Prologue And Chapter 1

35.3K 283 9
                                    

Note: This is the raw and unedited version.

Teaser:

"Gusto kong ligawan si Caselyn Domingo for real." Ano'ng gagawin mo kung ianunsyo ng isang lalaki ang mga katagang 'yan sa napakaraming tao? Well, for Caselyn she would eventually say a big 'NO,' lalo na at galing ang mga katagang iyon sa nag-iisang lalaking 'peste' sa buhay niya - si McDriggs Keyser. Having known Driggs for so many years, he was nasot that kind of man who would have an interest towards her. Sa isiping iyon ay binasted niya ang lalaki. But Driggs kept on eyeing her. Hindi ito sumuko at lalo pang nagpursiging ligawan siya. And because Caselyn felt an unfamiliar feeling whenever Driggs was around, and because she saw the sincerity in his eyes every time he looked at her, sinunod niya ang dikta ng kanyang puso. Pumayag siyang magpaligaw rito. Happiness... that was what she felt in Driggs' arms. But that happiness she thought would last was also the greatest pain she would have to endure. Because she has to do the most painful choice in her life - which was to sacrifice her love for him.

HEART'S COFFEE DATE SERIES 1

SWEET BLENDED FEELINGS

By: Saab de Andrade

PROLOGUE

"WE know very well how people love drinking coffee. Today, it is not just for morning habits but for every moment. Anytime you can grab it and most of all you can sit, relax and enjoy the tasting aroma of coffee."

Maaliwalas ang ngiting ibinigay ni Lewis Driscoll habang prenteng nakaupo sa silya at nasa kaibayo naman ang isang batikang writer na si Lina ng Today's Brewing, ang pinakasikat na coffee magazine sa bansa.

Nandoon sila mismo sa loob ng kanyang pinakamamahal na pagmamay-aring coffee shop, ang Heart's Coffee Date habang isinasagawa ang interview sa kanya. Iyon ang kanyang kauna-unahang interview at masaya siya dahil sikat na magazine pa ang unang nag-feature sa kanya. At ang isang dahilang nagpapataba ng kanyang puso ay ang mabilis na paglago at pagsikat ng kanyang coffee shop at tuluyang nakilala sa industriyang kinabibilangan nito.

Ngumiti sa kanya si Lina, "Marami ang nagtatanong at na-curious kung bakit HCD or Heart's Coffee Date ang pangalan ng coffee shop. Somehow, it has a large impact on people. Tell us, what is behind HCD? How it started?"

Ngumiti si Lewis, "Well, I'm a half-British and half-Filipino and I was born in London. Pero sa Pilipinas ako lumaki. Dito ay naranasan ko na ang bawat paggising sa umaga ay hindi kumpleto kung hindi ako makakahigop ng masarap na kape. I do love coffee in the morning. I have this fascination in coffee. Everywhere I go, kahit saang lugar man 'yan ay hindi ko nakakalimutang pumasok sa isang coffee shop. At doon ay palagi akong nagbabaon ng papel at notebook at sinusulat kung anong lasa ng kapeng iniinom ko. Until I have empowered my mind that this is what I will do someday. Gusto kong magkaroon ng sarili kong coffee shop balang araw," naalala niya ang mga panahong nag-umpisa lamang ang lahat sa isang pangarap.

"I studied Business Management and have myself enrolled in coffee school. Gusto kong matupad ang pangarap kong iyon. And now, here it is the fruits of my success. I named it Heart's Coffee Date because I want every people going here to feel their heart while sipping a cup of coffee. It was like their heart and the coffee dating. Na habang iniinom nila ang kape ay parang nangungusap ito at ang puso nila. Heart – it is my heart, my desire to serve and to make people smile. Coffee – literally we serve creaminess, the yummy and lovable coffees. Date – it was like you and the coffee dating together."

"Sikat na sikat ang HCD sa mga magkasintahan. Lewis, paano nangyari ang ganoon?"

Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ng binata. "One year of our operation ay napansin ko ang bagay na iyan. Halos lahat ng nagpupunta sa HCD ay mga magkasintahan, mag-asawa, couples as they say. Doon ay naisip kong buuin ang isang impresyon para dito. I have to make this shop unique above of all. Two hearts dating for a cup of coffee. At doon ay nabuo ang mga mga katagang iyan na tinagkilik ng napakaraming mga tao. Paano ito naging unique? Lahat ng mga inumin at pagkain sa HCD ay pinalitan namin, kagaya ng lover's sweets - mga pastries, cakes and all kinds of sweets, lover's drinks – all kinds of coffees. Our bestsellers are: the love crème latte, seductive frappuccino, sweetie cappuccino, I love coffee, mocha you and I, romantic together vanilla, oh so chocolate-y and others. Masasabi ko na ang mga tao ang nagbigay ng impresyon sa HCD," tumatangong patuloy niya.

Heart's Coffee Date SERIES 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon