Chapter 7

31 6 0
                                    

Note:

Hi everyone,

I just want to thank all of you who appreciate the story of Jolina and Carl.

But I'd really appreciate if you would vote. And please do follow me.

Will be updating more of this story soon.

Enjoy reading!!!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Sa biyahe ume-echo sa tenga ko ang mga sinabi ni tita Alice. May girlfriend ang napangasawa ko at nagmamahalan sila?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Sa totoo lang wala akong pakialam kung may iba siyang babae. Unang una hindi ko siya kilala. Pangalawa, siyempre hindi ko siya mahal, 'di ko nga kilala e mahal pa kaya.

Pangatlo, mas okay na siguro yun para may dahilan ako para kaagad mapawalang bisa ang kasal namin pagdating ng time na hinihintay ko na pwede na kaming maghiwalay.

Pero... there is something awkward kapag naisip kong asawa ako ng isang tao. Isang tao na may ibang mahal.

Ang asawa ko na ngayon ko lang nakilala ay may mahal na girlfriend.

I don't know, some kind of... pride, I guess? And ownership, I think. Maybe those were the reasons that bugged me about it, I guess.

Kasi di ba asawa nga ako so, habang ako ang asawa dapat walang iba! Bigla kong nausal sa isip ko.

CHEH! Ano ba yang pinag-iiisip mo?Erase! Erase! Erase! Grrr! What the heck am I thinking?! Eeew! Nandiri ako at kinilabutan sa biglang naisip ko.

Si lolo Lorenzo at tatay Angel ay parehas nag-invest noon sa munti nilang naipon sa isang maliit na negosyo ng telahan sa Maynila matapos silang maka-graduate, makapagtrabaho at makaipon.

Sobrang close nila na parang magkapatid na talaga ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa.

Pero nainlove sila sa iisang babae.

Ang lola ko, ang asawa ni tatay Angel. Walang alam si lolo Lorenzo na nagmamahalan ang dalawa at may namamagitan na habang patuloy lang siya sa panunuyo kay inang.

Kaya lang ipinagbuntis ni inang si mama kaya laking gulat niya na si tatay ang ama.

Masamang masama ang loob ni lolo Lorenzo kaya itinakwil niya ang pagkakaibigan nila ni tatay. Umuwi ng Nueva Ecija sila tatay at inang at tuluyan nang nagsama. Nakalimutan na rin niya ang ipinundar na negosyo nila ni lolo Lorenzo. 

Naging empleyado si tatay Anghel habang ilang ulit ding sinubukan na magtayo ng negosyo pero ilang ulit din siyang nalugi, kung hindi naman ay naloloko ng mga naging kapartner niya. Kaya nagtiyaga na lang siyang bungkalin ang sarili niyang lupang pangsaka hanggang sa tuluyan na itong mag-resign sa trabaho at ang huli nga ay nagtayo sila ng lola ng maliit na tindahan ng kakanin at homemade longganisa na ngayon ay si mama na ang nagpapatakbo.

Si lolo Lorenzo naman ay umalis ng bansa habang patuloy niyang ino-oversee ang maliit nilang negosyo noon.

Umuuwi raw ito ng Pilipinas sabi niya sa lolo ayon sa kanilang naging kwentuhan. Umuuwi ito para sa pamilya at negosyo niyang naiwan. Pero ang lahat ng atensyon nito ay nakafocus na lang sa huli.

Nang bumalik si lolo Lorenzo para tuluyan ng mag-settle sa Pilipinas ay kasama na niya ang naging pamilya nito sa America at nagfocus na lang sa pagpapalago ng negosyo. Pero nagpabalik balik na rin siya ng Pilipinas at sa iba iba pang bansa dahil ayon sa kanya nangarap siya ng expansion para sa business nilang iyon.

At nagbunga nga ang pagsisiskap niya. Pero sabi ni lolo kahit masama ang loob niya kay tatay Angel at kay inang hindi niya nakalimutan ang mga ito. Na-miss niya sila ng sobra. At hindi rin nito nalilimutang itabi ang bahagi ni lolo sa ipinundar nilang dalawa. Kaya ngayon milyon na rin ang inabot nito. Di man sing laki ng milyones na meron si lolo Lorenzo ay sapat naman iyon para sabihing mayaman na ang lolo ko.

Matagal na daw niyang napatawad ang mga kaibigan at nangulila siya sa kanilang dalawa kaso hindi niya alam kung saan kami nakatira noon. Mula kasi sa Aliaga ay lumipat kami sa Zaragoza.

Pero hindi mahalaga sa akin ang kayamanan ng lolo. Importante pa rin ang buhay ko na ninakaw nilang dalawa. Wala akong kinalaman sa pangako nila sa isat isa. Pero may magagawa pa ba 'ko? E kasal na 'ko. Kasal sa lalaking unang beses ko pa lang nakita.

Tanging pag-iyak na lang ang pwedeng magsabing tutol ako sa ginawa nilang dalawa.

"Mag-ayos ka na malapit na tayong bumaba. Ayan na ang condo ninyo ni Carl." Narinig ko na lang na bulong ni tita Alice sa akin.

Tumingala ako sa building sa kanang bahagi ko. Mataas at moderno ang disenyo nito.

Nakaramdam agad ako ng lungkot.

At nang makababa na kami ng sasakyan at magsimula nang maglakad sa lobby, bawat hakbang ng mga paa ko ay parang lulubog ako sa bigat ng yabag ko.

It only shows how I am so against to come into this place.

Tutol talaga 'ko sa nangyayari sa 'kin dahil even my feet are disagreeing with the idea.

Ano ba namang buhay ito?!

Gusto kong sumigaw sa galit...

Gusto kong magwala. Gusto kong tumakbong palayo. Gusto kong takasan na lang ang lahat ng ito.

Pero ang lolo, hindi ko kayang ilagay sa panganib ang buhay niya dahil lang naging makasarili ako. Oo pagiging makasarili din ang naging desisyon niya pero, maikli na lang ang taon na ilalagi ng lolo sa mundo hindi ko pa ba pagbibigyan?

Kaunting sakripisyo lang yan, Jolens! Pag-aalo ko sa sarili para pagaanin ang nararamdamang bigat sa loob ko.

One RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon