~×♡×~ 21 ~×♡×~

815 51 10
                                    

Jimin Update :D

Yanael Bernardo


" Yana. " tawag sakin ni Primo

Kasalukuyan kaming kumakain ng icecream habang nakaupo sa bench kaharap ang dagat dito. Naglalakad ang mga tao sa unahan namin ni Primo.

" Hmm? " tanong ko habang nilalasap ko ang cookies and cream na icecream.

" Paano kaya kung buhay na pala tayo dati pa? " tanong niya

Natigilan ako saglit. Lumunok ako tsaka tumawa ng mahina. " B-Bakit mo naman natanong yan? " tanong ko

" Hmmm.. " sabay kain niya sa icecream niyang pistachio cashew. " Nacurious lang kasi ako na pano kung buhay na pala tayo last last laaaaast centuries right? "

" Hmmm.. Paano kung buhay na pala tayo nun? " tanong ko

" Malay mo sundalo ako nun tapos nakipagdigmaan ako para sa bansa diba? Astiiiig! " sabi ni Primo kaya natawa naman ako

" Tapos ako, isa akong babaeng may 10 anak na binaril lang. " natatawang sabi ko

" Malay mo ikaw pala yung nanay ni Rizal-- " bago niya matuloy sasabihin niya hinampas ko siya.

" Oo tapos ikaw si Antonio Luna kasi ang yabang yabang mo! " sabi ko tsaka inirapan siya

" Hala grabe? Hindi kaya ako mayabang. Kebait bait kong bata tapos sasabihan lang ako nang mayabang ng babaeng mahal ko? " sabi niya tsaka tumingin sa ibang lugar.

Naramdaman ko ang init ng tenga at mukha ko. Lumingon si Primo at sinundot ang tagiliran ko. " Yiiee kiliig~ " sabay tawa niya ng malakas.

" H-Hindi ah. " sabi ko

" Ang cu-- "

" Miss? " bago pa man matapos sasabihin ni Primo may tumapik sa braso ko.

Nakasuot ang kanang kamay sa bulsa ng denim shorts niya at ang kaliwang kamay ay pinangtapik sa balikat ko. Paglingon ko, gusto kong kalbuhin si Tane.

" Y-Yes? " tanong ko

Nagpanggap ako na hindi ko siya kilala. Ngumiti si Tane sakin atsaka nakuhang tumabi sakin. " Ang gwapo ko ngayon diba? MISS? " pagdidiin niya sa salitang Miss.

Tumawa ako ng awkward tsaka siya minatahan na 'anong ginagawa mo?!'

" Yanael? Kilala mo ba siya? " tanong ni Primo

>___<

" Hin-- "

" Yes. She knows me. Can I now pull her to somewhere and leave you here all alone? " tanong ni Tane na nakangiti

Kumunot ang noo ni Primo. " Excuse m-- "

Hindi pinatapos ni Tane nang pananalita si Primo, sa halip ay tumayo siya at hinawakan ako sa wrist atsaka hinila tumayo.

" A-Anong--?? "

Ngumiti si Tane sakin tsaka kay Primo. Nagsalute si Tane kay Primo. " See you later, bro. " sabay hatak sakin patakbo.

Nang makalayo layo kami, hindi parin tumitigil si Tane sa paghatak sakin. " Tane?! " sigaw ko

" Yes? " tigil niya sa pagtakbo

TSVAM Book 3: Vengeance ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon