Kabanata 20

4 1 0
                                    

Kabanata 20

Singapore

Months ago after that night, wala akong naramdamang Lance, hindi ko na rin nakikita si Zoe, kahit nagpapa late na ako umuwi para tanungin siya kung nasaan si Lance ay wala rin dahil hindi na raw siya pumapasok sabi ni Effraine.

Everyday tinatawagan ko silang dalawa pero ring lang ang tangi kong naririnig. I feel so alone, dahil maging si August ay missing in action na because of his work, recently, nagkaroon ng party ang kanilang pamilya declaring that August is the new CEO of their biggest company.

Naubos ang isang buwan, araw araw ay pumunta rin ako sa opisina ni Lance, walang palya. Pero wala rin siya.

Hanggang ngayon ay ang mga nagtatangkarang building ang kaharap ko, kakagaling ko lang sa school para sa clearance ko, tomorrow is the day, it's our graduation day, Zoe's and mine.

Dumiretso ako ka agad dito para maghanap pa ng isang pagkakataon, na makausap o kahit makita ko lang siya, o kahit si Zoe nalang.

"Hi po, good afternoon, may I know kung pumasok po ba si Lance Ruzzell Tuazon?" sa pagiging desperada ay hindi ko na napigilan ang pagtatanong kay kuyang guard.

"Saglit po maam ha? Magtatanong ho ako sa lobby."

Kinalikot niya ang kanyang walkie talkie at nagtanong sa taong nasa kabilang linya.

"Maam, sino daw po sila?"

"Girlf- ahh, kaibigan po niya." Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko dahil hindi na nga pala ako ang girlfriend niya.

"Ano pong pangalan niyo maam?"

"Tyra Alcantara po." Inulit niya iyon sa kanyang kausap at saka tumango tango na parang iniintindi ang lahat ng mensaheng nakakalap bago lumingon sa akin.

"Ay maam, wala raw ho si Sir Lance e, nasa isang conference daw ho sa Singapore, dalawang buwan raw ho siya doon sabi ho ng sekretarya niya." Parang pinipipi ang puso ko habang sinasabi iyon ni kuya, kaya pala hindi ko siya nakikita, kahit pala mag effort ako ng wagas ay wala talaga siya.

Naiiyak na ako dahil sa sakit at pagod na nararamdaman hindi ako pwedeng umiyak dahil mayroon pa akong bagay na kailangang malaman. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na mag effort ka sa wala, literal.

"S-siya lang po b-ba yung umalis?" hindi ko maituwid ang aking boses dahil hindi na rin tuwid ang palagay ko.

Say something good kuya..

"Ay! Sa pagkakaalam ko ho ay kasama niya si Maam Zoe. Bago po kasi sila umalis ay binilin sa akin ni Sir na kapag may dumating rito na kaklase ni Maam Zoe ay sabihin na kasama niya iyon sa Singapore."

Hindi na ako nabigla sa sinabi ni kuya, pero mas masakit palang marinig iyon galing sa iba kaysa galing lang sa iyong utak.

"Salamat ho kuya." Nginitian ko si manong bago ko siya talikuran, wala nang lumalabas na luha sa aking mga mata, naubos na yata dahil sa tatlumpong araw na pag iiyak dahil sa pagka miss kay Lance.

Let's just say, this is what I get, lumapit na siya sa akin pero ako pa yung tanggi ng tanggi, noon ay pinipilit niya akong kausapin pero patuloy ko siyang tinataboy. Masama ba yung ginawa ko? Masama na bang ipagtanggol yung nararamdaman ko para sa sarili ko? Masama ba yun? Na lumayo ako sa taong may ibang mahal? Tapos yun ay ang kaibigan ko pa?

Hindi ko alam kung saya ba o lungkot ang mararamdaman ko habang iniisip na pagkatapos ng graduation ko ay pupunta ako sa Singapore for two weeks. Saya ba dahil ito na ang simula ng pagta-travel ko at baka sakaling doon ko makita si Lance, makausap, o lungkot ba dahil baka makita ko silang dalawa na magkasama, masaya at naglalabingan sa aking harapan, magkahawak kamay habang naglalakad, binubuo ang araw na walang ibang iniisip kundi sila lamang. Fuck.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon