Bakit kaya sa buhay ng isang tao may mga pagkakataong ang isang hindi mo inaasahang mangyayari ay nagkakatotoo?
Sabi nila.
“Imposibleng magkatuluyan ang isang mayaman at mahirap parang pinagtagpo ang langit at lupa.”
Ang sabi ko naman.
“Walang imposible sa dalawang taong nagmamahalan. Guguhitin nila sa palad ang kanilang sariling tadhana.”
Halimbawa ang pagkakatagpo naming dalawa ni Ivan Fuentes.
Sino ba naman ang mag-aakalang magiging boyfriend ko ang sikat na artistang iyan? Paano nangyaring ako ang pinili niya sa lahat ng mga babaeng humahabol sa kanya? May natatago ba akong kakaibang ganda? Gamit na gayuma o salamangka?
Ako ay simpleng babae lang, hindi kagandahan ang itsura, hindi magara kung manamit, hindi rin maarte sa katawan at kahit na gustuhin ko wala rin naman akong ipambibili nito. Mahirap lang ang pamilya namin.
Bago ko siya naging boyfriend matagal ko ng hinahangaan si Ivan. Palagi kong pinapanuod ang kanyang mga pelikula, tv shows, guestings, maging sa radyo at tabloid hindi ko pinapalagpas na malaman ang lahat ng balita tungkol sa kanya. Nabili ko na rin lahat ng mga albums niya, napakinggan lahat ng mga kanta at manood ng mga concerts. Ganyan akong klaseng ka diehard fan niya.
Ano bang meron si Ivan? tanong ng marami.
Bakit hinahangaan at kinababaliwan siya ng mga kababaihan kabilang na ako?
Nagumpisa ang paghanga ko sa kanya nang isang beses.
JS Prom day, buwan ng Pebrero, araw ng mga puso, alas-siyete ng gabi, nagsasayawan ang mga magkakapareha. Heto ako sa isang sulok, kasama ang mga kaklase ko, tumitingin sa mga sumasayaw, pinag-uusapan kung sino ang mas bagay na magkapareha, kung sino ang mukhang gatas at kape, kung sino ang magkakaanak ng tiyanak kapag sila ang nagkatuluyan.
“Yun o mukhang ipis!”
“Asan?”
“Yung nakared dress na parang ahas na nakapulupot sa kapareha niya”
“Yaaaks kadiri!”
Well walang magawa kaya nakisali na rin ako sa kwentuhan. Sa totoo lang naiinggit ako sa kanila, sa mga sumasayaw sa sweet music. Wala man lang lumapit at nakapansin sa beauty ko.
Sabi ko sa mga kaklase ko “Dahil kaya manilaw ang kulay ng sinuot kong puting gown at ang sa iba ay puting puti?”
“Mag-Tide ka na kasi anong sabon ba ang gamit mong panlaba?” sagot ng isa.
“Loka! Hindi na puputi iyan... dahil panahon pa ng lola ko sinuot na niya yan sa JS Prom nila.” Sabi naman ng isa.
“Tumigil ka at masasabunutan kita diyan!” sabi ko sa kanya.
Habang kami ay nag-uusap.
Sa madilim na sulok, may isang lalaking parang modelong naglalakad na pumunta sa aming kinalalagyan. “Sino yan?” tanong ko. Hindi ko mamukhaan ang lalaki hanggang sa unti-unting makalapit. Isang matangkad, guwapo at nakangiting lalaki ang tumambad sa amin. Nakasuot ng polo shirt long sleeves, slacks, formal shoes at rolex (watch).
Lumuhod siya sa harapan ko gamit ang kanyang isang tuhod, hinawakan ang kanang kamay ko at sinabing “Will you be my date tonight?”
Waaaaat? “Ate pakiulit ano raw?” Sabi ko sa katabi ko.
“Will you be my date tonight daw” ang sabi naman niya. Tumingin ako sa lalaki “Will you be my date tonight?” paulit na sabi niya.
Shocks! Ano itong nangyayare? Nananaginip ba ako? Kung ito ay isang panaginip ayaw ko nang magising! Hmmm mukhang dialog ito ng isang artista sa isang pelikula ah.
“Yes na yes!” :) ang sagot ko bago pa man magbago ang isip niya.
Akala ko nasa ulap na akong lumilipad pero...
badtrip biglang sumigaw ang lalaki “Ikaw ay nasa Prank Show!”
Kamalas namang buhay oo minsan lang mayayangmagdate ng isang guwapong lalaki ginawa pang candid camera ang romantic moment namin.
Nagkagulo sa JS Prom matapos marinig ng mga tao ang sigaw ng lalaki. Nagtinginan sa amin ang lahat ng mga nanduon. Bumukas ang ilaw at umakyat ang MC sa entablado, tinawag ang guwapong lalaki at ipinakilala sa mga nanduon. Nagtilian naman ang mga babae. “Heto po si Ivan Fuentes ng Prank Show pumunta siya sa school natin para handugan kayo ng isang awitin.” Lalo pang lumakas ang tilian ng mga babae nang mag-umpisa na siyang kumanta.
King And Queen Of Hearts
We're the king and queen of hearts
Hold me when the music starts
All my dreams come true
When I dance with you
Promise me you're mine tonight
I won't wait in line tonight
While the lights are low
I'll never let you go
Did I dream that we danced forever
In a wish that we made together
On a night that I prayed would never end?
No it's not my imagination
Or a part of the orchestration
Love was here at the coronation
I'm the King and
You're the Queen of Hearts
Sa saliw ng tugtog at kanta ay nagsayawan uli ang ilang magkapareha.
Sa pamamagitan ng Prank Show unang nagtagpo ang landas namin ng artistang si Ivan Fuentes.
(Bago pa langgamin ang istoryang ito ay isasara ko muna dito. See you next week for the next update chapter 1) ^__^
KINDLY COMMENT VOTE SHARE TNX!
BINABASA MO ANG
The Famous Jerk
Teen FictionBakit kaya sa buhay ng isang tao may mga pagkakataong ang isang hindi mo inaasahang mangyayari ay nagkakatotoo? Sabi nila. “Imposibleng magkatuluyan ang isang mayaman at mahirap parang pinagtagpo ang langit at lupa.” Ang sabi ko naman. “Walang imp...