THE SECOND FALLNaglakad na ako pabalik sa classroom. Bubuksan ko pa lamang ang pintuan ay bigla na itong bumukas. Hinanda ko ang sarili kong matamaan ng pinto pero nang malapit na akong matamaan ay bigla na lamang may humila sa braso ko at nilayo ako sa pintuan.
Bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga lalakeng kaklase ko. "Oh, shit! Sorry, Rem! Ihing-ihi na kasi ako, ang tagal mo kasi, eh!" tugon nito at tumakbo na papunta sa CR.
Binalewala ko ang paumanhin nito. Nalipat ang atensyon ko sa lalakeng hanggang ngayon ay nakahawak pa din sa braso ko. Nagtama ang paningin namin at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino ito.
"A-aris?" Gulat na naitugon ko habang nakatingin sa kaniya.
Napansin kong bumaba ang bangs niya at bumagay ito lalo sa kaniya. Natakpan ng kaunti ang mga mata niya ngunit nakikita ko pa din ang pagkislap nito.
Bumitaw siya sa akin. Pinasadahan niya kaagad ng palad ang kaniyang buhok. Nakita ko ng buo ang mga mata niya at bigla na lamang siyang ngumiti sa akin at binuksan ang pintuan para sa akin.
"Ms. Rem, pasok ka na." Nakangiti nitong tugon habang hawak-hawak pa din ang pintuan.
Kumunot ang noo ko, "Bakit nasa labas ka?" nagtatakang tugon ko rito.
Nagkibit-balikat siya, "Nahihiya akong pumasok mag-isa kaya hinintay kita." simpleng sagot nito sa akin, animo'y normal lang ang ginawa niya.
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Hindi ka naman baliw, ano?" tugon ko sa sarkastikong tono.
Humalakhak siya at umiling, "Ikaw lang kasi ang kilala ko."
Nagkibit-balikat ako at tumango, "Okay, fine. Halika." sabay tulak ko sakanya papasok sa silid.
Nakuha agad namin ang buong atensyon ng klase. Hanggang ngayon pala ay wala pa ang teacher. Pffft. Milagro nalang yata kung dumating 'yun.
Napalingon ako kay Aris. Ngayon ay nakababa na naman ang bangs niya, natatakpan ang brown na mata niya. Napalingon din siya sa akin at agad din niyang pinasadahan ng palad ang kaniyang buhok.
"Sino 'yan, Rem?" Biglang tanong ni Rie.
Napagtanto kong nakahawak pa din ako sa likuran ni Aris. Agad akong nakaramdam ng hiya at tinanggal na ito kasabay ng pagtingin ko sakanya, senyas na magpakilala na siya.
Tumango siya bilang sagot, "Aris Rivan.. Transferee ako. From St. Emilion." tugon nito at bakas ang kaba sa kaniyang mukha.
"Pogi, shet!" Narinig kong tugon ng mga kaklase kong babae.
Natawa nalang ako dahil nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Aris.
Tumayo si Ellise, "Ako ang Presidente ng klase. Ellise Julios. Doon ka nalang maupo sa tabi ni Rievel, 'yun lang kasi ang bakante." sabay turo niya sa katabing upuan ni Rie.
BINABASA MO ANG
The Art of Falling (COMPLETED)
Historia Corta(BIF BOOK 2) Now that everything has changed. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakalito. Nakakabaliw. Ano na ang gagawin ko? May mga bagay na bumalik, mga bagay na nawala, mga bagay na biglaan na lang dumating, pero tatanggapin ko lahat. Ang saki...