SUNNY POV
Masaya kong pinagmamasdan ang ulan sa bintana, gusto ko maligo sa ulan kaso nandito ako sa klase.
" lalim ng iniisip natin ah " charles
Lagi ko nga palang katabi ang gwapong nilalang na to, tapos ang bait pa nya at ang sweet kulang na lang mapagkamalan pa kaming magjowa , pero sorry ako ayaw nya saakin hahaha dahil ang gusto nya ay isa sa mga kambal saka ko na lang sasabihin.
" wala to, inaantok lang ako " ako
" gusto mo manood ng laro namin mamaya, may training kami " sya
" eii ayoko nga " makikita ko nanaman doon si eldrige, eii iiwasan ko na nga matapos nya akong pagsabihan ng masasakit na salita.
" sige na , isama mo ang kambal please para makita ko sya " sya na naka dog eyes hahaha.
Wala naman akong magagawa kapag sya ang nagpacute, alam ko namang malakas ang tama nya kay sundie eii hahaha.
" aishh!!! oo na " ako
" YES!!!! " sigaw nya
" MR. DE FUENTE " saway ni prof
" sorry po " sya , hahaha ako naman nagpipigil ng tawa ako kasi pagi ang dahilan kung bakit lagi syang napapagalitan
Nakinig na lang kami ng tinuturo ni prof baka kasi mamaya bumuga na to ng apoy,
Sa tuwing naiisip ko si juancho di na ako naiiyak, sino ba sya para iyakan ko, sya lang naman si juancho ang nakaangkin ng katawan ko at ang nangiwan saakin.
Pero hindi ko sinasabi na magkakamove on agad ako, dahil hanggat nakikita ko si eldrige dito hindi ako basta basta makakamove on.
Natapos ang maghapon ng hindi na napapagalitan si charles, hinihintay ko ang kambal dito sa bench at si charles naman nauna na sa gym sumunod na lang daw kami.
" uyy sis, tara na " mundie
Nandito na pala ang mga to dahil sa ingay palang ni mundie malayo pa lang rinig ko na.
"ayy!!! makikita natin si eldrige doon " sundie
" ok lang hindi naman si eldrige ang pupuntahan natin doon si charles " ako
Nakita ko naman ang pagkorba na ngiti sa labi ni sundie naku if i ikow gusto din nya si charles.
ELDRIGE POV
" o ayan pala silang tatlo " turo ni charles sa tatlong babae g naglalakad.
Kaibigan din pala ni charles si clumsy girl, agad naman syang napatingin sa gawi ko hindi ko alam kung bakit pero pamilyar saakin ang mukha nya parang nakita ko na sya noon.
" hey!! sundie " charles
" hey!!! " sya
Pinakilala nya kami sa kanya kung alam nya lang nakilala ko yan dahil sa katangahan na ginawa nya.
" ohh, sunny, mundie, and sundie sila si arthur, ethan, eldrige " pakilala ni charles sakanila.
" nice name ahh " arthur
" BACK TO YOUR POSITION " couch
" lets go " ako
Nakita ko naman sa pheriperal view ko ang pagtitig ni arthur kay sunny alam ko ang mga tingin na ganya, tingin yan na nalove at first sight.
Nagsimula na kaming maglaro hindi ako makapagcincentrate dahil kay arthur kanina pa syang tingin ng tingin kay sunny.
" ELDRIGE FOCUS " sigaw ni couch
Napatingin naman sa gawi ko si sunny bigla na lang akong kinabahan sa tingin nya, hindi ko ma lang pinansin baka kung ano lang yun.
Tuloy pa din ang training namin, ganun padin napapatingin pa din ako kay arthur na nahuhuli kong tumitingin kay sunny,.
Sa kawalan ko ng focus sa training nasagi ko si arthur kaya bigla na lang itong natumba.
" tol!! ano bang problema ? " arthur
" PAHINGA MUNA " couch
Umupo silang tatlo doon sa bleacher na inuupuan ng tatlong babae at ako umupo ako doon sa kabilang bleacher sa tapat nila kaya kitang kita ko kung paano sila magkwentuhan at magtawanan.
Di ko napapansin na nakatitig na pala ako kay sunny na masayang nakikipag usap kay arthur, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam na gusto kung suntukin si arthur at ilapit saakin si sunny.
Sino ka ba talaga sunny? bakit nakakaramdam ako ng ganito kapag may nakakasama kang lalaki ? di ko alam kung bakit pamilyar ka sakin?
Di ko namalayan na magkatitigan na pala kami dahil sa lalim ng iniisip ko lumakas na nanaman ang tibok ng puso ko.
Umalis na lang ako, dahil feeling ko makakapatay ako kapag nakikita ko silang dalawang masaya.
------------
VOTE LANG PO WAG MAHIHIYA
BINABASA MO ANG
PAST TRAVELLER ( completed )
FantasySabi nila kapag nagmahal ka masaya pero may kapalit na sakit!!!! Isa ako sa mga nabiktima ng pagmamahal na yan !!!, nagmahal lang naman ako sa isang lalaking nabuhay sa nakaraan ....akala ko happy ending na pero naalala ko isa pala akong babaeng nas...