"Mamshie, alam mo ba may ka-chat na ko sa tinder!" pagmamalaki ni Gwen kay Prima na walang imik habang nakahiga sila'ng tatlo sa kama. Tila ba'y may iniisip ito ng malalim at pati ang mga kaybigan nito ay hindi niya napapansin na kinakausap pala siya.napabuntong hininga na lang si Gwen at tumingin ulit kay Prima, "Mamshieeee!" pangugulit nito at sa wakas ay nabalik na sa reyalidad ang kanina pa'ng tulala na si Prima.
"Ano sabi mo?" tanong ni Prima. Napakamot na lang sa ulo si Gwen at umiling. Mukha'ng wala talaga sa katinuan ngayon si Prima kaya ibabalewala na lamang niya ang kwento niya.
"Wala. Nevermind." sabi ni Gwen at kumalikot ulit sa selpon niya.
Kumibit balikat na lamang si Prima at muling pumasok sa utak niya ang mga nangyare kanina. Pinauwi na agad niya si Ares ng pumasok sa bahay nila sila Gwen at Mae. Sa sobrang pag iisip niya sa mga nangyare sa kanila ni Ares ay tinanggihan niya sa una'ng beses ang Empi lights Long neck ng wala'ng panghihinayang.
Pero tinago niya ito sa drawer niya para incase hehe.
Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o sisimangot pag naaalala niya yung halikan session nila ni Ares. Matutuwa siya kasi di niya alam at sisimangot siya kasi di niya rin alam. In short, mangmang na si mamshie.
It feels so wrong but it felt so good... pagkanta niya sa isip niya ngunit naalala niya na wala naman pala'ng kanta'ng ganon. Ume-eme lang siya.
Samantala, napatingin naman si Mae at Gwen na tila ba nag aalala sa nakatulalang kaybigan niya. Inaakalang iniisip pa din ni Prima si Jello.
Ngunit di nila alam na may iba ng lalaki'ng iniisip si Prima.
Dalawa'ng araw na ang nakalipas ng mangyare na ang gabi'ng iyon. Hindi na niya ito masyado'ng iniisip dahil balik na sila sa normal ni Ares at pati na din ang buhay niya naging normal na ulit.
wala'ng iniisip. wala'ng inaalala.
Naging maayos na 'yung utak niya at mas pinili niya na maging neutral na lang sa lahat. Ayaw na niya mag overthink dahil second sem na nila at kelangan na niya magseryoso ulit sa pag aaral niya.
Si Jello? Hindi na masyado'ng nagpapakita sa isip niya 'yun dahil unti unti na niya'ng natatanggap kung ano sila. Wala'ng sila.
Si Ares naman, inisip niya na normal naman ang lahat sa kanila'ng dalawa. Normal in a way na wala naman siya'ng dapat isipin pa. Nangyare na ang halikan at iniisip na lang na walang halaga ang mga halik na 'yun sa kanila. Sabagay, hindi naman ito ang first kiss niya.
Kasalukuyan siya'ng nasa library ng eskwelahan nila. Pinapahinga niya ang utak niya dahil napagod siya sa kakapakinig sa prof niya. Sabi nga niya, kelangan talaga magseryoso na siya sa pag aaral niya para iyon na lang ang pokus niya sa buhay niya kung maaari lang.
Nakapatong ang ulo niya sa isang libro para magsilbi ito'ng sapin niya sa mukha niya. Nagbibilang ng mga tao na papasok sa library at hinihintay na mag bell para maka uwi na siya.
Nilipat niya ang mukha niya sa kaliwa at nagulat siya ng makita niya si Ares na nakangiting pilyo sa kanya at katulad niya ay nakapatong 'din ang ulo sa lamesa at may sapin na libro.
"Gago ka ginulat mo ko!" sambit ni Prima at umupo ng maayos para iligpit ang gamit niya na nakakalat sa lamesa.
"Nashookt ka ba sa kagwapuhan ko?" loko'ng tanong ni Ares at inirapan siya ni Prima. "Gwapo ka? Saan banda?" walang emosyong sabi ni Prima kaya napatawa na lamang si Arws at pinatong ang kamay niya sa ulo ni Prima at ginulo ang buhok nito.
"Ang sungit sungit mo!!!!" tumatawang sambit nito. Nakita niya'ng magkasalubong na ang kilay ni Prima kaya inayos niya ulit ang buhok nito.
Kunware lang yan si Prima pero gusto'ng gusto naman niya'g hinahawakan siya ni Ares.
lol joke lang.
"San mo gusto pumunta?" tanong ni Ares sa kanya habang naglalakad sila papunta sa sakayan.
"pisonet." sabi ni Prima. Seryoso siya sa sinabi niya kasi gagawa pa siya ulit ng panibagong critique paper. O'diba sabi sa inyo mag sisipag na si mamshie eh.
Napa-taas naman ng kilay si Ares at tinignan si Prima. "Ano gagawin mo 'dun? Magsa-soundtrip?" pangangasar ni Ares sa kanya na siya'ng kinainis ni Prima.
"Ang ayos mo kausap kahit kelan!" Reklamo ni Prima kasabay ng paghampas nito sa kanya ng libro niya.
"Joke lang hehe! Samahan kita." Inakbayan niya si Prima na siya naman na ikinamula nito.
Tangina mo wag mo ko hawakan kinikilig ako bigla... isip isip ni Prima at tinanggal ang pag akbay sa kanya ni Ares.
"Wag ka umakbay mukha ka'ng tarsier tsaka wag mo na ko samahan bawal tambay dun!" sabi ni Prima at naisip din niya na baka hindi sanay si Ares oppa sa pisonet dahil ritskid ito.
"Eh samahan nga kita!" pag akbay ulit ni Ares kay Prima kaya hinayaan na lamang niya ito na samahan siya.
"Iiwanan ka lang niyan~ sige sige maglibang~" napangiwi agad si Ares ng makapasok sa pisonet nandahil sa lakas ng patugtog ng mga jejemamshies na humahalo sa patugtog ng mga bata na naglalaro ng computer games.
Umupo agad si Prima sa tapat ng computer at naghulog ng piso. Samantala, nanatiling nakatayo si Ares sa likuran ng inuupuan ni Prima.
"Prima, delikado ata dito eh!" sabi ni Ares kay Prima pero tinawanan lamang siya ni Prima.
"Sabi sayo eh! Umuwi ka na, dito lang ako." sabi ni Prima sa kanya. Tinignan naman niya si Ares na patingin tingin sa paligid.
"kyah pogi mo."
"kyah pembarya!!"
"kyah anu fb mu?"
natatawa na lamang si Prima habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng iba'ng babae kay Ares. Ilang beses na siya'ng kinakalabit ni Ares para ayain ito na umuwi na lang pero binabalewala ito ni Prima.
Si Ares naman ay inis na inis na dahil kanina pa siya ginugulo ng mga babae'ng nagpipisonet. Hindi man lang daw kasi siya pansinin ni Prima na busy sa pagtatype sa keyboard.
"Kyaaaah! Ampogi mo!" Tumili ang isang babae ng tignan siya ni Ares.
napatingin si Prima kay Ares at bahagyang natawa pero naisip niya na sobrang yamot na si Ares kaya nakaisip siya ng paraan para tigilan na siya ng mga babae'ng nangungulit sa kanya.
"Babe, sorry talaga huhuhu! Tapusin ko lang 'tong document tapos uwi na tayo ha?!" malambing sabi ni Prima kay Ares na siya namang ikinagulat ni Ares.
Napangiti naman si Ares at hinawakan ang pisngi ni Prima, "Sige babe, bilisan mo para mahatid na kita sa inyo."
natawa na lamang si Prima ng pilit at tinignan ang mga babae'ng nangungulit kay Ares. Nag iwas ito ng tingin kay Prima at nagpatuloy sa pagpapatugtog ng malakas.
agawan niyo pa ko ah.... char!
BINABASA MO ANG
Empilights
Teen FictionAng istorya ni Prima at ng bestfriend niya'ng si Emperador Lights.