SUNNY POV
Nandito kami ngayon sa carnival , kasama ko ai tyler at ang iba nyang mga kaibigan kasama ko din ang kambal, syempre hindi naman sila magpapahuli sa salitang "libre ko" ohh diba.
Masaya kaming sumasakay sa mga rides , hahaha nakakaenjoy, hindi ko kasi ineexpect na magiging kaibigan ko sina tyler. ,.ok lang saakin kahit kaibigan lang ang tingin nya saakin
Kumain kami sa isang fast food grabe sobra kaming nabusog, lahat kasi treat ni tyler eii bait nya!
Sa aming pagsasaya hindi ko namalayan ang oras 8pm na pala,
" kita na lang tayo dito bukas hihintayin kita "
Bigla ko na lang naalala ang sinabi ni juancho kahapon.
" guys !! uwi na ako huh! " ako
" huh?? mamaya na " mundie
" eii, may gagawin pa kasi ako eii "
shocks!! ayoko paghinatayin sya dun baka mainip yun !!!
Aalis na sana ako ng pigilan ako ni tyler .
" hatid na kita " sya
Ako naman ngumiti lang at tumango kita ko naman sa mga kaibigan ko at kaibigan nya ang pag ngisi ng mapang asar
Nang asar pa ang mga to !!!
Tahimik lang kami sa byahe, hanggang sa pag uwi walang nagsasalita
Pinagbuksan nya ako ng pinto palabas, akala ko hindi na nya ako kakausapin ng magasalita sya
" goodnight sunny " sya nagulat pa ako sa ginawa nya hinalikan nya ako sa pisngi
Hanggang sa pagalis nya nakatulala pa din ako
" KYYAAAHHHHHHHH" napasigaw ako sa kilig
Kiniss nya ako, di ko ineexpect na mangyayari yun, hanggang sa pagpasok ko sa kwarto kinikilig pa din ako hindi lang ako makasigaw mapagalitan pa ako ng aking ina
" kita na lang tayo dito bukas hihintayin kita "
luhh!! oo nga pala nakalimutan ko na naman!!
Kaya dali dali na akong nagtravel sa year 1890, pagkarating ko gabi na din pala dito
Im sure nakaalis nayun dun?? or baka niloloko nya lang ako ?? yaan na nga pupunta pa din ako
Pumunta ako sa may ilog , nakita ko sya tumayo, aalis na ata ?
Pagharap nya nakita nya ako, na gulat ako ng bigla nya akong yakapin
dug dug dug !!!
Ano bang nangyayari saakin ?? bakit nagkakaganito ang puso ko?
" akala ko hindi ka na dadating, tatlong oras na kasi ako dito " juancho
luhh!!! tatlong oras syang naghintay saakin , tapos ako sa tatlong oras na yun nagsasaya lang. Di ko alam nakaramdam ako ng awa sa kanya.
Bumitaw na sya sa pagkakayap saakin.
" sorry ! " sya
" ok lang " ako at ngumiti sa kanya
Umupo sya sa tabing ilog kaya sumunod ako sa kanya at umupo din ng pa indian seat
Nabibingi ako sa katahimikan, pinapapapunta nya ako dito tapos di sya magsasalit!
Naalala ko magpapasalamat nga pala ako sa kanya
" salamat nga pala nung isang araw sa pagligtas mo saakin " ako
Tumingin sya saakin at ngumiti, takte ang gwapo!!!
dug dug dug
luhh!!! ito nanaman ang puso ko, si tyler lang naman ang gusto ko eii.
" sunny!? " tawag nya saakin
" hmmm?? " ako
" paano maging malaya? " sya
" huh ?? malaya ka naman ahh ? " ako
Ano bang sinasabi nito ?? di naman sya nakakulong ahh
" ahh wala ! " sya
Ang wierd nya !! pramis
" gusto mo maglakad lakad " sya
" eii, ang dilim na kaya ? baka mapano tayo " ako
" hindi hanggat kasama mo ako , walang mangyayari sayong masama " sya na nakatitig saakin
dug dug dug
Shit !! ito nanaman
Hindi nya ako pinagsalita at hinila na nya ako paalis sa ilog , hawak nya yung kamay ko
Lakad lang kami ng lakad, hawak pa din nya kamay ko inshort HHWW,
" bakit , ganyan suot mo? " sya
Huh?? anong problema sa suot ko? naka black jeans , black rubber shoes, black crop top, anong.problema dito?
".eiii?? " ako
" kung magdadamit ka yung mahaba , wag ganyan ang ikli saan mo ba binili yan? " sya
Ayy oo nga pala !! nasa nakaraan nga pala ako kaya hindi pa uso ang croptop
" ahh ano tinahi ko ".ako
Takte wala akong maisip eii!!
Tinignan nya ako ng nakataas ang isang kilay, ang gwapo pa din nya kahit madilim hahaha
" pagod ka na ? " sya
" oo hihihi " ako
" hatid na kita saan ba bahay nyo " sya
Lagot na ??
Isip sunny palusot !!" ano, kasi baka mapagalitan ako ni ina pag may kasama akong lalaki " ako
" baka mapahamak ka sa daan " sya
" hindi ok lang!! kaya ko pramis " sya
" sigarado ka? baka makita ka nina zanjo "
" hindi ok lang , kaya ko , hehehe babye " ako sabay takbo
" KITA NA LANG ULIT TAYO BUKAS " sya
Narinig ko pa yung sigaw nya, malayo layo na ako sa kanya ng maisipan ko ng tumigil sa pagtakbo at bumalik sa kasalukuyan
Nakarating naman ako ng matiwasay ng himihingal dahil sa pagtakbo, napahawak ako tuloy sa bandang puso ang lakas ng tibok ng puso ko.
Walang pasok bukas, kaya pupunta ulit ako dun, at aayusin ko ang pananamit ko bukas
Kaya naglinis na ko ng katawan ko at natulog na.
JUANCHO POV
Nakahiga lang ako sa malambot kung kama, habang iniisip si sunny ang ganda ganda nya talaga.
Di ko alam kong bakit ko sya niyakap kanina, gusto ko sya una palang akala ko nga hindi sya darating eii.
Ayoko makasal sa iba, gusto ko si sunny lang.
hanggang sa inabutan na ako ng antok!!!
-----------------------
sana po nagustuhan nyo!!!!
BINABASA MO ANG
PAST TRAVELLER ( completed )
FantasySabi nila kapag nagmahal ka masaya pero may kapalit na sakit!!!! Isa ako sa mga nabiktima ng pagmamahal na yan !!!, nagmahal lang naman ako sa isang lalaking nabuhay sa nakaraan ....akala ko happy ending na pero naalala ko isa pala akong babaeng nas...