Sa mga magbabasa po nito, one shot lang po ito so sana ma-enjoy niyo kahit papano 'tong story na naisip ko lang gawin bigla. :) Medyo mahaba 'to! Medyo lang ha! :)) Pagpasensyahan niyo na kung may grammar mistakes at mali-maling spelling. Sana magustuhan ninyo and pa-share na lang po! :D
---
WEDNESDAY, 3:34 PM
Sa school ko, Charms ang tawag nila sakin pero Charmaine ang pangalan ko--Charmaine Fernandez. Apat na buwan na ang nakalipas simula nung maghiwalay kami nung ex ko. Iniyakan ko yun, syempre. Pitong buwan lang kami nagtagal. Ang dahilan ng paghihiwalay namin ay si Wilson. Ka-section ko siya tsaka malapit na kaibigan ko na rin. Bago maging kami nung ex ko, naging crush ko muna si Wilson. Kaso torpe ako kaya nanatili kaming mag kaibigan lang. Naka-limang buwan na kami nung ex ko nun, nung malaman kong naging crush din pala ako ni Wilson. Ayon sa best friend niyang si AJ, hanggang ngayon may gusto pa rin sakin si Wilson. Nagsasabi naman ng totoo 'tong si AJ. Tinanong ko kasi si Wilson isang beses kung totoo ba yun, tapos ayun, hindi niya naman itinanggi. Sa totoo lang, meron pa ring natitirang space para kay Wilson dito sa puso ko. Yun nga lang, hindi talaga ako sure kung yun nga ang nararamdaman ko.
Filipino class namin ngayon, last period then dismissal, pero wala yung teacher namin kaya nakaupo lang ako sa sahig, nakasandal sa pader tabi ng pintuan ng room namin. Kanta-kanta lang habang yung mga kaklase ko nagpapraktis para sa kanya-kanyang presentasyon. Pinangkat kasi kami ng guro namin sa tatlo: Drawing, Dancing at Acting. Dahil may talent ako sa pagguhit, nasama ako sa Drawing. Kailangan lang ipakita ng bawat pangkat ang sa tingin naming ibig sabihin ng isang pamilya at kaibigan. Nakapag-presenta na ang grupo ko nung nakaraang linggo kaya nga nakaupo lang ako ngayon sa sahig. Yung mga nasa Acting, nagpapraktis na ng presentasyon nila rito sa loob ng room habang sa labas ng room naman ang mga nasa Dancing.
Binuksan bigla ni Wilson ang pintuan at pumasok sa loob ng room namin. Kahit na hindi siya magaling sumayaw, kasama siya sa group na Dancing. Swerte niya kasi nasa group niya yung tatlo kong best friend. Kwento nga sakin ni Krissy, matakaw kong best friend, pagkatapos nilang magpraktis kahapon ng sayaw nila sa bahay ni Valerie, hopeless romantic kong best friend, nanood sila ng Insidious. Ang daya nga eh, gusto ko panoorin ulit yun. Balik tayo kay Wilson. Nakita niya kong nakaupo sa sahig. Malamang, nasa tabi ako ng pintuan nakaupo, diba? Tinabihan niya ko sabay titig sakin. "Musta?" tanong niya. "Ayos lang. Ikaw?" sagot ko sa kanya habang pinapanood yung mga maiingay na nagpapraktis. "Ayos lang din." sabi ni Wilson.
Ito na naman. Magkatabi na naman kami. Ganyan na yan lagi. Simula nung naging single na ko ulit, tatabi siya sakin pag recess o lunch. Basta lagi niya kong lalapitan. Di naman sa naiirita ako, medyo awkward lang para sakin.
"Ang baliw lang ni Joanna kahapon. Lam mo yun?" biglang sinabi ni Wilson, sinusubukang gumawa ng topic na pag-uusapan namin. "Baliw lahat ng mga best friend ko." patawa kong reaksyon sa biglang pag-alala ko sa kabaliwan at kababalaghan nina Krissy, Valerie at Joanna.
"Baliw ka rin eh." nag-umpisang mang-asar si Wilson. Nakatingin siya sakin in a very gentle way kaya nakakatunaw 'tong pagtingin niya talaga sakin. "Mas baliw ka. Lalo na--" naputol sinasabi ko nang biglang magsalita si Wilson, "Sayo."
Nalunok ko tuloy bigla yung laway ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako nung sinabi niya yun, though common naman na yung birit na yun. Feeling ko namumula na mukha ko habang nagkakatinginan lang kami ni Wilson. Kasalanan niya 'to. Di niya naman kailangang bumirit, diba? Alam naman niya na alam kong may gusto siya sakin. Alam ko rin naman na alam niyang naging crush ko siya nuon. Dahil dun, naniniwala siyang may chance siya sakin at siguro meron nga. Siguro lang.
BINABASA MO ANG
Kiss sa Cheeks: First Kiss
Teen FictionKiniss mo kasi ako sa cheeks, gagantihan lang kita sana. Kaso iniba mo plano ko. ONE SHOT!