♥ Love means to commit oneself without guarantee, to give oneself completely in the hope that our love will produce love in the loved person. Love is an act of faith, and whoever is of little faith is also of little love.
***
"May practice ba tayo mamaya?"Tanong sa akin ni Megan, my bestfriend. Kasalukuyan kaming naglalakad sa corridor papunta sa classroom namin.
"Yea. 3 pm, Sentrum." Matamlay na sagot ko.
"Hey! Kanina ka pa ganyan." Napabuntong hininga ito. "Ally nabalitaan ko 'yung nangyari kanina sa may Student's Park.. ako na ang humihingi ng dispensa sa inasal ng kuya ko sayo kanina."Paghingi nito ng paumanhin.
"It's okay Meg.. I'm used to it." Ngumiti ako pero pilit.
"Al--."Nahinto siya sa balak sanang sabihin ng biglang nagring ang phone niya at sinagot ito. Sumenyas siya sa akin na mauna na raw ako. At ako nama'y tumango na lang.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Pero bago ko sabihin yung dahilan.. magpapakilala muna ako.
By the way I'm Allison Sofia Mae Villamor. 18 years of age. Second year college in East Vermont University, taking up BS Chemical Engineering. Sabi nila maganda, mabait, mayaman, matalino't talented. Vice President of the Student Council, a Campus Queen, a cheerleader, a singer and a musician. Sabi pa nila nasalo ko na raw lahat ng katangian na hihilingin ng isang babae at papangarapin ng isang lalaki. Kaya naman napaswerte daw nang lalaking mamahalin ko kasi one package na.. beauty and brains 'ika nga nila. At first, I don't give a damn care about it 'coz I've never been inlove that time, but when I knew Francis King Mondragon---20. Fourth year college taking up BS Architecture also in EVU. Handsome, smart, rich, the MVP, a campus heartthrob and a playboy---who is luckily my bestfriend's (Megan) brother.. everything changed.
Akala ko magiging madali na ang lahat kasi kapatid siya ng bestfriend ko.. But I was wrong. I never thought that I could love someone who is cold as ice. And the worst is, cold just with me. Only with me. That's why I started to doubt kung totoo ba yung sinasabi nilang nasa akin na daw ang lahat kasi kung ganun nga, bakit 'di niya ako magawang magustuhan? Kahit 'di mahalin at gustuhin lang okay na. Pero.. haaaayy.
'Di ko alam kung ano yung nagawa ko para ituring niya akong iba. Lagi kong itinatanong sa sarili ko kung anong mali sa akin.. o 'di kaya naman ay kung ano pa ba ang kulang.
Alam kong may mas malalim pang dahilan sa pagtataboy niya sa akin. Pero ano ba ang posibleng dahilan? Sa pagkakaalam ko wala akong ginagawang masama. Ang kasalanan ko lang naman ay ang mahalin siya ng sobra.
At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.. pati sarili ko nakalimutan ko na. Kinapalan ko na nga yung mukha ko mapansin lang niya. Sa araw araw lagi ko siyang kinukulit at nagpapapansin sa pag asang may maging pagbabago sa pagtingin niya sa akin. Nagmumukha na nga akong stalker at obsessed eh, pero tinitiis ko pa rin. Ngunit habang tumatagal lalo yatang lumalala ang galit niya sa akin.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina..
Flashback..
Naglalakad akong mag-isa. Hinahanap ko kasi si Megan. Sakto namang nakita ko si King na may kaakbay na namang babae at 'di ko mapigilan ang makaramdam ng selos kaya lumapit ako sa kanila. Kasma din niya yung mga kaibigan niya.
"King!" tawag ko sa kanya. Tumingin din ako sa mga kaibigan niya at ngumiti sa mga ito bilang pagbati. And they smiled back.
BINABASA MO ANG
Her KING. (Oneshot)
RomanceI thought, i will never be happy for the rest of my life 'coz the one I love caused me too much pain. But I was wrong. Lahat pala ng mga masasamang pangyayaring dumating sa amin ay pagsubok lamang. Dumating pa nga sa time na naggive-up na ako at 'yu...