Mag-isa. Sawi. Luhaan.

119 7 5
                                    

Sobrang saya ating nadarama

Ngayong tayo ay magkapiling pa

Sana nga ay tayo na

Ang nakatadhana sa isa't - isa

Kay dami ng ating pangarap

Inaasahan lahat ay matutupad

Kahit anong bagyo pa

Alam kong ating makakaya

Ngunit, subalit, datapwat

Bakit biglang nanlumo at tila namalat

Ang puso mo ay biglang nanlamig

Daig pa ang batong manhid

Sa isang tabi, ako'y naiwan

Mag-isa, sawi, luhaan

Sakit na nga lang ba ang mamamayani? 

Makaya ko pa kayang magmahal muli?

Mag-isa. Sawi. Luhaan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon