JUANCHO POV
Isang linggo na ang nakalipas hindi ko pa din natatagpuan si sunny, simula nung iniwan ko sya hindi na sya nagparamdam,
Nag aalala na ako, hindi ko na pala sya gusto , dahil sa mga araw na lumilipas lalo ko syang namimiss ngayon ko lang napagtanto mahal ko na pala sya, sya lang yung babaeng nakapagpatibok ng puso ko
Miss na miss ko na sya, lagi akong pumupunta sa tabing ilog , minsan magdamag pa ako baka kasi matagpuan ko sya dun, pero bigo ako!! laging wala.
Tulad ngayon nandito na naman ako sa tabing ilog , kanina pa akong umaga dito inabot na nga ako ng gabi, sa kahihintay gusto ko ng sumuko , parang di ko na ata magagawan ng paraan na mapawalang bisa ang kasal namin ni isabel
Tumayo na ako para umalis, wala naman ata akong hinihintay dito eii tanggap ko na hindi na sya babalik saakin
Naisipan kong pumunta sa pahingahan ko kung saan ko iniwan si sunny,
Malayo palang ako,may nakita akong babae na nakatalikod at naka short at naka t-shirt lang .
Alam kung sya yun, sa tindig pa lang nya alam kung sya, dali dali akong tumakbo sa kanya at niyakap sa likod.
" sunny bakit ngayon ka lang " ako habang umiiyak!! takte nakakabakla, wala eii namiss ko sya sobra
Humarap sya saakin , tinignan ko suot nya kakaiba , saan ba nya nabibili ang mga suot na yan ?
Nagulat ako sa ginawa nya, niyakap nya ako ng mahigpit at umiiyak , hinagod ko naman likod nya at pinapatahan.
" sorry kong ngayon lang ako " sya habang umiiyak
" bakit ba ngayon ka lang?? alam mo bang isang linggo akong naghintay " ako
" sorry!! , may ka-aylangan lang kasi akong kompermahin " sya
" ano naman yun ?? " ako at kumalas sa yakap
" wala saakin lang yun hahaha " sya pinahid ko naman ang mga luha nya
" bakit ganyan ang suot mo? " ako
" juancho , may kaylangan kang malaman " sya " pinag isipan ko na to kaya hindi ako nagparamdam sayo ng isang linggo " dugtong pa nya
" ano yun? " kinakabahan ako sa sasabihin nya
" hindi ako taga dito alam mo yan ? kasi nanggaling ako sa kasalukuyan " sya
Huh?? di ko sya maintindihan!!
" hindi ako parte ng nakaraan na to, isa akong babaeng nasa kasalukuyan , hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaroon ng kakayanan na makapag pabalik balik sa nakaraan " sya
So?? kay pala iba syang manamit
" ayoko lang na maglihim sayo, " sya
Hindi ako umiimik , naintindihan ko naman eii, ang pagkakamali ko lang nain love pala ako sa babaeng nanggaling na sa advance na panahon , at isa lang akong hamak na nakaraan nya.
Umiyak lang sya ng umiyak,
" sorry!, sorry talaga juancho, hindi ko din inaakala na magugustuhan pala kita sa isang linggo kung hindi pagpapakita sayo, lalo kitang namimiss " sya
Masaya ako sa narinig, gusto nya ako,??
Hinalikan ko sya, na naikagulat nya hindi nagtagal nagrespond na din sya sa halik ko, Ako ang naunang bumitaw sa halik.
" b-bakit m-mo g-ginawa yun?" sya
" gusto mo din naman " ako habang nakangiti
Pinalo naman nya ako sa dibdib , kaya niyakap ko sya ng mahigpit
" wag mo na ulit uulitin yun " ako
" huh?? saan ? " sya
" ang hindi pagpapakita saakin, halos mamatay na ako sa gutom mahintay ka lang " ako
Tumingin sya saakin at ngumiti,Ang ganda nya talaga
" kung galing kaman sa kasalukuyan , dalawin mo pa din ako dito ! " ako
" oo naman, dadalawin kita " sya
Walang nagsasalita saamin , hindi din kami bumibitaw sa pagkakayakap, sobrang namiss ko sya wala akong pakialam kung saan pa sya galing , basta ako mahal ko sya
.-----------------------
vote and read salamat
BINABASA MO ANG
PAST TRAVELLER ( completed )
FantasySabi nila kapag nagmahal ka masaya pero may kapalit na sakit!!!! Isa ako sa mga nabiktima ng pagmamahal na yan !!!, nagmahal lang naman ako sa isang lalaking nabuhay sa nakaraan ....akala ko happy ending na pero naalala ko isa pala akong babaeng nas...