Chapter 57

1.3K 38 2
                                    


Lory pov!

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng magalit sakin si Xander at tatlong araw din kaming hindi nagpapansinan pero magkasama pa rin kaming pumapasok sa opisina at kapag uwian sabay pa rin kami pero parang hindi kami magkasama dahil walang ni isa samin ang nagsasalita kagaya ngayon abala siya sa ginagawa niya sa desktop niya at ako naman abala sa pinapagawa niya na dinaan niya pa talaga kay Jenny ang utos niya sakin. Matatapos na naman ang araw pero parang mag.isa lang ako sa opisina na to.

Inaantok na ako kaya kinuha ko ang cellphone ko para makinig ng music pero dumiretso ako sa social media account ko. Ewan ko lang pero feel kong kumustahin ang account ko at isang nakakainit ulo na naman ang nabasa ko.

Lory Briones caught on camera while hugging Mike Herdera on public.

Kumalat ang litrato na ito galing sa isang netizen na nakakita sa actor na si Mike Herdera na yakap ni Lory Briones. Kung matatandaan natin na engaged na siya sa isang kilala ring tao na si Alexander Buenodicto kaya kumalat ang kwento na ginagawa niya lamang na rebound ang nasabing personalidad. Hindi pa nga ba siya nakakapagmove on sa actor? Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng picture na ito. Kayo na ang humusga.

Ano? Saan na naman ba napulot ng blogger ang balitang yun? May picture pa kaming dalawa ni Mike pero nakablured sa may bandang likod ko dahil alam ko na si Mike ang nakayakap sakin hindi ako.

Samo't saring commento na naman ang pinost ng mga mapanghusga at nagtatangol sakin. Kahit alam ko na maari na naman akong masaktan sa mga mababasa ko pinili ko na basahin ang ilang comment.

Can't believe na nagagawa pang humanap ng babaeng yan ng iba samantalang engaged na siya sa isang bilyonaryo. Matuto kang makuntento girl. Nakakainis kasi kalandian mo!

Sa una ko pa lang na nabasa parang gusto ko ng basagin ang phone ko para naman mabawasan ang inis ko sa panghuhusga ng nagpost nito.

Lory ano pa ba ang gusto mo? Hindi ka ba marunong maging tapat sa taong nagmamahala sayo pati yung boyfriend ng iba niyayakap mo pa?

Siguro itong si Lory hindi niya pa rin tinitigilan si Baby Mike kasi gusto niyang sumikat kaya kung makakapit daig pa ang linta eh!

She's a fucking user! Ang kati mo girl. Di ba kakabreak niyo lang ni Mike humanap ka kaagad at isang mayaman at sikat pa. Gusto mo talagang sumikat kaya sa taong kilala ka kumakapit!

Bakit ba ang dali lang para sa kanila na husgahan ako? Alam ba nila kung ano ang ginawa sakin ng babaeng yun? Alam ba nila kung ano ang pinagdaanan ko ng dahil sa pangloloko sakin ni Mike? Siguro nga tama ang mga sinusumbat sakin ni Xander noon tungkol kay Mike. Bakit ngayon ko lang napag.isipisip na isa nga siyang magaling na actor dahil napaniwala niya ako na minahal niya ako dahil ang totoo hindi naman talaga dahil ni minsan hindi niya ako nakuhang ipagtanggol sa mga humuhusga sakin dahil si Trisha lang naman ang pinoprotektahan niya.

Kaya ba ako hinabol at niyakap ni Mike ng gabing yun para makunan kami ng picture na magkadikit kami at para palabasin na hinahabol.habol ko pa siya? Plinano niya ang lahat ng yun? Nananahimik na ako pero ginugulo niya pa ako.

Parang sasabog na ako sa sobrang galit kaya iniscroll ko na lang ang mga comments hanggang sa mapukaw ang atensyon ko ng isang nagpost dahil masyadong mahaba ang comment niya at dahil na rin sa user name niya kaya binasa ko to. Ngayon ko lang nalaman na may tagapagtanggol pala ako. Kung sino man siya nagpapasalamat ako sa ginawa niya.

@Lory'savior

I don't know Lory personally but If we will base on the former news and article about the break up of Lory and Mike we can identify if who is the the reason of the break up but unfortunately we just judge her not knowing and checking if who's to be blame cause she's just a victim here. Please don't judge her easily because of what we've heard or read about her because we don't know the whole story.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon