Chapter 3

43 4 0
                                    

Trigger Warning for those who has different beliefs of any types of abuse (and Angel and Demons)

🔷

"IT'S Friday, Yana," ani Lola Concharitas Consagwa nang mabungaran nito ang dalaga sa living room ng malaking bahay nito. "Nagsara na ba ang Casa del Flores at mas maaga ang turo mo ngayon?" The woman's age was as antique as her collections displayed everywhere in her house. Gold and brown ang tema ng mga kagamitan, from her curtains to luxurious sofas and thick carpet.

Tumayo si Yana mula sa pagkakaupo sa brown-sofa at sinalubong ang matanda, saka nagmano rito. "Magandang umaga po, Lola Concha," she greeted with a wide smile. "Narito po ako para magpaalam. Kasi mawawala po muna ako sandali."

The old woman looked at her with curiousity.

"I'll be off for a vacation, Lola Concha," she fill in. "I'll surely miss the twins."

Nasa eskuwelahan na marahil ang kambal na kanyang tinuturuan, sina Teene at Talya, kaya hindi na siya makakapagpaalam sa mga ito.

"Mukhang malayo ang iyong pupuntahan, hija," nakangiting komento ni Lola Concha bagaman may kaseryosohan ang tinig. "Aba'y sana'y matagpuan mo roon ang 'yong kapanatagan."

"Tiyak ako roon, Lola Concha. Marami akong makikitang maganda sa Europe na siguradong makakapag-relax sa akin."

Lola Concha gave her another knowing smile. "Hm. You can find more than just views, hija. I know it. You have a good heart. And a good-hearted person always find the place where her heart belongs."

Masyadong malalim. Nahiwagaan bigla si Yana sa mga sinabi ni Lola Concha. "My heart always belong here, Lola. Masyado naman po yata kayong madrama ngayon?" She pulled the old woman for a brief hug. Masyado nang attached sa kanya ang matanda mula nang makilala niya ito years ago. Mabait ito at palakuwento. Nakapagtataka nga lang at ni minsan ay hindi niya nakilala ang anak nito, ang ina ng kambal nitong apo. Minsan lang nitong nasabi na nasa malayong lugar ang mga magulang ng mga ito.

"Basta mag-iingat ka roon, hija," bilin pa ng matanda nang humiwalay siya rito. "Hala, nagulo nang buhok mo." Inabot nito ang tuktok ng ulo niya at inayos ang kanyang buhok na naalis sa pagkakapusod; it draped the sides of her face. "Here." The old woman had put something on her hair that held them from falling on her face.

Kinapa ni Yana ang buhok.

"It's just a hair clip," Lola Concha assured with a strange excited smile. "Pero ibalik mo 'yan sa akin pagkatapos mong gamitin, ha? It's very precious to me, hija. At makakatulong 'yan sa 'yo."

Hindi niya lubos maintindihan ang pinakahuling sinabi ng matanda, subalit hindi niya na lang inintindi iyon. "Ah, wala pong problema, Lola." Napangiti siya sa gesture na iyon ng matanda. It's all genuine. "Paborito mo na rin talaga ako, ah."

"Because you're a family."

🔷

"PAANO ko ba siya mapapapunta ngayon rito?" problemadong tanong ni Yana sa sarili nang umaga ring iyon habang naglalagay ng mga gamit sa di-kalakihang maleta. She'll be off to travel. In Europe. Kahapon pa siya nai-booked ng plane ticket ng kanyang Mommy for her vacation. Subalit hindi niya maipokus roon ang kanyang isip.

"Kailangan ko siyang makausap ngayon. He didn't visited me for the last three nights!" It was so strange, and it's stupid that she was very upset. "Ngayon lang siya pumalya, ah. May diarrhea kaya siya?"

Ibinagsak ni Yana ang katawan sa kama.

Ilang gabi itong laman ng isip niya at ang mga sinabi nito sa kanya sa greenhouse. There was been a part of her that wanted to meet that girl Ganah, and know the secret that lies with the necklace.

Wake Me Up, GanahraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon