Mataba at Maitim.
Ito ang mga katagang itinutukso kay Diane magmula pa pagkabata niya.
Rinding rindi na ang dalaga sa mga nambubully sa kanya na mga kaklase niya mula pagkabata pero ayaw niyang patulan ang mga ito dahil iyon ang turo sa kanya ng mommy niya.
'Anak, kahit gaano kasama ang mga tao sa atin, hindi natin sila dapat tularan. Wag kang gumanti dahil hindi iyon makakabuti sa iyo. Matuto kang magpatawad kahit hindi sila humihingi nito.' Ito ang laging bilin sa kanya ng kanyang ina. Hindi niya maintindihan bakit ambait bait ng mommy niya.
Nakatira sila sa isa sa mga condominium ng Bonifacio Global City sa Taguig.
May mga bahay at ari-arian sila sa ibang lugar katulad ng Abra ngunit mas pinili ng mommy niyang manirahan lang sila sa maliit na condo.
Pinili nilang tumira sa 'The Hamptons'.
Katulad ni Sahania ay nag-iisa din siyang anak.
Grade 2 pa lamang siya ay hindi na halos umuuwi sa kanila ang daddy niya.
Manager ito sa Ayala Company sa Makati.
Kung tutuusin ay nakukuha ni Diane lahat ng gusto niya.
Lahat ng kayang bilhin ng pera ay naibibigay sa kanya ng mga magulang niya.
Mayroon silang isang katulong at ang yaya niya.
Mahirap kasi magtiwala sa ibang tao ang daddy niya at kung pupwede nga lang ay ayaw nitong magkaroon sila ng katulong or siya ay magkaroon ng yaya pero dahil hindi kaya ng mommy niya lahat ay pumayag din ito kasi malimit lang naman din itong umuwi.
Kung uuwi man ito ay lagi naman itong lasing at binubugbog ang mommy niya.
Laging sinasabi ng daddy niya na niloko daw siya ng kanyang mommy at si Diane ang bunga ng panloloko na iyon.
Hindi daw niya anak si Diane.
Alam ni Diane na isa iyong kalokohan dahil kung tutuusin ay hindi niya nga kamukha ang mommy niya, halos lahat ng features niya ay nakuha niya sa daddy niya lalong lalo na ang kulay nito.
Isang pangyayari ang hinding-hindi makakalimutan ni Diane sa tanang buhay niya na naging dahilan ng pagbabago ng pagtingin niya sa takbo ng mundo.
Naaalala niya ang bawat segundo ng pangyayaring iyon na akala mo ay katatapos lang mangyari.
Grade 4 siya noon. Umuwi siya sa bahay nila na masayang masaya dahil na perfect niya ang exam sa Math.
Wala ang katulong nila at yaya niya noon dahil umuwi ng probinsiya para sa holiday.
Hinatid lamang siya ng school bus nila.
Paglabas ng bus ay nagtaka na siya kung bakit hindi siya sinalubong ng mommy niya.
Nasanay kasi siya na kapag lumalabas ng bus ay ang nakangiting mukha ng mommy niya ang bumubungad sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng bahay nila. Masyadong tahimik.
Sinubukan niyang tawagin ang ina.
"Mommy..?" mahinang tawag niya pagkatapos isara ang pinto.
Walang sumagot. Sinubukan niyang silipin ang kusina dahil baka nagluluto lang ang mommy niya.
Pagdating niya sa kusina ay nadatnan niya ang nakasalang na kawali ngunit walang tao.
Pinatay niya ang stove. Nakakabinging katahimikan lang ulit ang narinig niya.
Nagpasya siyang puntahan ang kuwarto ng mga magulang.
Apat na mahina at magkakasunod na katok ang ginawa niya tsaka nag-antay na magbukas ngunit walang bumukas ng pinto.
Pinihit niya ang door knob at bumukas ito.
"Mo-mommy..?" nagimbal siya ng makita ang itsura ng kanyang ina.
Hindi niya maintindihan kung anong nangyayare pero para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakitang itsura ng kanyang ina.
Nakaupo ito sa pinakagilid ng kama. Naririnig niya ang paghikbi nito at nakita ang pagyugyog ng mga balikat ng ina. Para itong bata na umiiyak at yakap ang tuhod ngunit sa pagkakataong ito ay may unan na nakapagitna sa tuhod at mukha nito habang nakakulong ang mukha at umiiyak sa unan.
Nanlumo siya pagkakita sa kanyang ina.
Ngayon lamang ito nangyari. Ngayon niya lang nakitang umiyak ang ina at hindi niya inasahan na maaabutan niya ito sa ganoong posisyon.
Sa dami ng pinagdadaanan ng mommy niya sa daddy niya ay ni minsan hindi niya nakitang umiyak ito kahit pa binubugbog ito ay pilit nitong iniinda ang sakit upang hindi niya lang makita ang pag-iyak ng ina.
Nabitawan niya ang exam paper na hawak hawak at saka siya tumakbo para yakapin ang ina.
Natauhan naman ito nang maramdaman ang pagyakap niya at saka siya tinignan ngunit walang tigil parin ang pagtulo ng luha nito.
Mas lalo pa itong naiyak ng gantihan nito ang yakap na ginawa niya.
Sa murang edad ni Diane ay hindi niya naiintindihan kung anong nangyayari at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya o gagawin niya upang maibsan ang kalungkutan na nararamdaman ng mommy niya.
Imbes na magsalita ay sinabayan niya na lamang ang ina sa pag-iyak.
Nag-iyakan silang mag-ina hanggang sa nahanap niya ang mga salita na lumabas sa bibig niya.
"Mommy.. andito lang po ako.." umiiyak na sabi ng batang si Diane.
Nakita nito ang pilit na ngiti na pinakawalan ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...