Part 6

9.3K 261 10
                                    

"MATAGAL pa ba si Mr. Duarte?" Tanong ni Yui sa sekretarya nito habang nakaupo sa couch ng management office. She has been waiting for an hour already at gustong gusto na niya itong makausap para matapos na ang lahat. She has to leave the resort as soon as possible. Ang sabi sa kanya ng receptionist ay alas nwebe ang meeting niya with him. Pasado alas diyes na at wala pa rin ito.

Magalang naman siyang sinagot ng sekretarya. "He said he's on his way already. Meron lang emergency sa construction site kaya po siya natagalan." Biglang bumukas ang pintuan "Oh, nandito na pala siya."

Kaagad siyang tumayo at inayos ang sarili. She then readied her smile para sa bagong dating.

"Sir, this is Miss Yui Arnaiz. She wanted to talk to you about an important matter. Miss Arnaiz, this is Mr.Duarte." Pagpapakilala sa kanila ng sekretarya.

"Good afternoon, Mr. Duarte. Nice meeting——" Hindi pa man niya natapos ang pagbati ay parang binuhusan na siya ng malamig na tubig sa gulat. Kunot ang noo na tinitigan niya ang lalaki.

Hindi maaari! Si Red ba talaga ito?

She surveyed the man's face only to make herself more convinced. Si Red nga ang lalaki! Lumingon muli siya sa pintuan dahil baka nandoon talaga ang sinasabi ng sekretarya na si Mr. Duarte ngunit wala nang ibang tao maliban sa kanilang tatlo.

"You are Mr. Duarte?!"

"I am."

"Are you kidding me?"

"No, I'm not."

"Ikaw ang bumili ng lupa ko?"

"I believe so. Yes."

Halos mahimatay na siya sa pinagsamang gulat at inis.

"I can't believe this. The owner should be Mr. Reynaldo Duarte".

"That's my real name."

She faked a laugh. "Is this a prank? Baka may camera sa paligid ko."

"Just seeing you here yesterday, alam ko na na gusto mong makipag-usap tungkol sa nabili kong lupa sa iyo."

"What did you say?"

"You've heard me. Kahapon pa lang, alam ko na."

Magkahalong inis at pagkabigla ang namayani sa loob niya? Does this also mean na alam na nito kung sino siya even before may mangyari sa kanila?

"At the bar, you know who I am? Even before..." Napatigil siya sa pagsasalita. Napatingin siya sa sekretarya na nakamaang sa kanilang dalawa.

"Ivy, go back to your desk." Red sends away his secretary.

At ilang sandali pa ay dalawa na lamang sila sa loob ng opisina.

"Mandurugas ka! I trusted you. How could you do this?" Hindi niya mapigilang tumaas ang boses.

"Yui, it's not what you think."

"Pretending not to know me? What the fuck is that about?"

"Yui, listen to me."

"What for? Tell me, Red. Anong ginagawa mo sa bar na iyon that night?" Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. All this time, she was thinking about him and how beautiful what happened between them. She even condemned herself for repetitive lying and being bitter. Pero isa pala iyong malaking scheme at naniwala siya rito.

"Oo, inaamin ko. I——"

"Lang hiya!"

"Stop cursing and let me finish first. I went to your studio para sana kausapin ka dahil hindi ka magawang kumbinsihin ng abogado ko. Pero paalis na kayo ng kaibigan mo nang dumating ako. So I decided to follow your car. Pero sa bar pala kayo nagpunta. Babalik na ako rito sa resort the following day kaya naisip kong I might have no other chance to talk to you. So I tried. But you started dancing on the dancefloor. I just can't stand there and watch kaya I pulled you out of there. But then..."

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon