawak sa balikat ko. Muntik na akong tumili sa gulat.
Ay gulay! I turn around to face the person at my back.
Dianne: what the...(hindi ko na natapos dahil sa presensya ng taong tinitigan ko nang matagal kanina. I see her holding my handkerchief.
Babae: You dropped this.

Ang mukha kong galit kanina ay napalitan ng init sa mukha.

Dianne: th...thank you...
Babae: You're Welcome. :)
Then she walked away without turning around. Naiwan akong nakatulala.

Dianne!!!
Someone called my name. It was Shy, my brother's fiancee.
Nakipagbeso ako sa kanya.
Dianne: Hi Shy! :)
Shy: What are doing here? Are you alone?
Dianne: Nope, Kasama ko sina ate Tes at Ram. Meron kasi silang promotion.
Shy: ah ganun ba. Sayang naman hindi ko sila nakita. So, ikaw saan ang punta mo ngayon?
Dianne: Pupunta akong University. Oo nga pala, next Sunday ha. Punta ka sa bahay.
Shy: yeah, I will. Ayaw ko magtampo ang kuya mo. :)
Sabay kaming tumawa.
Dianne: Ikaw, sino kasama mo?
Shy: Actually, may sinamahan lang akong kaibigan from Manila. Yung bestfriend ko kasi may pinuntahang event dito. Pagkatapos, sasamahan ko syang magmonitor ng branch ng family business nila.
Dianne: ganun ba. O sige, Shy, I really need to go na. See you next Sunday?
Shy: Ofcourse, See you Dianne.
Nagbeso ulit ako sa kanya.

Sa wakas, approve na yung proposal.
Makakatulog na rin ako ng mahimbing ngayon. Pero yun ang akala ko. Dahil sa tuwing pipikit ang mata ko ay mukha nya ang nakikita ko.

OMG! Ano ba ang nangyari sa akin kanina. It was unusual. First time kung makaramdam ng ganoon. Very confusing. Hindi ko alam...sa babae pa talaga? Why is this happenning to me?

Ipagpapatuloy...

Hello everyone. Kumusta naman ang pagbabasa nito. Pasensya na kayo ha. Ang dami kong errors dyan. First time ko po kasing magsulat. But if it sounds interesting to you, please let me know. Kung ipagpapatuloy ko pa ba or hindi.
Pero anyways salamat sa nagtiyagang magbasa ng unang kabanata.:D

-S. J.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Somewhere Down The RoadWhere stories live. Discover now