Sa mundo na pinagigitnaan ng dalawang magkaibang malalakas na kaharian.
Ang mundong ito ay walang kaalam-alam sa totoong nangyayari.
Ang akala ng iba, ito ay purong paniniwala lamang ng mga tao.
Ang mga pangyayari sa pagitan ng langit at impyerno.
Xeraphina
"Hay nako. Sa susunod na magpapractice ng ganito katagal iyang buwisit na Erica na iyan, kakalbuhin ko na talaga siya!"
Ginabi ako dahil sa practice ng performance namin sa susunod na araw. Take note. AKO lang. Ang slow ko daw kasi sa pagkuha ng steps. Slow eh di sana hindi ako nakasali sa dance troupe. Isa pa puwede naman kasing hindi abutin ng alas onse ng gabi diba?
Palibhasa si Erica ang nagpatawag ng practice. May galit ata sa akin kasi last week lang, may nagbigay ng rosas sa akin at nalaman na ang ultimate crush niya pala ang nagpadala. Magmula nung araw na iyon ay madalas niya na akong pinag-iinitan.
Naglalakad na ako sa kanto pauwi nang may narinig akong kakaibang tunog.
"Hindi Xena, imagination mo lang iyon" pangungumbinsi ko sa sarili.
Habang papalapit ako sa may paliko ay lalong lumakas ang kakaibang tunog na iyon at hindi ko na napigilang silipin ang kung ano man yung narinig ko.
Curiosity kills the cat ika nga.
"Jusme!" Mahinang usal ko nang makita ang napaka nakakadiring eksena.
May isang nilalang na kulay asul at isang gutay-gutay na katawan. Ang katawan ng halimaw ay parang tao ngunit ang ulo nito ay tatlong malalaking ulo ng ahas.
Natutop ko ang bibig nang tuklawin na naman nito ang babaeng gutay-gutay ang katawan. Sa pagkakataong ito sa leeg naman na naging dahilan ng tuluyang pagkaputol ng ulo nito.
Dahan-dahan akong umatras pero may naapakan akong plastic wrapper. Mukhang malakas ang pandinig ng halimaw at nahanap niya agad ako.
"Ahhhh!" Sigaw ko at tumakbo hanggang sa makakaya ko.
"Inutil! Habulin mo ang mortal na iyon!" Narinig kong may isa pang nilalang na nagsalita. Mukhang kakampi nung taong ahas.
Ang alam ko, mabilis na ang takbo ko. Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang kulang pa iyon.
Napakabilis niya.
Nasa gitna na ako ng kalsada nang maabutan ako ng halimaw at pinulupot ang braso niyang puno pa ng dugo ng babaeng pinatay niya kanina.
"Ahhhh! Bitawan mo ako!" Sigaw ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin, basta makatakas lang ako.
May nahawakan akong kung anong bato sa may batok niya. Desperado na akong makatakas kaya binaon ko ang kuko ko doon at kinalmot palabas ang bato.
"Ahhhh!!!! Ang sakit! Ang init!" Sigaw ng halimaw
Napabitaw ang halimaw at tila ba nasusunog ito na nagpagulong-gulong sa daan. Hawak ko ang bato na kulay ube nang magliwanag ang halimaw at naging abo.
Nakaramdam ako ng pagod at biglang nahilo. Bumagsak ako sa daan at nakakita ng sinag ng liwanag na papalapit.
*BEEEEEEPPPPPP!!!!!!*
At kasabay ng paglapit ng sasakyan ay ang pagkawala ng aking malay.
BINABASA MO ANG
Diverging Worlds
FantasyIsang uri ng bato ang napasakamay ko nang magising ako mula sa isang masalimuot na karanasan. Ano nga ba ang kayang gawin ng batong ito sa buhay ko?