HAPPY ENDING

352 4 0
                                    

Alam mo yung feeling na para kang nobody?

Sa kadahilanang hindi ka mayaman at hindi ka rin sexy.

Yung hindi ka pinapansin ng mga tao

Dahil sa itsura mo at anyo.


Ngunit may isang tao,

Isang taong nagmahal sayo ng buong buo.

Tinanggap kung ano man ang meron sayo

Pinaramdam na hindi ka nag iisa sa mundo.


Pinaramdam niya na ikaw lang ang pinakamaganda

Pinakita niya rin kung gaano ka kahalaga sakanya

Hindi ka iniwanan

Hindi ka rin pinabayaan.


Ang saya saya mo tuwing kasama mo siya

Lahat ng problema mo'y nawawala.

Mga ngiti mong abot hanggang tenga

Sabay sabing 'siya na nga'


Hanggang sa isang araw

Nakita mo siya't natanaw

Lalapit ka na sana

Ngunit may nakita ka.


Hindi mo alam kung ano ang pwedeng sabihin

Di rin alam kung anong gagawin.

Luha ang pumatak sa iyong mga mata,

Dahil sa nakita mong hindi mo inakala.


Nakita mo siya na may kasamang iba,

Nakita mo kung gaano siya kasaya.

Nakita mo ang kanyang totoong mga tawa,

Sa piling ng iba


Ang taong nagpapasaya sayo,

Ang taong naging inspirasyon mo

At ang taong dahilan ng mga ngiti mo

Ang siyang nagdulot ng sakit at poot sa puso mo.


Mundo mo'y gumuho

Mga luha mo'y tumulo

Isip mo'y gumulo

Di alam kung san tutungo


Masakit, Oo.  Ngunit kailangan tanggapin

Masakit, Oo. Ngunit kailangan harapin.

Dahil hindi lahat ng oras

Happy ending ang wakas.


FILIPINO SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now