Part 12

9.1K 238 3
                                    

HALOS limang minuto na siyang kumakatok sa pintuan ng bahay ni Red pero hindi pa rin siya napagbubuksan ng pinto. Naisip niya tuloy na wala ito sa bahay at may pinuntahan.

Akala ko ba may sakit iyon? Hindi kaya... Mas lalo siyang kinabahan sa naisip. What if Red is really inside the house and is very sick? Paano kung nasa panganib na ang buhay nito?

Kumatok muli siya. Mas malakas kaysa kanina. Kung wala pang magbubukas para sa kanya ay papasok na talaga siya.

"Red? Are you there?" Ngunit tulad ng nauna ay wala pa ring sumasagot kaya tumalikod na siya. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay may narinig siyang nabasag na baso. Sinundan pa iyon ng isang kalampag na sa dinig niya ay nahulog na kaldero.

Bigla siyang kinabahan. Baka kung napano na ito?

"Red!" Pinilit niyang itulak ang pintuan ngunit sirado ito.

Kaagad niyang inilabas ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang sekretarya nito.

"Nandiyan ba si Red sa opisina, Miss Ivy?"

"Po? Si Sir Red? Wala po siya sa resort ngayon. He left this early this morning and went after Dr. Lee."

"Nang mag-isa?"

"Opo."

"Akala ko masama ang pakiramdam niya? Bakit siya umalis?"

"Kakausapin daw si Dr. Lee. Sinabihan ko nga pong huwag nang umalis ayaw po makinig."

Is Red really that sick to see the doctor? Pero bakit mag-isa lang itong aalis. Her head started to ache at the idea. Nauubos na ang pasensya niya sa pinaggagagawa nito. May sakit pero umalis mag-isa upang hanapin ang doctor? Sira na ba ito?

She thanked the secretary and ended the call. She was about to leave when she remembered the sound of broken glass and falling kitchen wares inside the house.

Kung wala si Red sa bahay nito hindi kaya... may magnanakaw? Pero paano magkakaroon ng magnanakaw doon na napakahigpit ng security sa buong resort?

Pero mas nanaig ang tapang niya. Maraming alaala si Red sa bahay na iyon kaya hindi niya papayagang may mangyaring masama doon. Kaagad niyang tinawagan ang security ng villa upang humingi ng tulong. At nang makakita ng pitchfork sa bakuran ng garden ng villa nito ay kinuha agad niya ito. Mabuti na lang at hindi masyadong mabigat ang garden tool na iyon at kayang kaya niya itong gawin sandata sa kung sino man ang masamang budhi na nasa loob ng bahay ni Red.

Pero hind pa man siya nakatago sa ligtas na lugar ay biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Halos napalundag siya sa sobrang gulat. Nakatalikod pa naman siya sa mga kawatan na ito. Paano kung may baril ang mga ito? Siguradong hindi siya mabubuhay. Akala niya ay ligtas na siya kay kamatayan noong sabihin ng doktor na misdiagnosed lang ang kaso niya. Pero dadalhin lang pala siya sa paraisong resort na ito upang dito matuluyan.

Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi pa siya nakakapag-asawa gusto pa niyang magkaanak. Nalungkot na naman siya nang maalala ang issue ng pagkakaroon ng baby.

Nakataas ang dalawang kamay niya sa ere tanda ng pagsuko niya. Matapang naman siya. Pero natatakot pa rin siya para sa buhay niya. Mas dumoble ang halaga niya rito ngayon kaysa noon.

"Huwag niyo akong saktan. Hindi ako magsasalita. Pangako." Nanginginig ang boses niya pero pinilit niyang maging matapang.

Matagal bago ito nagsalita. Pero kalaunan ay narinig din niya ang boses nito.

"Bakit ka nandito?"

Haharap sana siya ngunit kaagad siyang pinigilan ng lalaki. "Huwag kang gumalaw. Sabihin mo kung sino ka at anong ginagawa mo dito."

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon