x. puzzled

18 0 0
                                    


Tahimik ang dalawa ng makapasok sila sa sasakyan. Ilang minuto na silang walang imik na dalawa dahil sa mga nangyare kanina. Tanging hinga lang ang maririnig sa loob ng kotse.

8pm na at madilim na sa labas. Hindi na maisip ni Prima kung hinahanap na siya sa kanila at ang tanging nasa isip niya ay ang nangyare kanina kanina lang.

Si Jello... nakita 'yun ni Jello.

hindi maiwasan ni Prima na madissapoint sa mga nangyare. Nadidissapoint din siya sasarili niya dahil affected pa din siya. Ano naman kasi'ng pakielam ni Jello kung naglalapan kami ni Ares sa harapan niya diba?

Pero para sa kanya para'ng mali pa din ang mga nangyare. Hindi niya alam kung kanino siya maiinis.

"Prima, iniiwasan ko lang na magkagulo sa loob sana maintindihan mo 'yun." seryoso'ng saad ni Ares at pinaandar na ang kotse.

Nagets naman agad ni Prima kung ano ibig sabihin ni Ares. Gets niya na ginawa niya iyon para hindi na makalapit pa si Jello sa kanya at magkagulo pa sila ni Lyn sa loob ng bar pero hindi niya ma gets ay bakit concern si Ares.

Hay nako tangina ayoko na mag isip. Halik lang naman 'yun eh...

Hindi na nagsalita pa si Prima at si Ares at nanatiling tahimik ang dalawa. Nakatingin lang sa bintana si Prima habang nililibang ang sarili at 'wag na isipin ang mga nangyare.

Nang makarating na si Prima sa tapat ng bahay nila ay bumaba agad siya ng kotse. Bubuksan na sana niya ang gate nila ng bigla siya'ng taeagin ng kapitbahay nila.

"Nako neng, Hindi daw makakauwi ngayon si mama mo. Wala daw kaseng masakyan na bus kaya bukas na lang daw uuwi amg mama mo." sabi sa kanya ng kapitbahay nila.

Napatango na lamang si Prima at nagpasalamat sa kapitbahay nila. Napansin niya'ng nasa likuran pa pala niya si Ares at hinihintay na makapasok siya sa kanila.

Napasandal siya sa gate nila at tinignan si Ares na nakasandal sa kotse niya at nakatingin din sa kanya. Nag alinlangan na ngumito si Ares kay Prima.

"Gusto mo ng ramen?" alok ni Prima kay Ares. Tumango naman na para'ng bata si Ares at tumakbo agad sa harapan ni Prima.

Pagpasok nila sa loob ng bahay nila Prima ay binuksan niya ang Aircon pati ang tv para kay Ares. Umupo si Ares sa sofa niya at prenteng nanood ng tv.

napabuntong hininga na lamang si Prima ng makota ang ikinilos ni Ares. Para daw kasing bata kung kumilos ito. Naalala niya tuloy ang kuya niya na mas matanda sa kanya pero mas bata kung kumilos kumpara sa kanya.

Nagsimula ng magpakulo ng tubig si Prima para sa ramen nila. Habang nagpapakulo siya ng tubig ay nagbihis muna siya ng shorts at manipis na damit.

Pagkababa niya ay nakita na lamang niya na si Ares na ang nasa kusina nila at hinahalo ang ramen na kumukulo kulo pa.

Napansin din niya na hindi na nito suot ang makapal niya'ng coat at ngayo'y naka tshirt na lang ito ng manipis at ripped jeans.

Napa isip naman si Prima na nagmukha ito'ng hot sa paningin niya. Maganda kasi ang hubog ng katawan nito.

Tangina kamanyakan mo nanaman Primatine...

"Luto na po ang Ramen mahal na reyna!" pagbibiro ni Ares at inilapag ang bowl ng ramen sa lamesa.

"Iihhhh! Rameeeen!" nakangiting saad ni Prima at hinigop agad ang ramen na nasa bowl niya.

Napangiti ng wala sa oras si Ares ng makita niya ang ngiti ni Prima. Ngayon lang niya nakita ang ngiti nito na may kahulugan.

"ngumiti ka na lang palagi. nakakaganda 'yun." sabi ni Ares sa kanya.

"bakit? panget ba ko?"

"cute ka. hindi ka pangit." nakanguting saad ni Ares sa kanya at huimgod sa ramen niya.

Napatawa na lamang si Prima at nilantakan niya ang ramen niya. Naalala niya tuloy ang kuya niya pag kumakain sila ng ramen.

"Alam mo ba 'yung kuya ko, pag kumakain kami ng ramen nagpapa unahan kami tapos ang matalo bibili ng milk sa 7/11." pagkwento ni Prima at natigil si Ares sa pagkain ng Ramen ng mapansin na naging madaldal si Prima.

"May kuya ka?" tanong ni Ares.

"oo kaso nasa heaven na siya." napatango tango na lamang si Ares sa sinabi ni Prima.

"Kaya ikaw mag iingat ka ah, uso hazing ngayon." sabi ni Prima.

2 years ago ng mawala ang kuya ni Prima ng dahil sa hazing. Uuwi pa lamang kasi ang kuya niya galing sa school ay sinalubong ito ng isang grupo ng frat at pinagbubugbog ang kuya niya sa pag aakalang kasama sa isang frat ang kuya niya.

simula noon, natuto na si Prima maging malamig sa tao dahil pakiramdam niya kulang na ang pagkatao niya.

"sorry nga pala ulit." sabi ni Ares sa kanya.

"halik lang 'yun." Nakangiting sabi ni Prima na siya'ng ikinagulat ni Ares.

"So pwede natin ulitin, ganun?" pilyong sabi ni Ares at inirapan naman siya ni Prima.

"May napapansin ako sayo, kung humalik ka parang first time mo lagi." pangangasar ni Prima. "Ayy oo nga pala, First time mo lang pala talaga!" hirit pa ulit nito na siya'ng ikinainis ni Ares.

Sa isip isip ni Ares ay totoo 'yon. Totoo naman na first kiss niya si Prima pero hindi naman niya intensyon na halikan si Prima pero nakakahiya pa 'din para sa kanya iyon at baka ipagkalat pa iyon ni Prima sa iba.

"So nagka first kiss ka na before?" tanong ni Ares. Tumango naman si Prima. Jusko, sa kaka-walwal niya ay hindi naman maiiwasan na may lalaki siya'ng nahahalikan pero hindi niya din naman gusto 'yun dahil wasted siya sa mga panahon na 'yun.

sabi nga ni Prima, nalalasing siya pero pagdating sa ganyan nakakaramdam siya.

Natapos na ang pagkain nila ng Ramen ay hindi pa rin matapos tapos ang pangangasar ni Prima tungkol sa way ng paghahalik si Ares. Halata na ang pagkapikon ni Ares kahit patawa tawa pa ito.

"May potential naman eh, hindi lang talaga skilled." Hirit ni Prima na ikinapintig ng tenga ni Ares.

"Eh ano gusto mo? halika dito, turuan mo ko!" napangiwi na lamang si Prima sa narinig niya. Para daw kasi itong manyak na nag aaya ng batang makakama. kadiri.

"Gago ka ba? Hanapan kita pokpok sa labas dun ka magpaturo!" Pangangasar ni Prima na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan nila. Hihirit pa dalat siya ulit naramdaman niya na may nakadikit na sa likuran niya.

"Iniinis mo ba ko?" bulong ni Ares sa kanya na nagpataas ng balahibo niya. Ayan sige mangasar ka pa ulit ha!

dinapo ni Ares ang kamay nito sa bewang ni Prima at pinaharap ito sa kanya. Gulat na gulat si Prima sa aksyon ni Ares sa kanya at para'ng alam na niya kung ano mangayayare.

"Di na kita aasarin uy ha-haha..." nag aalangang sabi ni Prima pero nilapit ni Ares ang mukha nito sa kanya.

"Dapat naisip mo 'yan kanina pa." sabi ni Ares at dinampi ang labi nito sa labi ni Prima. Sinagot naman ni Prima ang bawat halik na ibinibigay ni Ares sa kanya.

Pinulupot naman ni Prima ang mga kamay nito sa likuran nito at nilapit pa lalo ang mga katawan nila sa isa't isa na tila ba gustong gusto nilang dalawa ang kanilang ginagawa.

Nakahawak na ang mga daliri ni Prima sa dulohan ng shirt ni Ares ng bigla na lang sila makarinig ng katok sa pinto.

"Mamshieee! Buksan mo 'to may dala ako'ng empi!"

EmpilightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon