"Hoy Jen. Tulala ka nanaman." pakli ng aking katrabahong si Ynna.
Lagi na akong natutulala simula ng magbreak kami ng 5-year long bf ko na si Chris.
Its been 3 weeks since the break-up. Puro na lang daw kasi ako trabaho at hindi ko na siya inaasikaso. After that, pinuntahan ko siya sa unit niya. Ipinagluto ng agahan. Lahat. Ipinagpainit ng pampaligo. Pero pagkakita niya sa akin, nag-lock siya sa kwarto. Nagtext pa siya sa akin na hindi siya lalabas hangga't hindi ako umaalis. Wala akong nagawa. :(
Hindi na ako bumalik doon. Siguro nga oras na para mag-move on.
Pero hindi ko kaya. Mahal ko talaga siya.
Ako nga pala si Jen, 21 taong gulang. Nagtatrabaho sa isang Jewelry Shop. Balingkinitan ang katawan, may bilugang mata, hindi katangusang ilong, maputi, mahaba at brown na buhok, kilay na parang laging nagsusungit, at dalawang malalim na biloy (dimples). Ako na kasi ang bumubuhay sa 2 kapatid ko, si Jill at Joren, pagkatapos mamatay ni mama at papa. At eto, trabaho na naman.
*Ding! Tumunog ang windchime pagbukas ng pinto ng shop.
Isang lalaking matangkad, medyo may kaputian, medyo bilugan, singkit ang mata at may magandang ngiti ang pumasok.
"Goodmorning sir!" Bati namin ni Ynna.
"Hi Goodmorning. Pwede nyo ba akong pakitaan ng magandang regalo para sa girlfriend?"
Pinakitaan namin sya ng mga bracelet, kwintas. At sa huli, kinuha nya ang singsing na may disenyong "infinite". Binayaran nya iyon at umalis na.
6:00PM- Closing time.
Naglalakad ako pauwi at may nadaanan ako lalaking umiiyak. Nang titigan ko syang mabuti, napagtanto ko na sya yung bumili ng infinity ring kanina. Hawak-hawak nya pa ang kahon nun.
Napansin nya akong nakatingin at agad pinahid ang mga luha. Inabutan ko sya ng panyo.
"Sir, sorry po ha. Pauwi na po kasi ako tapos nakita ko kayo...." - Pasensya ka na rin sa eksenang naabutan mo. Hindi ko na lang kasi kinaya eh. Salamat pala rito. Ako si Dennis. Pinilit nyang ngumiti sa akin.
Hindi ko alam kung anong pwersa ang humila sa akin para magpakilala din at umupo pa sa tabi nya. "Ako po si Jen." "Wag ka na mag-po sakin, Dennis nalang ang itawag mo.
"Ano ba ang nangyari Dennis?"
"Yung girlfriend ko kasi... Ex-girlfriend na pala. Buntis sa ibang lalaki. Ngayong 5th anniversary pa namin ko nalaman." Nabubuo nanaman ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Naiintindihan kita, 5 years narin kami ng ex ko. At nakipaghiwalay sya sakin. Dahil masyado na raw ako sa trabaho at wala ng oras sakanya." anas ko.
"Halika, may alam akong lugar kung saan pwede tayong magsaya. Kahit iniwan tayo ng mga mahal natin." sabi ni Dennis. Hindi ko alam kung bat magaan ang loob ko sakanya't sumama ako.
Pumunta kami sa isang bar. Umorder si Dennis ng alak at pulutan. Lumipas ang gabi, nakarami ako ng inom. Umiikot na ang paningin ko. Ang natatandaan ko na lamang ay tawa kami ng tawa ni Dennis habang naglalakad. Pero bakit ganito, parang hindi lang basta saya ang nararamdaman ko? Sana lasing lang ako.
[ I T U T U L O Y ]
Yo. Sana magustuhan nyo 1st story ko yan dito. Abangan nyo nalang yung kasunod. :)
- xoxoSiopaooo♥