Takot

36 0 0
                                    

Takot

Bawat isa sa atin maraming kinatatakutan. Takot sa mga bagay gaya ng manika at kung ano ano pa.  Sa mga hayo o insektp gaya ng gagamba, ipis,  daga at marami pang mga nilalang na ayaw natin nakikita at nadidikit sa atin.

Pero ako?  Iba yung akin.  Hindi ako takot sa kung ano mang bagay o hayop..  Takot akong maging masaya.  Yung saya na parang mararamdaman mo talaga na nasa langit ka,  mararamdaman mo na parang lumulutang ka.  Nakakatakot kasi alam mong bukas o makalawa may mga pangyayaring magdudulot ulit ng luha.  Mga luha tutulo na lang sa iyong mga mata sa tuwing hindi mo na kaya.  Mga luhang magpapahiwatig na masakit na talaga at kailangan mo na siya.

Natatakot akong makarinig ng mga pangako galing sa iba,  kase baka mapako lang ito gayabng nga salitang binitawan niya.

Natatakot akong makitang kasama mo siya, Siya na ipinalit mo sa akin.  Natatakot ako kase baka umalingawngaw nanaman sa aking tainga ang mga katagang " wala na tayo kase merong kayo".

Natatakot akong magsalita at baka mali ang masabi ko at hindi ko na maitama. Gaya ng mga sinabi ko sayo na " Di ko alam". Tangina anong klaseng sagot iyon diba?  Kaya nga malamang sa malamang nasaktan ko siya. 

Natatakot akong umiyak kase baka maubos na ang aking mga luha at hindi ko na muling mailalabas ang sakit na nadarama. 

Natatakot akong tumingin sa iyong mga mata dahil baka sampalin ako ng mga salitang ipinahihiwatig ng mga mata mo  na .."Mahal ko siya" Oo siya na ang mahal mo at hindi na ako.pero hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal ko sayo. 

Natatakot akong marinig ang nga salitang "Hindi na kita mahal" na galing mismo sa iyong bibig.  Kase hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na hindi na ako alam mo kung bakit?  Kase mahal kita. 

Natatakot akong kausapin ka ng harap harapan at sabihin lahat ng ito.  Lahat ng nararamdaman ko.  Natatakot ako na baka kapag narinig mo lahat ng hinanakit at nararamdaman ko,  wala pa ring magbago na baka umabot sa puntong umiyak na ako pero hindi mo pa rin kayang mahalin ang tulad ko. Na baka kahit maiyak pa ako ng dugo at lumuhod sa harap mo eh siya pa rin ang pillin mo at iwanan mo lang ako. 

Pero mas Natatakot ako na lumipas pa ang mga araw na ganito pa rin kaming dalawa,  ganito pa rin tayong dalawa, na lumipas pa ang mga araw na sila pa rin ng babaeng ngayon ay mahal niya. Na lumipas pa ang mga araw na wala pa ring magbago sa nararamdaman niya.

Kase baka lumipas yung mga araw na ganito na lang talaga tayo.  Kasing tuyo ng lantang dahon kung magusap man.  Kasing dalang ng paglitaw ng bahaghari kung maging magkasama. Kasing lamig ng yelo ang pagtingin mo sa akin. At ayokong mangyari lahat nang nabanggit ko.  Natatakot akong mangyari lahat ng iyan. 

Natatakot akong umabot sa punto na bigla nalang natin lisanin ang mundo ng isat isa.

Mahal kita,  mahal na mahal kita.  Iyan ang katagang nagpapawala sa lahat ng takot ko. 
Siguro, Hindi, Sigurado akong sapat na dahilan na ang mahal kita para hindi ako matakot,  para harapin ko ang lahat kahit ano man ang mangyari, lumaban kahit sumuko kana, kumapit kahit matagal ka nang bumitaw kase mahal na mahal kita,  sobra.

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon