A/N (1): For some reason, lovely mortals, kailangan kong i-cut 'yong last part ng Chapter 5 at ilagay dito sa Chapter 6. Mianhamnida! :) Masyado akong impulsive 'nong i-update ko ang previous chapter. Hahaha! Anyway, you can just proceed/scroll down to the next scene. Medyo nagiging intense na ang happening. Hirap ma-attached sa Immortal.
PS. I need to stick to the plan that each chapter must contain at least 2,500 to 3,000 words only. Nyahahaha!
--Kai
🔷
Huwag manaig ang takot
Ipikit mo'ng iyong mga mata
Sandali lamang ang dilim
Sa pagsapit ng umaga'y\
Akin kitang gigisingin
Yakap ko ang babati sa 'yo
Huwag ka nang matakot
Nasa tabi mo lamang ako
Naghihintay ng sandaling
Ika'y magigising...
Yana found herself humming that strange song. Maging siya'y napaisip kung paanong alam niya ang kantang wala namang kumakanta maliban sa maliit na tinig sa isipan niya—like she knew it for so long.
Naghihintay siya kay Psylem. Ilang beses na niyang hinawakan ang marka nito sa kanyang balikat ngunit hindi pa rin ito dumarating. Nakatayo siya sa verandah ng ikalawang palapag. Waiting.
Ang daming gustong itanong ni Yana sa Immortal, bagaman batid niyang wala naman itong maisasagot sa kanya. But she wanted to see him that very moment. She wanted to make sure he's alright.
"Bakit ba napakatagal naman dumating ng Immortal na 'yon?" Naiinip na siya.
🔷
Psylem
He was there, from afar, looking at her as she waits for him to appear.
Batid ni Psylem na masyado na niyang naaabala ang mortal na babae. He saw how she had changed in a course of days since he came to her life.
Hindi naman ito ang babaeng dapat niyang matagpuan. And he wonder why he stumbled upon a wrong person. And everytime Psylem look at her, tila may kakaibang nangyayari sa kanyang dibdib. It wasn't pain like what he sees in people suffering from heart deseases or any illness that occurs on chest.
May paninikip sa kanyang dibdib bagaman wala namang sakit. Natatagpuan na lamang niya minsan ang sariling mahirap huminga. And then his eyes became blurry. Noong unang beses ay nagagawa naman niyang ignorahin ang nangyayari sa sarili kapag kaharap si Yana. But last night was different... so different...
He was watching her sleep. Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang payapang mukha ng dalaga.
Hindi pumaroon si Psylem para gambalain ang pagtulog ni Yana. He was there to chase away her nightmares and planted a good memory for her to dream. He may not know what it was exactly, pero batid niyang isa iyon sa magagandang alaala ni Yana.
BINABASA MO ANG
Wake Me Up, Ganahra
FantasyHe's an immortal --- a Keeper or a guardian, insensible and without past. At ang tanging nasa memorya lamang ni Psylem ay si Ganah, ang babaeng una't huli niyang nakita nang maggising siya sa katawang estranghero para sa kanya. Kaya't hinanap niya i...