Chapter 3 - Officially In Love

204 2 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school, siyempre mukhang ganoon naman halos lahat ng freshmen diba? Everyday may flag ceremony, 6.45 ang start hanggang 7am sa gymnasium. Ang dami palang ginagawa tuwing flag ceremony dito kakanta ng school hymn, prayer, vision and mission tas may dance pa. Nakakatuwa kasi masaya yung ganito pero natapos ang flag ceremony at magsisimula na ang klase mamayang 7.30am pero wala pa rin siya. I Hope magaling na siya, makapasok sana siya para makita ko na siya.

Siguro mga 5 minutes na lang bago magsimula ang klase, lahat naghahanda na ng mga gamit nila for the morning subjects tas biglang pumasok siya sa pintuan sa likod. Siyempre napatingin ako kasi ang iingay ng ibang boys eh pa-apir apri lang sa kaniya. Yung iba girls naman pa-hi at hello din sa kaniya. Selos lang, ng kaunti!

Dumaan ang buong umaga, nang wala akong iniisip kundi magaling na ba siya? Bakit ba kasi pumasok na agad siya baka mamaya mabinat siya eh. So yun, buong araw ng klase naging okay naman. Ganoon pa rin siya, mapungay ang mata parang gusto ko na nga siyang titigan buong araw eh kaso baka magka-stiff neck ako kaya sulyap sulyap lang kaso nahuhuli niya ko minsan. Ang gwapo talaga niya nakakainis kaya mas lalo tuloy akong nai-in love eh. Pero naniniwala ako sa nabasa kong quote sa internet: "Kapag nahuli ka ng crush mo na nakatingin sa kanya, di ka dapat magalala kasi di ka naman nya mahuhuli kung di rin sya tumitingin sayo, diba?".

Pauwi na sana ako nang mapansin kong mukhang inaayos yung garden ng school, naintriga ako kaya tinignan ko siguro ilang minuto lang nang biglang yung hose na ginagamit na pandilig nung gardener ng school tumapat sakin "Aaahh, ano ba yan?!" napasigaw na lang ako, buti na lang konti na yung mga estudyante na naroon nung oras na yun kasi uwian na. 4pm ang uwian, 4.30pm na nun eh. Di ko alam ang gagawin ko, basang basa ako. "Nako po, sorry. Pasensiya na po talaga". sabi nung gardener. "Okay lang po pero hindi po ako makakauwi nang ganito no". sabi ko naman sa matandang lalaki. Tumakbo ako palayo ng garden, nakakakinis kasi basang basa ako hindi ako makakauwi ng ganito magmumukha akong ewan. 

Naiiyak na ko habang tumatakbo, pupunta sana ako ng comfort room nang bigla akong natipalok. "Aaahh!" sigaw ko, nagulat ako nang may sumalo sakin. "Oh?! Ano ka ba, watch where you're going!. Tsk" "Sorry.." Sabi ko, bago ko pa maayos ang sarili ko, nahiya ako bigla kasi si handsome guy pala. Ngumiti siya sa akin, na parang nagtatanong ang mukha kung bakit ganoon ang ayos ko. "Bakit basang basa ka?" tanong niya sa akin. "Si manong gardener kasi eh" sabi ko na parang naiiyak na ang boses. "Halika nga" hinila niya ko, nakalabas na kami nang gate hila hila pa rin niya ko. Halata sa kaniya na parang mahina pa rin siya, kita sa mukha at ang init ng kamay niya grabe! Ayoko namang magtanong kung bakit eh nakakahiya kaya, "Merong extrang damit sa bahay namin, may kapatid akong babae nasa probinsya siya ngayon nagaasikaso ng farm namin pwede mong hiramin damit niya" sabi niya sabay ubo. "Susundan na lang kita, wag mo na ko hilain" sabi ko. "Okay" sabay smile na naman, kainis talaga to parang gusto kong sabihan na wag na mag smile kasi mas lalo akong naiin-love eh.

Dumating kami sa bahay nila, walang tao. Mukhang siya lang ata, tumingin tingin ako sa paligid. Hanggang 3rd floor ang bahay nila. May garden, at swimming pool pa. "Halika sa taas" sumunod naman ako sa kaniya, tinuro niya yung cabinet ng kapatid niya "Bumaba ka na lang after mong magbihis." sabi niya sabay sara ng pintuan. Pagbaba ko, may pagkain na nakahanda, sandwich and juice "Kain ka muna tas ipapahatid na lang kita sa driver namin" sabi niya "Manang pwede po bang pakuha po nung pinagbihisan niya tas padryer na lang po." utos niya sa katulong nila. Wow ah, mayaman tong mokong na to. Kaso parang namumutla siya eh. "May sakit ka pa?" bigla kong nasabi. "Ah.." nag-smile ulit siya "Ayos na ko, concern ka ah" sabi niya "Ano ka?! Di ah.." nahihiya kong sinabi "Okay" sabay smile na naman. "Nakakainis ka" bulong ko.. "Ha?!" sabi niya, di naman ako sumagot tumingin lang ako sa kaniya "Sige pagkatapos mo diyan, pumunta ka na lang sa labas. Hinatyin kita" dugtong niya nang di ako sumagot. "Okay po" sabay smile ko sa kaniya. Akala niya siya lang marunong ngumiti. Pero napaisip ako ano ba ito?! Dream come true, nangyayari ba talaga to? sabi ko sa sarili ko. Pangiti-ngiti lang ako ng makita kong 5pm na. Kaya dali dali akong lumabas. 

"Oh. Tara na?" sabi niya "Ha?" sagot ko. "Kasama akong maghahatid" sabay smile na naman. Kainis lang. "Okay" sumakay na kami ng kotse nun. It took mga 20 minutes bago kami nakarating sa bahay. Pababa na kami ng kotse nun "Ako makikipag-usap sa guardian mo ah, baka mapagalitan ka eh" sabi niya "Okay lang, wala yung lola ko diyan. Yung maid lang namin" sabi ko naman "Ah sige" sagot niya. "Salamat ah" sabi ko sa kaniya bago ko sinara yung pinto at makitang nakangiti na naman siya. 

So yun nga, wala yung lola ko. Yung maid lang namin naroon. Si lolo naman for sure tulog yun. Tinanong lang ako ng katulong namin kung bakit yun yung suot ko, nagpaliwanang naman ako. Nakatulog agad ako pagkahiga ko sa kama, nakakapagod na hapon kasi to eh. 

[Kinabukasan]

Maaga ulit akong pumasok, papunta na ko sa gymnasium for the daily flag ceremony nang "Miss.." may bumulong sa akin galing sa likod ko. Pag tingin ko si handsome guy pala na naka killer smile na naman. May inabot siyang paper bag, tinignan ko yung laman uniform ko pala kahapon. "Uyyy!" "Nako pre.." "Damoves.." "wit'wew!" sigaw nung mga lalaki sa gilid namin na mukhang mga higher levels, yun naman kasi yung lagi niyang kasama eh. "Sige.." sabay mabilis na lakad ko papunta sa gymnasium.

Di ko alam kung lahat ba ng tao nakakaramdam ng ganito, yung tipong may crush ka which is paghanga sa isang tao tas bigla mo na lang masasabi na in love ka, mahal mo na siya kahit alam mo sa sarili mo na di mo mapaliwanag kung ano ba yung nararamdaman mo. Yung tipong lalapit lang siya "Bugbug! Bugbug!" ang sabi ni heart, tas di ka mapakali pag nakita mo siya. Kung ano man tong meron sa amin ngayon, wish ko lang sana mas maging intense pa. Parang yung diniscuss lang namin kahapon sa science. Gusto ko na ang intensity nitong love na nafi-feel ko umabot ng magnitude 9 or 10 haha earthquake lang ang dating kasi nga alam ko na, sigurado ako na I am officially in love!

"Walang taong manhid. Hindi lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin." -Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon