Chapter 44 Cold

4.9K 120 1
                                    

Hindi siya nagpatalo. "Shy, makinig ka sa akin at baka magsisi ka sa huli."

"Nagsisisi ka?" mariing singit ni Marcus.

"Ikaw lang din ang masasaktan sa huli. Don't ever engage in premarital sex. Malayo pa ang mararating mo." Mariin niyang sabi.

"A-ate.." dinig niyang sambit ni Shy sa may ref.

"Did you regret this? Huh?" mas mariing sabi ni Marcus na humawak pa sa braso niya.

"Ano ba!" pumiksi siya sa hawak nito. "Kinakausap ba kita ha? Pwede ba lumayo layo ka nga at baka hindi kita matantiya!" Sinalubong niya ang mariin nitong tingin.

Nakita niya sa gilid ng mga mata ang pagkakataranta ni Shy.

"What's happening?" boses ni Anthony ang nagpabitiw sa kanilang titigan. Huminga ng malalim si Marcus saka humakbang paatras.

"Drew is here. He is looking for you George." Dagdag ni Anthony ng walang sumagot sa kanila.

"Shy, paki tapos na lang please."

"O-opo Ate," si Shy.

Mabilis na siyang lumabas doon. Nang makarating ng living room ay nakita niyang nakikipagkuwentuhan na si Drew sa mga bata.

"Drew..."

Lumingon ito sa kanya at malaki ang ngisi. Lumagpas ang tingin nito at makahulugang tumingin ulit sa kanya.

"George..how are you!" tumayo ito at umambang yayakap sa kanya na may malaking ngisi.

Hinayaan niya itong yakapin siya at gumanti na rin. "So, he knows already? Just when?"bulong nito kaya nagtagal ang yakap nila.

Narinig niya ang tikhim sa likod ngunit nanatili si Drew na yakap siya. "Oh, are you back together?" bulong ulit nito bago siya pinakawalan. Nakangisi itong tumingin sa kanya.

Inirapan niya ito at nauna ng maupo sa sofa.

"Nabalitaan ko iyong sa university."

"Sino naman ang matabil ang bibig na nagbalita sa iyo?"

"You're viral George. What the hell!" natatawa nitong sambit. "My resto is full-packed since the other day dahil sa video mo doon noong kumakanta ka," dagdag pa nito at sumulyap sa kakaupong si Marcus sa tapat ni Brie na nakaupo sa carpet.

"Oh, balato ko?" natatawa niyang sabi sabay lahad ng kamay dito.

"I'll give you a cheque—"

"Che! Salamat na lang. Kung di dahil doon sa videong iyon baka nakalusot pa ako sa kaso ko."

"Why? Was it one of the reason you were dismissed, George?" si Anthony na naupo sa tapat na sofa katabi ni Drew.

"Oo, dahil bad influence daw," naiiling niyang sagot.

"What? Para lang doon?" si Drew.

"Hindi lang dahil doon." Irap niya. "Dahil disgrasya—" naputol ang sasabihin niya ng marealize ang sinasabi. Nakatingin din si Magnus sa kanya kaya hindi na niya tinuloy. Nakita niyang nag-igting ang panga ni Marcus ng sulyapan niya ito.

"Bakit di mo sinabing may asawa ka?" si Anthony. Nilingon niya ito at nakitang nakangisi ito sa kanya.

"Heller. Magsisinungaling pa ako ganoon?"

"Mabuti hindi nasali si Anthony sa issue? Na dito ka nakatira." natatawang wika ni Drew at nilingon si Anthony.

"Hindi naman nila agad malalaman iyon."

"Di bale na. Okay lang naman at least may pinagkakakitaan pa rin naman ako."

"That's why I am here George. Baka kako gusto mo ulit mag sideline. Hinahanap ka ng mga—"

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon