Natalia's POV
Pakiramdam ko ay nasa isa akong panaginip. Napakabilis ng pangyayari from that peace offering date and now. Hindi ako makapaniwala na kasabay ko ngayon si Brandon at ihahatid ako sa bahay. Kahit na anong pag tanggi ko ay patuloy parin siyang nagpupumilit na samahan ako pauwi.
Inaayos ko ang mga gamit ko kanina habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. Walang kahit anong emosyon ang makikita mo sa mukha niya sa kadahilanang pag tanggi ko ng halos tatlong beses. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi na niya ako ihahatid sa bahay. Medyo naiilang akong samahan niya pauwi,sa kadahilanang baka makita siya ng mama at tanungin ako ng kung anu ano pagka alis niya.
Nang maayos ko na ang bag ko ay agad niya itong kinuha at nagtuluy-tuloy nang naglakad papunta sa exit door. And I guess I have no choice kundi ang sumunod sa kanya. Napakabilis niyang maglakad kaya kapagkuwan ay nasa itaas na siya ng lagusan palabas. Hinabol ko siya mula sa bleacher na kinatatayuan ko. May kataasan ang pintuan ng gym kaya naman mabilis kong inakyat ang hagdan papunta sa labasan. May labing walong baitang din ang hagdan na inakyat ko. Nang mahabol ko siya ay agad kong hinawakan ang braso niya. Napatigil siya sa pag lalakad at tinignan ako.
"Brandon yung bag ko akin na" hinihingal na sabi ko.
"No, I cant give you this, unless pumayag ka na ihatid kita pauwi" he smirked
"Okay Fine! You win" I said in defeat
Ayoko na din makipag diskusyon sa kanya dahil alam kong hindi ako mananalo. Sabay na kaming naglalakad ngayon with a little distance from each other. Pareho kaming tahimik habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay. Pinagmamasdan ko siya ngayon at tila nabibighani ako sa kanyang tindig at kagwapuhan kahit na may pagka masungit siya na laging seryoso ang mukha. Nabasag naman ang katahimikan at ang pagpapantasya ko nang bigla siyang mag salita. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko sa kanya para hindi niya ako mahuli.
"May malapit bang convenience store dito?,nauuhaw kasi ako" aniya
"Oo may Seven Eleven sa kabilang kanto. Kung lalakarin lang natin aabutin siguro tayo ng 15 minutes,I guess" sagot ko dito.
"Oh I see, Wala bang alternative way para mas mapabilis tayong makarating doon?" dagdag niya
"Meron, sasakay tayo ng trike" itinuro ko naman ang paradahan ng tricycle sa kanya. Hindi na siya nagsalita at saka nag tuluy tuloy na papunta sa pilahan ng sasakyan.
"Ayos din tong lalakeng to parang walang kasama. tsss" sarkastikong bulong ko sa sarili ko habang sinusundan siya.
Nakarating na kami sa pilahan ng tricycle at sakto namang kami nalang ang hinihintay para mapuno ang dalawang bakanteng upuan. Isa sa baby seat at isa rin sa back ride. Napaisip naman ako kung sino sa amin ang uupo sa baby seat. Pero tila parang nakuha ko narin ang sagot sa katanungan ko ng sabihin ni manong driver sa isang pasahero na lumipat nalang sa backride at yung isa naman ay sa baby seat.
"Pagbigyan na po muna natin itong magkasintahan mga iho ng makaalis na din tayo." pakiusap ni manong driver sa dalawang pasahero.
Agad namang lumipat ang dalawang mama na nakaupo sa loob. Pumasok na ako sa tricycle at ganun din naman si Brandon. Nang makaupo ako ay doon ko nalang napagtanto na pinagkamalan pala kaming magkasintahan nitong lalaking ito. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong pinisil ang braso niya.
"Aray! Aunica masakit" sigaw nito.
"Brandon narinig mo ba ang sinabi ni manong??" tarantang sabi ko.
"Oo. Hayaan mo na at least makakaalis na tayo diba?" sagot niya.
"Pe--pero Brando----" naputol ang pagsasalita ko ng bigla niyang inilapit ang pisngi niya sa mukha ko. Halos nanigas naman ako sa ginawa niya. Mas lalo niya pang idinikit ang pisngi niya sa akin. My heart is racing to death. Pakiramdam ko ay dumaloy lahat ng dugo sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
Beyond What She Likes
Teen FictionAll of us have our own fantasies about love. We usually get attracted to the physical attributes of a person at first and the whole being is the second one to be recognized. We may envy others for having a good relationship to someone and may questi...