Chapter 5 - The War of the Worlds

303 13 4
                                    

Bea: Siya na naman?

            Nagtataka si Bea kung bakit nanduduon ang lalaking namumukhaan niya kaya lumapit ito at napaupo rin sa harapan nito habang pinagmamasdan ang lalaki.

Bea: Natutulog ba siya? Parang walang imik, ah! Manhid ba siya para hindi makaramdam na may nagmamasid sa kanya? (Kinaway-kawayan niya ito mismo sa tapat ng ulo niya.)(Aalis na sana ito at maghahanap ng bagong pwesto na pwede niyang labasan ng loob pero nagulat na lang siya na may humawak sa kamay niya.) Ay! Cobra!!!! (Napalingon.)

Angelo: Anong cobra ang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba, may kamay ang cobra para hawakan ang kamay mo?

Bea: (Napahiya. Pinilit niyang mabitawan ni Angelo ang kamay niya pero hindi binitawan ni Angelo.) Bitawan mo nga yung kamay ko.

Angelo: Command ba yan o request?

Bea: At may ganyan ka pang nalalaman… (Hinigpitan ni Angelo ang pagkakahawak ng kamay ni Bea.)  Aray!!! Sige na…. please!!! (Binitawan ni Angelo ang kamay ni Bea.) Salamat, ah! (Pagalit.) Napaka-thank you talaga…

Angelo: Bakit ka nandito?

Bea: Bakit? Masama ba?

Angelo: Oo…

Bea: Bakit sayo ba itong lugar na ito?

Angelo: Basta sagutin mo na lang ang tanong ko.

Bea: Wala ka nang pakealam dun. Makialis na nga! (Aalis na sana ng napatayo si Angelo at hinatak si Bea palapit sa kanya.) Ano ba?!

Angelo: (Minasdan ang mukha ni Bea.) Umiiyak ka ba?

Bea: Huh? (Nag-aalanganing sumagot.) A-ako?

Angelo: Alangan! May iba pa bang tao na nandidito sa 5th floor?

Bea: H-hindi ako umiiyak. Bakit naman ako iiyak at sino naman ang iniiyakan ko?

Angelo: Bakit rinig ko kanina na humihikbi ka at isa pa… (Pinunasan ni Angelo ang luha na natitira sa mga mata ni Bea.)(Napayuko si Bea.) Sa susunod bago ka magdeny, pakitanggalan ng ebidensya, ah! (Nagbigay ng panyo.) Heto, baka kailangan mo… (Aalis na sana ng…)

Bea: Teka sandali! (Napatigil si Angelo.) Bakit ka rin pala nandito?

Angelo: Sa tingin mo, ano ang dahilan ng pagpunta mo dito?

Bea: Anong ibig mong sabihin? Bat nadamay yung….

Angelo: Ang mga taong gustong mapag-isa lang ang pumupunta dito, alam mo ba yun? (At umalis.)

Bea: (Nagtataka.) Mapag-isa? Siya? (Napailing ng maramdaman niya na hawak pala niya ang panyo ni Angelo.) Naku…. (Lumingon siya ulit sa harapan at wala na si Angelo, nilibot ang buong 5th floor pero wala na ito.)(Inilagay na lamang ni Bea ang panyo ni Angelo sa bulsa nito at bumaba na lang ng fifth floor at least maglabas ng sama ng loob.)

Sa ospital…

            (Pumasok si Bea at naabutan niya na inaayos ng nurse ang dextrose ng mommy niya.)

Bea: Nurse, nasaan po si Ate Yassi?

Nurse: Yung nagbabantay po dito?

Bea: Opo….

Nurse: Hindi pa po dumadating, eh! (Iniligpit ang mga gamit niya.) Sige ma’am, aalis na po ako.

Bea: Sige po…. (Umalis na ang nurse.)(Lumapit si Bea sa mommy niya.) Mom! Kailan pa po kayo gagaling? Naaabutan ko po kayo dito lagi sa hospital na nagpapahinga, ni hindi ko po kayo makausap. Mommy, magpagaling ka na, oh! Kasi… (tumulo ang luha.) kasi… hirap na hirap na ako dito sa lugar na ito. Hindi ko na po kakayanin dito. Marami na po ako nasacrifice na dapat ay makakatulong sa akin sa future ko, pero… pero iniwan ko po iyon para sa inyo. Mommy, sana naririnig nyo po ako ngayon, para naman ma-advisan nyo ako at mapalakas nyo ang loob ko. Kasi hirap na hirap na po ako…..

(Hindi alam ni Bea na sinisilip pala siya ng ate Yassi niya at tumutulo din ang luha.)

Kinabukasan….

Sa classroom…

            (Pumasok si Bea nang napatigil ito dahil tinginan ang lahat ng mga estudyante sa kanya.)

(Hindi na lang niya ito pinansin at lumakad siya ulit papalapit sa upuan niya nang….)

Joyce: (Tumayo.) Bea…. (Lumingon si Bea na may pangamba.) Is Lexi’s right? Na tinulungan mo ang babaeng weidong iyan… (Itinuro si Barbie.) At kinalaban mo pa ang aking may dear best friend? (Hindi makasagot si Bea.) I- I thought you are one of us, and yet you break that once and a lifetime chance?

Bea:  Pero Joyce, mali ang ginagawa nila. Minamaltrato nila si Barbie, torture na yun sa pagkatao niya.

Joyce: But I command her to do it! And common sense, she is my best friend…. You are just stepping on a wrong way Bea.

Bea: Pero mali ang ginagawa ninyo… mo… Joyce. Bakit nyo ito ginagawa sa isang taong alam nyo  namang walang kalaban-laban sa inyo? Gaano ba kalaki ang naging kasalanan ni Barbie para pagtulungan nyo siyang pahirapan?

Joyce: Wala ka na doon. Alam ng lahat na sa batch na ito… dito mismo sa school na ito, na ako ang batas. Kaya mag-ingat ka sa mga pananalita mo, transfery girl!

Bea: At ano naman ang dahilan ko… namin… para sundin ang mga utos mo? Bakit? Ikaw ba ang nagpakain sa amin? Ang nagpaaral sa school na ito? Ikaw ba ang mga magulang namin? Bat hindi ka makasagot? Dahil totoo di ba?

Joyce: How dare you to talk to me like that, kabago-bago mo pa lang dito, ah!

Bea: Dahil isinasampal ko naman sa iyo at sa mga kagrupo mo na mali ang ginagawa ninyo…

Joyce: (Isinampal si Bea.) Pwes… ibinabalik ko na sayo, ayan na yung isinampal mo sa akin, you weirdo. Nagkamali ka ng kinalaban, Bea. Akala mo na ganun-ganun na lang, pwes… Lexi… alam mo na ang gagawin mo….

Lexi: Let’s go guys!!! (Lumapit si Bea at ang dalawa pa niyang kasama kay Bea at hinawakan ito.)

Bea: Bitawan nyo ako!

Derrick: (Napatayo.) Lexi…. Tama na!

Kris: (Lumapit siya kasama ang mga kabarkada.) Huwag kang mangealam, pare!!!!

Lexi: C’mon… let’s go guys! (Hinila palabas si Bea.)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

                      Pasensiya na po kung hindi ako masyadong nag-a-update, mahina po kasi ang internet connection namin sa ngayon at may pinagpa-planuhan po akong isang story na napakabigat, pinagsanib pwersa ang mga artista galing sa Abs-Cbn and GMA.

Para po sa mga interesado, nasa tabi lang po ang trailer, abangan po ang full trailer ... soon.

Ang title po ng susunod na story ko po ay "Love Lies" na pinagbibidahan po ni Jhake Vargas at ang kanyang mga leading ladies na sina Julia Montes, Lexi Fernandez and of course, Bea Binene.

Para po sa mga interesado, palike na lang po ng official page ng kwento ko, nasa baba po ang link ng facebook page ...

                                http://www.facebook.com/lovelies10

Please help me to promote my upcoming wattpad story, No Ordinary Love and the others ...

Thanks .... ("<)

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon