May bagay na akala natin, okay lang na gawin natin kasi nakasanayan na nating gawin.
Mga bagay na kahit madalas mali, nakakatuwa at nakapagpapasaya pa rin sa atin.
Akala ko kasi talaga Ok lang.
Ganun naman kasi kami dati pa.
Pero dadating pala sa Point na sosobra ka na.
Huli mo na malalamang mali ka.
Nakakahiya na sa Taong nasaktan at nagalit sayo!
Isang bagay na lang yung bagay na Gusto mong sabihin at tanggapin nya.
Yun ay ang salitang SORRY NA.
-
Madalas naman tayong nagbibiruan noon. Ganun naman talaga ko makitungo sayo. Ganun ako manloko, mangtrip, mang-asar, mang bara.
Gustong gusto ko yung itsura mo pag naiinis kana na ewan na tumatawa ka.
Gustong gusto ko yung namamansin mo ko sa pangloloko at pang-aasar ko sayo.
Crush nga kasi kita.
Ganun yung paraan ko ng pagpapansin sayo dati.
Effective naman diba? Naging close tayo.
Hanggang sa nawala yung feelings ko.
Nakasanayan ko na ang Ganung pakikitungo sayo.
Akala ko kasi, ok lang.
Kagabi talaga, nangtitrip lang ako.
Akala ko naman kasi Magrereply ka pa sa text ko. Plano ko naman talagang Bawiin yun, kaso ayoko namang tadtadin ka! Sabihin mo pa papansin ako!