Naniniwala ka ba na malapit na ang takdang panahon? Ang oras kung saan ang lupa'y mayayanig, ang dagat ay magngangalit at ang mga tao'y tatangis ng buong pait.
Handa ka na ba sa mga maaaring mangyari sa iyo at sa mga taong nakapaligid sayo? Paano kung isa sa minamahal mo ang mawala ng bigla, o maaaring silang lahat at ikaw lamang ang siyang natitira. Ano ang gagawin mo? Aasa ka pa ba o susuko na?
Israel Espiritu
Pangalan pa lamang ay aakalain mong napaka buti kong tao. Kapag naririnig ito ng mga tao unang sumasagi sa kanilang mga isipa'y isang mabait, magalang at napaka maka-Diyos na tao ang may ari ng ngalang ito.
Ngunit sa likod ng napaka gandang pangalan na ibinigay ng aking mga magulang na parehas na mananampalataya sa relihiyong aming kinabibilangan ay ang masalimuot na katotohanan.
Sa likod ng ngiti at maamong mukha ay ang kasuklam suklam na mga gawing aking ginagawa.
"Pre, tara ulit mamaya sa club na pinuntahan natin kahapon. Meron akong dalang sandata in case na mapasabak. Alam mo na."
nabaling ang atensyon ko sa aking kaibigan na si MacHabang nakatingin sa tinuturo ng aming guro ay pasimple kaming nagbubulungan at nagngingitian ni Mac.
"Sige, basta ipagdala mo rin ako ah? Di ako makabili nakakahiya kase."
Tinanguan niya lamang ako at para bang sa kilos ng bawat isa ay alam na namin ang pahiwatig.
Action speaks louder than words, Ika nga nila.
"...at dito nagtatapos ang ating talakayan ngayong araw."
Sa wakas uwian na!
"Paalala nga pala, wala munang uuwi sapagkat magkakaroon tayo ng mga bisita na mangangaral sa inyo sa Kristyanismo. Paalam."
Ano? Ano na namang kabaliwan ito? Imbes na uuwi na biglang may magtuturo na naman?
"Ano ba yan, p*ta naman eh no? Uweng uwe na ko i!"
Sigaw ng isa ko pang kibigan na si Anton
"Kalma lang pre, isipin mo na lang maganda yung mapakikinggan natin tungkol sa Diyos."
Napaka plastik ko talaga, wala e. Kailangan kong umakto nang ganyan sa harap ng mga kaklase ko upang di ako mapulaan.
Ngumisi naman ang mga kaibigan ko na para bang sinasabi nila na 'totoo ba yan?' 'Best actor ah?'
nginisian ko na lang din sila dahil sila lang naman ang totoong nakakaintindi sakin.
"Oo nga guys, wag na tayo magreklamo. Buti nga may mga taong handang magbahagi ng mga aral mula sa bibliya kaya makinig na lang tayo kay Israel."
Kung di lang ako nakapag pigil ay malamang nahalikan ko na si Kristine.
Maganda na nga, mabait pa. Ultimate crush ko talaga siya na halos pagpantasyahan ko na siya buong klase.
Marami ngang nagsasabi na bagay raw kami kase parehas kaming mabait at maka diyos.
Sabagay ano pa nga ba ang iisipin nila sa isang di nagmumura, nagpapahayag ng salita ng Diyos at pala ngiting taong gaya ko?
Mga uto-uto! Tsk!
"Ah Kristine salamat."
Nginitian niya lang ako at umupo na sa upuan niya. Panay naman ang tulak at senyas nina Mac at Anton sakin na para bang nang aasar.
"One point pare!"
Mahinang bulong sakin ni Anton sabay gulo ng buhok ko.
Natigil kami sa paghaharutan nina Mac ng dumating ang pastor na magtuturo sa amin.
BINABASA MO ANG
Raptum
Mystery / ThrillerLuke 21:25-28 "There will be signs in sun and moon and stars, and on the earth dismay among nations, in perplexity at the roaring of the sea and the waves, men fainting from fear and the expectation of the things which are coming upon the world; for...