📝Orasiana📝

110 9 42
                                    

Title: Orasiana
Author: tropang_bisaya
Parts: 18
Genre: Fantasy

Title: OrasianaAuthor: tropang_bisayaParts: 18Genre: Fantasy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Warning: please be open-minded)

A. Story Description
- Not that catchy but not cliche. It tells more on a time related story. I can sense na may love story dito. I can sense regrets because of wasted time and chances.

B. Characters
- Aside from being a princess na umeeskapo sa gabi at umaakyat sa bakod ay walang mukha si Orasiana. So with Andres. Si Lailanie nagkamukha on the last few chapter. Remember na hindi porke mayroon kayong nilagay na cast ay pwede niyo nang iwang blangko ang deskripsyon ng characters niyo. Iisipin kong maski kayo ay hindi talaga kilala ang ginawa niyong tauhan sa kwento.

- Work on the description. A more vivid description.

- Ang ikinatuwa ko sa characters mo ay 'yong mga pangalan na binigay mo sa hari, reyna at sa prinsesang si Orasiana. Pati ang kaharian na Timeria ay tungkol pa rin sa oras. Pinag-isipan mong mabuti 'yong mga pangalan. Naipakita mo 'yong relevance ng mga pangalan sa kwento mo.

C. Setting
- palasyo, lumang bahay, bahay ni lailanie, condo ni Andrew, opisina at ibang setting at medyo nakukulangan ako. Nahihirapan ako ivisualize 'Yong setting.

D. Plot at content
- Medyo nalilito pa ako sa plot mo. Di ko pa matukoy kung saan patungo 'to but I can see na malakas ang loob mo para gumawa ng kwentong nakikipagsapalaran sa oras at panahon. Mahirap bunuin ang ganitong kwento lalo na't tatlong magkaibang panahon ang ipinakita mo. I can't tell yet kung paano ito naging related sa isa't isa pero I know darating 'yong chapters na 'yon. Though ang ikinaganda sa ginawa mo at 'yong paggamit ng makalumang salita na umangkop doon sa makalumang panahon. Ang sarap basahin ng malalalim na salitang ginamit mo. Thumbs up ako doon. I suggest na medyo ilihis mo na ng kunti 'yong ginamit mong mga salita sa year 2012 para magkaroon ng distinction.

- Napansin ko na medyo maiikli 'yong chapters mo. Gusto ko isiping short story 'yong Una mong plano but it turned out na mas nagkaroon ka ng mga new idea that's why you decided na gawing isang buong kwento. Naisip ko lang kasi ang ikli ng first chapter mo and halos pabitin mong winakasan. I suggest make it a bit longer. I can't say na mahaba na 'Yong kwento mo kasi maikli lang chapters mo kahit na umabot ka na sa chapter 16 kasama ang prologue. Napangiti mo ko sa prologue dahil sa pagiging pasaway ni Orasiana at the same time pagiging matapang niya na aminin ang kasalanan niya at tanggapin ang kaparusahan. Lungkot naman ang ipinaramdam ng mga sumunod na chapters. Your story is a hell of emotions pero kunting hatak pa para mas maiparamdam mo ang mga emosyon. Pwede mong dagdagan ng dialogues kung pwede pa.

- Ang dami kong naging tanong dito sa kwento mo. Tanong na di ko pa nabibigyan ng sagot. Mabagal 'yong usad ng kwento mo. Pansin ko na tumalon ka ng 4 years and for sure 'Yong mga pasabog mo (kung hindi ako nagkakamali) ay nasa mga gaps ng panahon na di mo pa napakita.

- Gusto ko makilala pa si Orasiana. Di mo pa siya pinakilala masyado to think na Yong title ng kwento mo ay Orasiana. Iwan ko kung paano mo 'to iraraos pero Sana mapanindigan mo 'yong ginawa mong kwento.

E. Conflict
- more on person vs person na conflict 'yong nasasagap ko
- Hindi ko pa nakita 'yong malaking struggles ng characters mo aside sa ilang sitwasyon. I expect bigger conflict sa storyang ito since this is a very challenging story. Hindi biro itong ganitong kwento.

F. Resolution
- I'm looking forward to this. Sana mabigyan mo ko ng sorpresa pagdating dito.

G. Areas to check/improve
- grammar and punctuation - gamitin ang tamang salita at ilagay sa tamang lugar ang mga punctuation na kailangan.

- redundant use of words - pansin ko 'yong paulit-ulit na salitang nagagamit mo. Better review this and rephrase the sentence if needed para hindi hindi awkward basahin.

- dialogue format - I'm sure may idea ka na nito since napost mo na aa critique shop mo yong tamang dialogue format. Just review and start editing this para mas maging pleasant siya basahin.

Critic Note:
- Be more descriptive gaya ng nasabi ko sa taas. Huwag mo masyadong bagalan 'Yong usad ng kwento kasi baka abutan ka boredom ng readers mo. Matuto kang tantiyahin kung kelan dapat bilisan at kelan dapat bagalan, tamang timing ika nga. Ituloy mo lang at huwag kang lilihis dahil pakiramdam ko malapit na 'yong mga revelations mo na chapter. Ramdam ko na malapit nang masagot ang mga tanong ko.

- You're story has a impact though may mga kulang na dapat punan, hindi maikakailang may ibubuga ito kung nagawa ng maayos. Alam kong handa ka noong ginawa mo 'to and I believe na kaya mong iraos 'to.

Laban lang! Surprise me! Aabangan ko 'yong mga pasabog na gagawin mo.

Critique & Review ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon