Fix a Heart

32 1 0
                                    

 "Ang manhid mo talaga Keeth .. Oo manhid ka , tapos ako naman TANGA, BOBO, GAGA ."

 bulong ko sa sarili habang tinitingnan ko palihim ang isang lalake dito sa school canteen. Oo, si Keeth ang tinitingnan ko . Siya sa Keeth Arviedo... Ang kaisa-isang lalaking minamahal ko. Ewan ko ba? Bakit patay na patay ako sa kanya ?! Gwapo lang naman sya, matalino, mabait, mayaman.. Ewan, basta perfect sya para sakin.

Pero malas ko lang, may mahal na syang iba...

 It's been 3 years ko nang tinatago yung nararamdaman ko sa kanya. Second year high school palang ako non, nung una ko syang makilala... Classmate kasi kami noon, tapos di nag tagal naging mag-kaibigan kami. At di nag laon, nahulog na nga ako sa mga korning jokes nya, sa pagka madaldal nya, sa kanya. Mas ginusto kong itago yung nararamdaman ko sa kanya dahil ayoko na masira yung friendship namin.. Ayoko syang mawala...

 Alam nyo, Ok na sana eh, nung after graduation namin sa high school kasi di ko na sya makikita araw-araw, makaka-moveon nako sa kanya dahil hindi ko na sya makakausap parati. Pero LETCHE ! Mapag-biro nga naman tagala yung tadhana oh ! Dito rin pala sya nag enroll sa University na pinapasokan ko . Aaaysh ! Hindi ko alam kung matutuwa ako o ma-iinis?! Matutuwa dahil makakasama ko parin ang lalaking mahal na mahal ko o ma-iinis dahil obviously, hindi ako makaka-moveon ! Pero wala eh, nanaig si Heart... Kaya ayon, hanggang ngayon nga-nga parin ako. Isang kawawang NBSB.

"Sey ! Hoooy Sey ! Rosey Santiago ! Psssst."

Naputol yong pag-momoment ko nang namalayan kong may tumatawag ng pangalan ko, kaya lumingon ako sa likod. Tinatawag pala ako ni Ashley, bestfriend ko.

"Hoy gaga, kanina pa nagsisimula yung klase natin! Anong oras na, andyan ka parin kumakain!"

"Ha? Ahhh.. Anong oras naba?" Tiningnan ko yung relo ko para i-check ang oras.

"Jeeez! 30 minutes nakong late !!  Ughh ! " Nagmadali akong kumuha ng bag ko at papalakad na sana nang naalala ko saglit si Keeth kaya limingon ako kung saan sya naka-upo kanina, pero hindi ko namalayan na umalis na pala sya.. Kaya, lumakad narin kami ni Ashley para bumalik sa klase.

Ashley Martinez ...  Siya ang bestfriend ko since elementary kami. Ninang ko kasi yung tita nya kaya medyo sabay narin kami lumaki. Si Ash ? Nako maganda, mestiza, mabait, sweet, matalino, at lahat na siguro na sasakanya. Ang swerte-swerte nga nung boyfriend nya sa kanya..

Dismissal na at naglalakad ako ngayon sa hallway mag-isa. Busy kasi si Ashley, may meeting daw sila pero sandali lang daw.

 "Sey mah name, Sey mah name ~..."

Yung boses nayon... Yung kanta... Parang familiar...

Lumingon-lingon ako habang nihanap kung saan galing yung boses na narinig ko...

Nang may biglang tumapik sa akin ...

"Hey Sey ?" Napalingon ako...

Tama... Si Keeth lang pala ang tumatawag sakin ng ganon... Alam kong medjo korny yung joke nya, pero di ko maiwasang ngumiti pag kinakantahan nya ko ng ganon...

"Oy Keeth . Ikaw pala..."

"Yes, It's me! You're one and only Pare" sabay akbay sakin.

Oo tama ka... You're my one and only... My one and only love...

"Hoy Keeth, kumusta kana? Long time no talk ahhh.."

"Oo nga eh, medyo busy kasi sa studies.. Alam mo na, papalapit na naman ang exam"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fix a HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon