Paalala (lol)
Baka may typo at wrong grammar hahaha
--------
"Ano bang pumasok diyan sa utak mo at pumayag ka sa alok ng matanda ha Ellena?"
Pagkasabi kong papakasalan ko ang apo ng matandang tinulugan ko sa daan kahapon nagalit ng bongga si bespren huhuhu namali ba ako ng desisyon? Gusto ko lang naman makatulong kay Papa.
"Gusto ko lang naman kasing makatulong--"
"Pero hindi sa ganyang paraan Elle. Hindi mo nga gaanong kakilala 'yong tao e."
"Alam ko naman yon e. Pero may hindi ako maipaliwanag e basta nandun yong feeling na ang laki ng tiwala ko at nasisiguro kong hindi ako mapapahamak sa alok na kasal na yon. May ganung feeling kasi bes."
"Bwisit na pakiramdam mong yan. Bwisit talaga."
"Wala ka bang tiwala sa kin Yanni?"
"Wala! Isip bata ka, halos hindi mo nga seryosohin ang ibang bagay, ito pa kaya? Sa tingin mo magtitiwala ako sa'yo? Kilala kita Elle."
Grabe naman siya sa isip bata. May pagkakataon lang naman na ganun ako e.
"Yanni naman, trusting me bespren."
"Trusting mo mukha mo. Ayusin mo nga pananalita mo, baliw!"
Baa, sumusobra na siya huhu mapang api 'to minsan e.
"Maayos naman ah."
"Leche--"
"Flan ba 'yan? Hehe"
"Lul ka. Sasama ako sayo pag mag uusap kayo ng matandang yon. Kelan kayo magkikita?"
"Hindi ko pa alam, hindi pa ako tinetext o tinawagan ni Lolo Adamos."
"O sya sige, pag kinontak ka nung matanda sabihin mo kaagad sa kin. Maliwanag ba Elle?"
"Salute! Yes Ma'am."
"Wag mo akong maganyan ganyan Elle, seryoso ako."
"Bakit? Seryoso din naman ako ah. Di nga lang halata hehehe"
"Baliw. Kelan ka ba kasi mag mamatured ha?"
Anong matured ang pinagsasasabi nito? Ano'ng konek? Bahala siya
"Wala sa matured-matured yan bes, nasa sitwasyon yon kung panu mo madadala."
"Anong klaseng sagot yan? Makaalis na nga late na ako sa trabaho ko."
"Okay. Ingat U muah."
"Yong sinabi ko ha, kontakin mo ko pag nag text o tumawag na sa'yo. Kuha mo?"
Bossy tss
"Oo nga sabi Ma'am"
Pag kaalis ni Yanni naglinis ako ng bahay (lol) mga isang oras bago ako natapos. At dahil wala na akong magawa pagkatapos, naisipan kong manood nalang ng One Piece hahaha naeexcite talaga ako bawat episode.
Hindi ko namalayan ang oras, alas tres na pala? Ang lupet ko din ah wala pang kain pero 'yong kuryente talaga lagot ako hahaha pero ngayon lang naman e.
Chinek ko cellphone ko at walang text o tawag galing kay lolo, baka nagbibiro lang siya kahapon itsura palang niya e mukhang nangtritrip lang e tsaka naisahan ako dun. Di bale ayos na rin hindi kasi ako mapakali sa kasal kasal na iyan baka mapahamak pa ako pero lintek ngayon ko lang naisip na napakadelikado nga ng naging desisyon ko kaya hindi ko talaga masisisi si bespren.
Makaligo na nga ng makabili ng pagkain at ice cream sa mini grocery malapit sa kanto biglang nag crave sa ice cream heheh
Katapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng bahay at naglakad. Kainis hahaha akala ko mapalit lang pero medyo malayo pala dapat sumakay nalang ako.
Pagkapasok ko sa mini grocery, ang haba ng pila besh EW PEOPLE lol ayoko minsan sa mataong lugar e.
Ice cream nalang bibilhin ko pero ang haba ng pila baka pag nasa cashier na ako e matunaw na yung ice cream ko tsk
Ayy teka wait lang hahaha malapit lang pala sa cashier ang ice cream, matingnan nga kung anong flavor ang mayron sila. Chocolate, Strawberry at Mango? Wala bang ube rito? Tsaka hindi ko rin gusto yung ibang flavor nila. Wala akong choice kundi yung chocolate nalang kesa naman sa wala akong makain na ice cream haist makapila na nga ng makauwi agad.
Mag aalas kuatro na. Bakit kasi yung ibang cashier e hindi open. Ang bagal pa ni ateng huhuh
Sa wakas for 20mins malapit na ako kay ateng cashier. Yehey!
"Miss, I'll take this."
Aba't may sumingit pa talaga. Bwisit na 'to.
"Teka nga kuya, uso pila. Ba't hindi ka pumila sa likod?"
Kunot noo akong tinignan ni kuya matching I-don't-care-what-you-are-saying-woman look. Wow naman ang galing akala mong kung sino.
"Nako, okay lang. Hindi naman ako nagmamadali e."
Bi*ch please porke't gwapo pagbibigyan niya na agad? Mga babae nga naman.
"Pwes, nagmamadali ako miss."
Tinignan rin ako ni ateng malandi ng isang manahimik-ka-chance-ko-na-to look. Hmmp kainis
"I badly want to buy these stuff, something happened. And it seems like you're only standing there." Loko 'to ah! Sapakin kaya kita?
"Malamang nakatayo ako dito kasi nakapila PO ako."
"Malay ko bang trip mo lang. Wala ka namang hawak na kahit ano."
Bwisit ka. Pag ako di nakapagpigil susuntukin ko talaga 'tong antipatikong lalaki na nakatayo sa harap ni ateng malandi, bwisit siya.
"Kaya hindi ko hawak, malamang mahaba ang pila kanina, so paghawak ko yung ice cream at nakapila ako edi tunaw na 'yon kuya. Magisip ka nga."
Mga ilang segundo rin akong tinitigan ni kuyang antipatiko tapos...
"Wala akong pakialam. Ilan lahat miss?"
Ang kapal niya talaga bwisit
"350 po lahat."
"Keep the change." Yamannn tsk
Paalis na siya ang sama ng tingin niya sa akin akala niya naman hindi ko siya gagantihan ng masamang tingin tsk
"Thank you, sir." ANG GWAPO MO SANA KASO NAPAKA ANTIPATIKO MO! KAKAINIS KA!
Ako na sunod sa pila. Kunin ko na yong ice cream ko.
"200"
"Okay. Salamat."
Finally! Hello, Ice Cream. Heheh hindi halatang nabadtrip ako kanina lol makauwi na nga.
"Oh, saan ka galing? At ano 'yan?"
"Ang aga mo namang umuwi ngayon?"
"Tss. Hinintay ko text mo. Akala ko sasamahan kita dun sa matandang umalok ng trabaho sa'yo."
"Tungek hindi ako nakipagkita kay lolo noh, bumili lang ako ng ice cream sa mini grocery."
"Hindi ka pa kinontak?"
"Hindi e. Atsaka hayaan na natin baka nagbibiro lang 'yon."
"Okay. Anong flavor ng binili mong ice cream?"
"Tss chocolate, kainis dun walang ube :("
"Ikaw lang ata mahilig sa ube. Hahah"
"Ewan ko sayo."
"Nga pala, Nagkita kami ni Eric kanina tawagan mo raw siya mukhang may importanteng sasabihin e."
"Bakit hindi siya ang tumawag?"
"Ewan ko sa kanya."
Nakakainis edi magpapaload ako neto. Ano namang kaya ang kailangan nun? Siguraduhin niya lang na hindi masasayang yong load at effort ko hahaha
-----------------
After one year, ngayon lang nag update hahaha medyo busy sa Acads last year lol ~
Enjoy! Kamsa~ 😊
BINABASA MO ANG
Her Concealed Lie (On-hold)
RomanceMarriage for convenient. Ayaw ni Moris na magpakasal sa taong hindi niya mahal. Pero, dahil sa kanyang magiging mana napilitan siyang pakasalan ang babaeng kinaiinisan niya. Kaya titiisin niyang pakisamahan ang magiging 'asawa daw' niya para sa pera...