Prologue
Jose Ignacio Santillan Jr.'s
Inaayos ko ang cuffs ng suit ko nang mahagip ng mata ko ang isang papel sa mesa. Kinuha ko ito.
It reads, Divorce Settlement Agreement. I signed it already. Kulang na lang ng pirma ng asawa ko.
I'll divorce her. We need to. Hindi ko naman siya mahal. Mali ang pagpapakasal namin. Mali na pinakasalan ko pa siya. I shouldn't have done it three years ago. Dahil ngayon, ngayon na nagbalik na ang pinakamamahal ko wala na akong ibang gustong gawin kundi maikasal at makasama siya. All these years, for ten years, walang ibang nagmamay ari nitong puso ko kundi siya lamang. Minahal at mahal na mahal ko pa rin siya. And I don't want to lose her again. If it takes my wife just to have the love of my life again, itataya ko reputasyon ko. Mahal na mahal ko si Cara.
I folded the paper at ipinasok sa loob ng suit ko. I smiled as I heard the blue bird chirpped. Looking at the bird na ikinulong ko ng pagkahabang panahon, I let out a long sigh. It's time for the blue bird to be freed once and for all.
I heard a knock. "Sir?"
Pumasok na lang kung basta si Charlie. Inayos ko ang suit ko at nagtuloy tuloy na lumabas ng office. Sumunod sunod naman si Charlie."Sir may meeting po kayo with Mr. Roxas and Madam Liya. Mamayang 5pm po may-"
I stopped in hault. "Cancel all my appointments today, Charlie." Utos ko.
"But Sir..."
Nilingon ko siya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Cancel my appointments!" Sigaw ko.
Yumuko lang siya ngunit nakita ko ang pag igting ng panga niya. Wala akong pakialam. I am proposing today and my marriage with my wife will end to day.
Thalia Beathriz Alfonso-Santillan's
"More!" Sigaw ng limang cute na bata.
"Do you want me to read a story again?" Tanong ko pa.
Sabay sabay na nagsitango ang mga bata. I smiled at them. Kinuha ko ang isang aklat sa tabi ko.
"Ang ibong adarna." Simula ko. Napangiti ako ng malapad nang makitang nakatutok ang mata ng mga bata sa akin. Binuklat ko ang ilang pahina ang aklat. "Sa isang malayong lugar may isang kaharian. Ang kanilang ama ay.."
"Excuse me, Mrs. Santillan kayo na po ang sunod." Putol ng nurse sa pagbabasa ko.
"Ayyy"Nakangusong sabi ng mga bata. Lumapit sakin si Candy at kumandong. She touches my cheeks so gently, I leaned on her small hands.
"Ale, babalik ka ha?" She said while pouting.
I held her hand. Piningot ko ang ilong niya."Oo naman. Basta be a good girl always ha?" Mabilis ang pagtango niya. Napangiti naman ako.
"Ma'am." Sumamo ng nurse.
Mabilis ang pagtayo ko kaya nahulog ang aklat na kandong ko pala. Mabilis ko iyong kinuha sabay ng nurse kaya nagkabanggaan ang ulo namin. Nagsitawanan naman ang mga bata. Matalim ang tingin ng nurse sakin kahit nakangiwi. Hawak ko din ang noo ko na humapdi.
"Sorry." Paumanhin ko at mabilis na nilisan ang kids section
Cassandra Louisse Mariano's
"Miss Mariano, ang wedding gown na ito po ay customized po ng boutique. Seasonal lang po kung may magpapagawa lang. The wedding gown is laced with vintage design." Sabi ng saleslady na inaayos ang wedding gown na suot ko. Nakaharap ako sa malaking salamin habang hawak hawak ang pendant ng necklace ko. "If you want Miss we can place an order for you ahead of time para po pagdating ng future husband nyo Miss--"
Nilingon ko siya. I smiled bitterly. "It's Madam.. Madam Santillan. Sa susunod na magkita tayo kasama ko na ang mapapangasawa ko. I want you to call me that. We'll decide by then kung anong gown ang kukunin ko."
Napayuko ang saleslady at mabilisang nagpaalam na may gagawin pa daw.
I looked at myself in the mirror. I smiled at my reflection. I should be happy now. After ten years, mahal na mahal pa din ako ng lalaking minahal at mahal ko. Ito na ang pagkakataon na maging masaya ako ulit. Magiging masaya ulit ako..magiging masaya ulit kami. Mahal na mahal ko siya. Hinding hindi na ako aalis ulit. Hindi na ako magpaparaya para sa ikakaligaya ng iba. This is what I deserve. Dahil hinding hindi ako magiging katulad ni Mama.My phone beeps. I read the message from my future husband. Nasa labas lang daw siya ng mall. Mabilis akong umalis ng boutique. Nasa kabilang side siya ng kalsada. Napangiti ako nang ngumitu ito. He smiles so sweetly. Kaya ako nahulog ng husto dito. He got the ring he promised and I'm so happy. Never been this happy my entire life. I'm no third party! I'll be the legal wife.
Thalia Beathriz Alfonso-Santillan's
Itinulak ko ng ubod ng lakas ang pinto ng entrance ng Unisilver. Iyong guard kasi nakangisi habang nagtelebabad sa telepono niya.
"Good afternoon, Ma'am!" Masiglang bati ng saleslady. "Ano pong gusto nyo? Necklace? Earrings? Wrist watch? May insu-"
"Ah Miss gusto ko lang po ipatingin itong necklace ko." Inilahad ko sa kanya ang Tiffany & Co. Na necklace."Naputol ko kasi kanina. Di ko nga alam pano yun. Hindi ko naman hinila. Basta basta na lamg siya naputol nung papalabas ako sa hospital. Hinahawakan ko lang naman yun habang nakikinig sa doctora tapos nung lumabas na ako biglang naputol. Bigay pa naman yan ng kaibigan ko yan. Sobrang memorable sa akin yan Miss. Bigay niya sakin nung high school na kami, tapos mahal pa naman. Ayaw kong-"
"Ma'am gets ko na po. Gusto nyo ng katulad nito? O kaya naman ayusin namin ang naputol?" Sabi niya. Ang galing! Iyon nga ang gusto ko.
Tumango tango naman ako. Mabuti at magaling ang napuntahan ko.
"Oh siya sige Ma'am. Iwan nyo po muna ito. Be back to-"
Hindi ko na narinig ang sinasabi nung babae kasi nahagip ng mata ko ang asawa ko. I know he's stature. Siya yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Kaya naman sinundan ko siya. What is he doing here?
"Ma'am! Ma'am!" Tawag ng saleslady sakin.
Sinensayan ko naman siya ng pa-circle. Meaning babalik ako. Tumakbo ako palabas ng mall. Hinanap ng mga mata ko ang asawa ko na naka suit pa. Yung favorite suit niya na color blue na lagi kong hinahanda. Kinikilig tuloy ako. Love talaga ako ni hubby ko. Pero nitong nakaraan.. hay nako Liya wag kang pessimist!
Ang bilis ng lakad ng asawa ko, muntik ko na siyang d maabutan ng pumihit ito paliko. Bigla siyang huminto at may kinuha mula sa bulsa nito.
Kinabahan naman ako. Oh my God! Nakita kaya niya ako? Pero impossible naman. Ah! Alam ko na. I-surprise ko na lang siya. Napahagikhik ako sa naisip ko. I was about to run into him but he got something from his pants. It looks like a velvet box, a black one. Napahinto naman ako. Napaisip. Ano kaya iyon?
Lalakad pa sana ako palapit ng iwiniwagayway nito ang velvet box sa harap ng kalsada. Is he crazy? Bakit siya nagwewave sa mga sasakyan? Hay si hubby talaga.
Ngunit sa isang iglap, muntikan nang mawala sa buhay ko ang asawa ko.
A man covered with black bonnet and wearing a hoodie tried to snatch the velvet box but my husband towers him and was about to punch the hell out from the guy. But then I called him. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. He loses his focus. My husband was just staring at me. The guy click something, a gun. He pulled the trigger in my husband's head. Blood streaked down his head. Natumba siya while still looking at me.
"HUBBY!!!!!! Jigssss!!" I cried out loud.
Walang ibang nakakatakot na bagay sa buong buhay ko kundi ang makita ang pinakamamahal kong asawa na humandusay at walang malay.