Christian's POV.
Damn, ang bilis nila nawala pero nasa isa sa mga kwarto lang sila dahil nakita ko pa ang likod nila na pumasok sa isa sa mga kwarto sa second floor, di ko lang sigurado kung saan banda..Fallen's POV.
Isa-isa silang sumugod na isang malaking pagkakamali na ginawa nila ngayon, dahil kada lumalapit sakin ay natatapos ko lang ng walang kahirap-hirap pero kailangan ko paring magtira para sa hokum...Napatingin ako sa likod ng may maramdaman akong presensya dun kaya naman agad ko itong sinipa subalit nahawakan niya lang ang aking paa, sakto namang pagsugod ng isa pa kaya naman ay nilagay ko ang bigat ko sa paang hawak niya upang makasampa sa kanya na napagtagumpayan ko kaya agad kong sinipa ang mukha nito ng free kong paa. Nabitawan naman niya ako at sa paglanding ko ay pinatid ko ang pangalawang sumugod sakin at ng makahiga ito ay agad kong inelbow sa gitnang bahagi ng kanyang dibdib na makakapagpahirap sa kanyang huminga..
Napatayo naman ako agad dahil lima palang ang napapatumba ko at may natitira pang 15..
Kailangan kong magtira kahit lima man lang..Hindi pa ako nakakapagpahinga ay sinugod na naman ako, mga bastos tong mga lokong to.. Tss..
Agad akong pinatamaan ng suntok nung isa kaya naman agad kong umiwas na ngayon ay kaback to back ang braso niya, meron din naman susuntok sakin kaya napahawak ako sa braso nung una at yumuko, ang ending siya ang natamaan nung huli. Agad ko namang pinilit na ipulupot ang braso na hawak ko sa leeg nung pangalawang sumuntok at tinanggal ko ang shoe lace nung isa at ginamit na pangtali upang hindi sila makapaghiwalay..Hinarap ko naman ang natitira pa dahil wala na akong oras, kailangan ko ng matapos toh. Magtu-12 na, kumuha nalang ako ng limang shuriken sa aking sapatos kanina ng hindi nila napapansin, kaya naman agad namatay ang tatlo dahil diretsong noo ang pinuntirya ko, so bali 5 nalang sila.. Dalawang mukhang nakatakas sa ospital at naghihingalo na, then three nice looking guys.. Sayang naman mga itsura nila.. Tsk. Tsk. Tsk.
Sumugod nang muli ang dalawa at natira ang tatlo na akala mo kayang-kaya nila ako.. Unang sumugod ay yung maraming tattoo, may hawak itong throwing knife sa magkabilang kamay kaya pag umaatake ito ay talaga namang umiiwas ako, sakto namang nakisali pa yung isa, papansin ah walang friend..Iwas lang ako ng iwas ng suntukin ako ng isa.. Dahil dun ay natamaan ako sa pisngi na pinaka-ayaw ko sa lahat.. Huminto ako saglit at tiningnan silang lima. Hinahamon nyo talaga ako ha?!
Ako na ang kusang sumugod at nagulat pa nga ang isa sa bilis ko dahil agad kong nasipa ang mukha niya, pagkasipa ko at sinuntok ko pa ito.. Sinipa ko rin ang kamay ng isa pang sumugod dahilan ng pagbitaw nito sa kutsilyo.. Inipakan ko ang dulo ng nalaglag na throwing knife at sinalo ng umangat ito.. Ngayon tig-isa na kami, mas maganda kung ang papatay sa kanila ay sarili nilang sandata..Agad ko namang iwinasiwas ang hawak kong knife na dahilan ng pag-atras nila at ginamit ko na rin yung pagkakataon upang makalapit sa isa at agad itong saksakin sa kaliwang dibdib. Agad na bumulwak ang dugo mula dito..
Pagkatanggal ko ng kutsilyo ay siya namang pag-iwas ko sa akmang pagsaksak din sakin, kaya ang nasaksak nanaman ay yung lalaki..
Habang nakabaon ang kutsilyo ay pinatulog ko na rin tong tanga-tangang toh.."Now, Three vs. One.." Pagharap ko sa tatlo na handa ng lumaban.. Ahh, so kaya pala sila nahuli dahil mukhang may combo sa gagawin nila... Oh okay, nice..
Sabay-sabay na sinugod ako nung tatlo, dahil wala na akong chance umalis sa pwesto ko kaya nagsplit nalang ako para maka-iwas.. Agad ko namang tinukod ang aking mga kamay at inangat ang aking sarili habang nakasplit parin para patirin yung dalawa kaya agad natumba ang Mga into, sabay ko namang ginawa ay ang tumambling at ipulupot ang aking paa sa ulo nung isa, nung akmang sisipain naman ako nung isa dun sa mga napatumba ko kanina, ay nilagay ko sa aking mga hita ang aking bigat at inangat ko ang aking sarili, ngayon ay nakapatong ako sa balikat nung pangatlo habang nakaharap, ngumisi into sabay sabing,
BINABASA MO ANG
Ms. Chen At Your Service. (Agent Series #1)
ActionMeet Christian James Valdez, a 19 y/o guy that's still in high school was engaged to a girl named Cheniah Gustavio. A girl who's really one of a kind. A mysterious type of person.. At first they really hate the existence of each other but like in a...