Marami tayong nakakasalamuha sa ating buhay,sa iyong pag-order ng pagkain sa mamahaling restaurant,pagbabayad mo sa jeep,kapag may nakakabunggo ka.Ngunit sa ating buhay may dalawang pakikisalamuha.
Ang una ay ang pakikisalamuha sa mga taong alam mong aalis rin,alam mong aalis rin siya sa iyong buhay ngunit nakikisama ka pa rin.Sa iyong simpleng pag-order ng pagkain ay isang halimbawa,ang saya-saya mong kausap ang kumukuha ng order,ngunit alam mong sa sarili mo na aalis at aalis pa rin siya.
Parang tatay ko lang,nakasama ko siya sa loob ng sampung taon sa sampung taon na iyon na punong-puno ng saya.Masasayang ala-ala na pwedekong baunin hanggang sa paglaki ko.Mga ala-alang tumatak sa puso't isipan ko na kailanman ay hindi ko malilimutan.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana,syempre sa loob ng sampung taon na kasama ko ang aking tatay ay may mga problemang dumadaan.Natural na sa tao ang problema,kaya kung wala kang problema,mag-isip isip ka na kung...tao ka ba?
Syempre joke lang yun,naniniwala din kasi ako sa mga sinasabi ng mga chismosang kapit bahay namin.'Na kapag mayaman ka daw eh wala kang problema'
Hindi naman kami mayaman pero sakto lang.
Sa sampung taon na iyon ay may dumaan na problema,problema naming pamilya na hindi ko inaakalang haharapin namin.Problemang kapag dumating sa inyong buhay at kapag hindi niyo masulosyunan ay maaaring makasira sa inyo.
Dahil siguro laging wala si mama sa bahay,lagi siyang nagta-trabaho.Halos buong araw siya nandoon,umuuwi naman siya kapag madaling araw na kung kailan tulog na ako.At aalis kapag kagigising ko lang.
Dahil laging wala si mama ay...naakit sa ibang babae si papa.
Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aing gagawin,dahil pareho ko silang naiintindihan.Pareho ko silang naiintindihan sa kanilang sitwasyon.
Ngunit sa huli aypumunta ako kay ama,hindi ko alam kung bakit.
At ang pangalawa naman ay ang pakikisalamuha mo sa mga taong alam mong magi-stay .Syempre karamihan sa inyo ay pipiliin ang pakikisalamuha sa mga taong ganiyan.
Ngunit ibahin mo ang isang khailee.
Mas pipiliin ko pa ang makisalamuha sa mga taong alam kong iiwan nila ako,dahil alam kong iiwan din nila ako.Hindi na ako umaasa pa na sila'y babalik dahil alam kong panandalian lamang ang kanilang pagdating.Atleast,ako may alam na aalis iyong ganong tao.
Kaysa naman sa mga taong sinasabihan kayong magi-stay sa tabi niyo KAHIT ANONG MANGYARI.Magi-stay DAW siya sayo,ah kaya pala.
Kaya pala tuwing wala ka eh may kalandiang iba?
Kaya pala tuwing wala ka eh tinitira ka patalikod?
Kaya pala kapag wala ka eh kung ano anong sinasabing masasama patungkol sa iyo?
Hayxt.
Tama na nga iyan,nakaka-stress.Papangit ako nito eh!
BINABASA MO ANG
Amethyst University
FantasyON-GOING... Amethyst University is a member of 'Circle of Birthstone Universities'.Amethyst University once a happy and the most powerful University back then. But everything changed when their Princess was gone after the Battle decade years ago.The...