*Taong 1988*
Nakaupo lang sa isang upuan sa bandang likod ng classroom ang batang si eyang unang araw ng pasukan . grade 1 si eyang sa idad na 7 taong gulang isang mahiyaing bata tahimik at hindi nakikihalubilo sa mga kapwa nya bata.
**eyang POV**
"Ako po si Leah Evangelista Baranda pitong taong gulang nakatira sa poblacion pulilan bulacan ang Nanay ko po ay labandera ang tatay ko po ay kinuha na ni papa lord noong bagong taon kasi po doon na mag papaputok si tatay sa langit. Ay baw!" Dire diretsong salita ng munting si eyang
"Ayan palakpakan natin si Lea mga bata"
Nakangiting sabi ni ma'am Magat sa kanyang klase habang pumapalalpak." next punta na sa harap at magpakilala yung nasa katabi ni Lea " sabay turo ni ma'am Magat sa batang payat at tumayo naman
**tonying POV**
"Ako po si Juan Jaime Antonio santiago pero jimp po ang tawag sa akin sa bahay. 8 years old po taga Olympia subdivision po ang Nanay at tatay ko po ay nag titinda ng gulay sa Plaridel Market po wala po akong kapatid yun lang po" yun lang at bumalik na ito sa kanyang upuan sa tabi ni lea
( hahaha ganyan talaga magsalita si tonying puro opo)" hi Lea pwede bang friends na tayo? Ako si Jimp." Sabay lahad ng kamay ng batang si jimp.
Hindi manlang namansin ito ah ..
"Ang ganda mo sana pero bakit parang lage kang iiyak hindi naman kita aawayin. Magsalita ka naman dyan uy!" Pangungulit ni Jimp sa Kay Lea.
Dumukdok lang ang batang si Lea sa lamesa nya .
" hey! Uy magsalita ka may problema ka ba?" Kalabit ni jimp Kay Lea.
" kasi nakawewe na ako sa palda ko hindi ko kasi alam puntahan ang banyo. " himihikbing sagot into.
" ha! Naku kawawa ka tuksuhin ka ng klasmate natin ! Tara ! Tara bilisan mo sama ka sakin !" Hatak nito Kay Lea
"Ma'am ma'am ! Ako po si Jimp samahan ko lang po si Lea sa cr hindi po nya alam kung saan." Paalam into sa guro nila
" sige you may go. Bumalik uli ha at malapit ng mag uwian. " bigay pahintulot ng guro sa batang mgalang na nag paalam.
-sa cr-
" basa na kaya palda ko saka mo pa ako sasamahan dito . hindi na ako naiihi noh!
Pasigaw ni Lea sa kaklase."Suot mo itong short ko meron naman akong short sa loob eh wag ka na lang mag inarte mukha ka naman boy iksi ng buhok mo! " sabad into Sabay abot ng short nya.
" may problema ba sa buhok ko? " tanong ni Lea
" wala naman cute ka nga. Tara na balik na tayo! " nakangiting hatak nito sa kamay ni Lea.
BINABASA MO ANG
tadhana
RomanceMinsan sa Buhay hindi natin masasabi ang kapalaran natin. May mga bagay na kahit pigilan natin mangyayari at mangyayari dahil ito ang nakatadhana. Ito ang kwento kung paano nabuo ang love story ni tonying at ni eyang.. Abangan...