Nika's POV
"Good Morning Mrs.Demanyo " bati namin sa kaka pasok pa lang naming teacher . Nako ! Patay kami nito , nagcutting kasi ang buong 5K kahapon . Napaka terror pa naman ni ma'am.
"Good Morning . You may now take your seats" umupo na kami sa mga upuan namin . Sana di n'ya maalala . Hooo tago effect yung style ko . Mahirap na baka ako pa ang bwelatahan ni ma'am .
"Himala at kulang ng isa ang 5K ngayon . Ano ? Nagkawatakwatak na ba kayo ?" mataray na tanong niya samin . Langya pala to eh . Seeees kong hindi ko lang to teacher baka hinampas ko na yung ulo n'ya sa desk ko . Kainis !
Tinignan ko ang bawat upuan namin kung sino yung tinutukoy ni ma'am na wala .
"Oy asan si glena ?" tanong ko kay kenny . Kami kasi yung magkatabi ng seats.
"Aba malay ko . Tayo yung magkasama kanina . Pektusan kita d'yan eh " psh sungit ng babaeng to . Oo nga pala magkasama pala kami kanina :D
"Pssst . Kersh ? Ba't wala si glena ?" sunod ko namang tinanong si kershteen . Pabulong lang yung tanong ko nasa may dulo kasi siya baka marinig ni ma'am .
"I dunno . Late na akong pumasok , tsaka kasama ko crish papunta dito " pabulong din na sagot niya .
Nakakapagtataka naman na umabsent si glena , ni kahit na isang beses di na late yun , tsaka ngayon lang yun umabsent ha .
"Anyways class sino sa inyo ang wala pang partner sa project ? " biglang tanong ni ma'am . Agad akong nag raise ng kamay ko . Tumingin ako sa iba pero ako lang yung naka taas ang kamay . Eh sino eepartner nito sakin ? -_____-
"Hmmm . So si Miss Lopez lang pala yung walang partner dito " diba obvious ? May nag taas bang ibang kamay d'yan . Tsk .
"Good . Miss Lopez , hindi kana mahihirapan sa paghahanap ng partner mo dahil may ibibigay nalang ako sayo . He's a transferee . " sino kaya yun ? Yay nakaka excite naman . Sana gwapo , yung may abs at muscle ^Q^
"Eh ma'am sino naman po yun ? Kilala ba sya dito ?" intrigang tanong ko kay ma'am . Malay mo sikat pala , edi naka jackpot ako xD
"Sobrang sikat n'ya . In-fact dito siya nag-aaral dati pero pumunta sya state para sa family niya, but he's back" grabe naman . Sobrang yaman pala tsaka state ? edi englishiro . Mapapalaban ang aking english nito .
"Ma'am nagpapa excite ka naman eh , sabihin n'yo na nga kong sino yan . Maraming intro masyado hah." sabi ko kay ma'am . Masyadong matagal eh .
"Si King McAdams"
Teka bakit parang pamilyar yung pangalan niya ? Nakilala ko naba yan ?
*Booogsh *
Biglang lumabas si meme at sinirado ng malakas yung pinto . San pupunta yun ? Kilala n'ya ba yung king ? O_o
Meme's Pov
Kaya ba absent si glena ngayon at di nagtetext samin dahil kay king ? Nasasaktan pa kaya sya ? Anong nangyari sa kanya ?
Naglalakad ako ngayon papunta sa room ng section A . Ang dami kong tanong na nangangailangan ng sagot ngayon . Kailangan kong maka-usap si king .
"Miss Scott , What are you doing here ?" tanong ng teacher nila , deretso ko kasing binuksan yung pinto . Hinanap ko agad si king . Diko nalang sinagot yung teacher nila .
"Meme" he called my name . Deretso ko siyang hinatak palabas .
"Now tell me , why are you here ? Bakit ka bumalik ? Sasaktan mo ulit si glena ? " deretsahang tanong ko sa kanya . Nasa isang abandoned room kasi kami , perfect place for our private talks .
"I"m here to explain and make things right . Gusto ko e tama lahat ng pagkakamali ko " sumandal siya sa isang pader ng room at inangat ang isang paa para isandal din sa pader . He looked so tired .
"Explain ? Wow nahiya naman ako sayo at ngayon kapa talaga magtatama ng mali ha . Kapal din naman ng apog mo ha . For three years king . Tatlong taon kang nawala . Tatlong taon kang hindi nagparamdan samin , ta's ngayon mo pa talaga gustong magpaliwanag , kung kailan Okay na kami na wala ka "
"Wala kasi kayong alam . Nag sacrifice ako para sa inyo . You dont know the story kung bakit ko kayo iniwan . " mahinahon lang yung pagkasabi niya pero parang pasigaw yung impact sakin . Naiinis nako !
"Pwes . Ipa-intindi mo samin . Wag puro ganito , palagi kaming nganga sa nangyayari sayo . Ang mas masaklap pa sarili mong pinsan hindi mo pinagkatiwalaan , wala naba akong halaga sayo king ? Wala
ka bang trust sakin ? "
"Iba yung akala ko meme , akala ko sa lahat ng taong pwedeng maka-intindi ng lahat ng to ay ikaw . Ikaw na pinsan ko . Ikaw na halos alam lahat sakin . "
Oo mag pinsan kami , sobrang close sa isat-isa , wala kaming tinatago . Kami yung nagtuturingan ng parang tunay na magkapatid . Siguro dahil wala akong kapatid at sobrang busy ng parents ko sa work nila .
"Yun na nga king . Maiintindihan kita kong sinabi mo lang sakin yung dahilan , di' mo alam kong anong nangyari kay glena sa pag-alis mo , kong anong nangyari sa barkada . Now tell me " mahinahon na sabi ko sa kanya .
Hinawakan ko yung balikat niya at iniangat ang ulo niya . Nakayuko kasi siya , nakita kong may tumulong luha mula sa kanyang mga mata .
"Iniwan ko kayo dahil kailangan , para sa kapakanan ng lahat , para sa future , para sa paaralang ito . Lahat ginawa ko para sa inyu . Lahat. Lahat " yinakap ko siya ng mahigpit . Kung sinabi lang niya sana , sana hindi kami nagalit sa kanya . Hinagod ko yung likod niya . Kailangan niya to . Isang kaibigan .
"Shhh . Tama na . Naiintindihan na kita . Wag ka nang umiyak Okay ? " pinunasan ko yung mga luhang umaagos galing sa kanyang mata .
"Nagsakripisyo ka para sa amin , sa aming lahat . Nagpapasalamat ako dun king , pero sa sususnod wag kang magpaka selfish sa ganitong problema ha ? Dapat hinaharap natin yan ng magkakasama . Kung mahirap mas maganda atleast buo parin tayong lahat . " Yinakap ko siyang muli . Yakap na puno ng pasasalamat .
"Tama na nga tong drama . Nakakabakla , ang gwapo ko pa naman " sabi niya sabay kawala sa yakap ko .
"Seees , yabang mo rin eh . Ew ka oh . Tulo sipon mo " pang-aasar ko sa kanya .
"Pero meme serious na , thank you . Thank you dahil nakinig ka sakin at naniwala . "
"Ano ka ba . Okay lang yun . Lets forget about it nalang . Dali pasok ka na ulit . Siguro galit na yung teacher mo " sabi ko sa kanya at umalis na dun .
Ganito naman talaga yung buhay eh , pagkatapos ng sakit may ginhawang maghihintay . Walang pagsubok ng Diyos na hindi natin kinaya . Si king nag sakripisyo siya para samin , para sa paaralan . Siguro para di na kami maabala at mamoblema kaya sinarili niya . Ngayon hinahangaan ko na siya .
YOU ARE READING
Bespren Type
FanfictionAng storya pong ito ay binago ko . Kong di n'yo po naintindihan yung mga kasunod , Sorry . Eedit ko pa kasi yung iba . Di pa siya tapos . Read and Enjoy :)