▬TRIXIE'S POV
“BAKLAAAAAAAAAAA!!!” Jackie shouted upon seeing us.
“BAKLAAAAAAAAAAA!!!’” sigaw din namin ng mga bebs ko nung nakita namin siya. Nagtatakbo kami papunta sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit!
“WAAAAAAAAHHHH!!! NAMISS KA NAMIN!!!” --- Ako, Trish, Camille, Zarah, Lucy, Lea at Nessa
“Oi mga impaktita! Wag nyo kaya akong harasin hano?! Alam kong nakakamiss ang ganda ko pero ayoko pang machugi sa Earth no! Jusmiyo Marimar! Wit ako maka-breathe sa mga yakap nyo! “ sabi niya samin. Eh kasi naman! Namiss talaga namin sya!!!
“Kamusta ka na?!” excited kong tanong. Kumalas na kami sa pagkakayakap sa kanya.
“Bakla ang tagal mong nawala!!!” --- Camille
“Kamusta ang Canada?” --- Lucy
“Nagkajowa ka ba doon?” --- Zarah
“Namiss ka namin! Sobra!” --- Lea
“Ay nako mga beks! Mahina ang magandang kalaban! Isa-isa lang ang tanong! Pasok muna tayo sa classroom at may jetlag pa akechiwa!” Jackie said.
Pumasok na kami sa classroom at doon nagkamustahan.
Siguro nagtataka na kayo no? Sige, explain ko na ang kaganapan. Si Jackson F. Carpio, aka “Jackie” daw para sosyal at girl na girl, ay isang irregular student na classmate namin sa ilang subjects namin. Yes. He’s gay. Pero wag ka! Isa syang disenteng bading! Mga close friends niya lang ang may alam ng tunay na kulay niya. Marami ang hindi nakakaalam na bading sya. Classmate na namin siya sa ilang subjects namin since last year at samin sya nagsasa-sama lagi kaya naman close na kami ng mga bebs ko sa kanya. At kaya rin naman alam na namin ang colorful nyang pagkatao. Close friends lang din nya ang tumatawag sa kanya ng Jackie kaya natatawa na lang kami kapag tinatawag siyang Jackson ng ibang tao. May jetlag ang lola nyo dahil galing pa sya sa Canada to spend time with his mom na matagal na niyang hindi nakakasama. Caregiver kasi doon ang mommy nya at katulad ko eh separated din ang parents nya. So ayun nga, bakasyon galore ang luka! Sembreak kasi nung umalis sya, meaning, October pa nun at ngayon lang siyang November bumalik! Actually in a week nga eh December na! Ang dami na niyang namiss na academic activities. Pero okay lang yun kasi kaya pa namang mahabol yun unlike sa time with his mom. Okay lang naman yung mag-sacrifice muna sa academics para sa mommy mo na matagal mo ng hindi nakakasama diba?
So there, wala ang prof namin sa first subject kaya patuloy lang ang kwentuhan namin.
“Bakla ang tagal mong nawala, ang dami mo ng namiss!” --- Zarah
“Madami nga, pitong tao! Taruuuuuuush! Miss na miss ko kayong mga bruha kayo!” sabi nya at saka kami pinagyayakap. Niyakap din naman namin sya.
Babae ang turing namin sa kanya kasi babae rin naman ang turing nya sa sarili nya.
“Tama na yakap baka ma-tomboy na kayo sakin!” sabi niya.
O diba? -__________- Girl na girl sya eh.
“Sama ka samin mamaya sa mall, Jackie! Bibili kami ng pang regalo!” --- Lea
Ay oo nga pala! Napagdesisyunan nga pala namin ng mga girlfriends ko kahapon na bumili ngayong araw ng gift para sa Birthday ni Sir Darrel sa weekend. Tinanggap na kasi namin yung paanyaya ni Sir samin kahapon, since wala rin naman kaming importanteng gagawin sa weekend.
“Ay oo nga, sama ka!” --- Lucy
“Pang regalo kanino? Jusmiyo Marimar! Excited sa pasko mga teh?!” --- Jackie
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Fiksi RemajaA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?