Chapter 10: Date?

118 8 0
                                    

*beeeep beeeep* *beeeep beeeep*

Cellphone.... nasan yung cellphone... 

*beeeep beeeep* *beeeep beeeep*

Nasan na ba yung bwisit na cellhone na yan!? ...... Ah eto. Sino bang matino tatawag ng ganitong oras ng Sunday... Ah si Kris. OHMYGEE SI KRIS. Mag e EK pala kami shacks. "Hello..?" 

"[Uy aga mo ah!]" 

"Natural tinawagan mo ko eh!"

"[Pano kaya kung di kita tinawagan baka 9 ka magising malalate pa tayo]" grabe talaga 

"Hayyyy sige kakain na ko at mag-aayos"  kumain na ko at nag-ayos. Ilang saglit at dumating na si Kris. 

-----

"Wow..." kailan ba ko huling pumunta dito sa EK? Nung grade 2 pa yata. Ang daming bagong rides!

"Haha para kang bata" sabi ni Kris.

"Hmmmp! Tara na nga! San una?" tinignan naman ni Kris yung map.

"Dun tayo tara!" pagkasabi niyang yon ay sabay niyang hinawakan ang kamay ko. Bat parang bumibilis yung heartbeat ko?! Siguro dahil excited lang.

-----

Aubrey POV

Nandito ako sa EK ngayon kasama ng mga pinsan ko. Sabi ni Mom my sumama daw ako kasi pupunta sa bahay mga kabusiness niya at para maka labas labas daw ako. Hmp! Pwede naman ako magkulong sa kwarto mas ayos pa nga yun eh. Sila Raq ang gusto kong kasama pag gagala. Pagpasok namin sa EK nagpapicture muna kami sa mga nasa costume dun. Habang nagpapapicture may napansin akong parang familiar na mukha.... si Rae. Bakit siya nandito? Sana sinabi niyang pupunta siya dito para sa kanya nalang ako sumabay.

Lalapitan ko sana si Rae ng makita kong may kasama siyang isang lalaki. Di ko makita ng maayos yung mukha dahil nakatalikod. Lumapit ako konti para makita ang lalaki..... si Kris!? B-bakit siya nandito at kasama si Rae? Nagdadate ba sila? No that's impossible. Pero magkaholding hands sila! Hindi to pwede! Alam ni Rae na may gusto ko kay Kris kaya di niya aagawin si Kris sakin. Umalis na sila Kris at Rae habang magkaholding hands...

Bat ganto? Habang tinitignan ko silang magkasama at magkaholding hands may part sa puso kong kumikirot. Tinawag ako ng isa kong pinsan at sinabing tapos na sila magpapicture. Lumapit ako at sinundan nalang sila. Sumakay kami sa mga rides. Lahat sila nag-eenjoy except for me. Kumikirot parin puso ko hanggang ngayon... 

-----

Rae POV

Ang dami naming sinakyan na rides. Pumunta rin kami sa mga horror house. Kumain kami ng maraming snacks na tinitinda sa mga stalls. At nagpicturan. Kahit saan kami pumunta..... hawak niya parin yung kamay ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bumibilis nanaman ang heartbeat ko. Di naman ito ang first time kong hawakan ang kamay ng isang lalaki...... Hay Ewan!

Pero at the same time masaya ako. Feeling ko kami lang ni Kris ang tao dito. Masaya ko pag kasama si Kris... Pagkatapos ng pagsakay namin sa halos lahat ng rides dito di na namin namalayan na gabi na.

"Gabi na pala.... Ah Rae may naalala ako. May nakita akong poster, sabi may fireworks daw ngayon mamayang 9. Gusto mong manood?" sabi  ni Kris.

"Ah sige! Saglit nalang pala mag na 9 na rin" new year pa yata nung huli kong kita ng fireworks eh.

"Alam ko na para mas makita natin!" hinatak niya ko papunta sa pila ng ferris wheel. Maya-maya nakasakay na rin kami. Unti-unting umikot ang ferris wheel at saktong paghinto sa itaas ay nagsimula na ang fireworks.

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon